CHAPTER 47
DREAM
"Die." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa dulo ng baril na siyang nakatutok sa aking noo."I...-ikaw...?" Sambit ko habang di makapaniwalang nakatitig sa babae sa aking harapan.
Mahaba ang buhok nito at pareho ng taas sa akin. Ang babaeng nasa harapan ko ay walang iba kundi... Ako.
"You'll die without even remembering everything, Amber." Malamig at mababaw nitong sambit habang walang buhay ang mga matang nakatingin sa akin.
"B-bakit? Bakit ikaw? Bakit ka nasa panaginip ko?"
"We are one. Meiyra and Amber. Just remember who you are." Dahan dahan ay ibinaba nito ang kaniyang baril, at sa pagaakalang bibitawan niya iyon ay mali ako ng hinala.
Itinaas ng babae sa harapan ko ang baril at itinutok iyon sa kaniyang sentido na ikinabahala ko naman.
"W-wag! Bitawan mo ang baril! Wag mong patayin ang sarili mo!"
"Remember."
"Paano?! Hindi ko alam kung paano?! Kaya pakiusap, huwag!"
"Remember who you are." Ngisi nito.
Naguguluhan naman akong napasapo sa aking ulo habang di malaman kung papaano ko siya mapipigilan o maaalala ang kailangan kong malaman.
"Remember how the world was created." Huli nitong sambit bago umalingawngaw ang putok ng baril.
Napabalikwas ako ng bangon habang sapo-sapo ang aking dibdib. Ramdam ko rin ang malamig na pawis na siyang namumuo sa aking noo at leeg habang habol ko ang aking hininga. A dream. It was just a horrible dream—a nightmare that I never want to see again.
Kinalma ko muna ang aking paghinga bago muling bumalik sa paghiga nang mahagip ng aking paningin ang oras. It's already 12:56 pm. Hindi ko akalaing gano'n katagal pala akong natulog at kung pakaiisipin ay ngayon ang kanta ng banda namin. Di bale na... Hindi naman ako malelate at tama lang ang aking gising dahil alas singko pa naman ang start.
***
"We've looked at the same moon;but, just like the others we fall apart so soon. We've walked the same path, in the middle you lost the gut."
I stopped reading at the poetry section of the school's foundation day stall. Napili kong agahan na lang ang pagpunta nang sa gayon ay malibot ko muna ang lugar bago ang naturang labanan sa kinagabihan.
"A new club member wrote that poem." Ngiti nung nagbabantay ng stall sa akin.
"Maganda yung poem. Halatang may pinaghuhugutan."
"Sa totoo nga niyan ay magulo lang ang ending. Parang hindi kasi tumugma sa umpisa." Dagdag niya. Dahil naman sa nacurious ako ay lumaktaw agad ako sa ending.
"The way people perceived it to be—
World is not created as you seem to see.
Shed a blood and swim in it;
A sleeping demon will wake to eat."Kumabog ang aking dibdib sa nabasa. Iba nga ang ibig sabihin nito di tulad ng mga naunang stanza. Ang tulang ito ay mukhang may nais iparating—iyon ang kutob ko. At ano ang basehan ng kutob na iyon? Ang pagkapamilyar nito sa aking memorya.
"S-sino ang nagsulat nito?" Kabado kong tanong.
"Ah si ano. Ano... Ano nga ulit pangalan nun? Ah si ano! Si Jackie!"
Tila tumigil ang mundo ko sa narinig at para bang nabingi ang aking tenga. Jackie?!
'Amber, relax. Nag drop-out siya remember? Your traitor ex-friend can no longer join school clubs.'
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...