chapter 48: A SHOT IN THE DARK

1.3K 53 1
                                    

I'm lost, I'm so damn lost.

CHAPTER 48
A SHOT IN THE DARK

The crowd went quiet when I opened my mouth to sing. Ang kaba ko tuloy ay hindi na mawala dahil alam kong lahat sila ay nakikinig at nag aabang sa pagkakamaling maaaring mangyari, pero alam kong kaya ko ito. Hindi ko bibiguin sila Ian.

🎶"I've been left alone
Like a damn criminal
I've been praying for help cause I can't take it all
I'm not done, It's not over."🎶


Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang kanta. Kahit na ramdam ko rin ang malakas na tibok ng aking puso ay pilit ko iyong kinakalimutan magawa ko lang ito ng maayos. Isa pa'y alam kong sa sarili ko na hindi ito ang unang beses na kumanta ako-- na may ibang pagkakataon pa sa nakaraan na nagawa ko ang bagay na ito. Iyon ang gusto kong maramdaman at tandaan ngayon.

🎶"Now I'm fighting this war since the day of the fall and I'm desperately holding on to it all but I'm lost, I'm so damn lost.
Oh, I wish it was over and I wish you were here
Still hoping that somehow
'Cause your soul is on fire
A shot in the dark what did they aim for when they miss your heart
I breathe underwater It's all in my hands
What can I done don't let it fall a part

A shot in the dark
A shot in the dark..." 🎶


Idinilat ko ang aking mga mata nang magsimulang pumutok ang mga pailaw sa kalangitan. I looked at the fireworks aimed at the sky while singing the song we've practiced for weeks-- while the audience jump and bang their heads to synchronize with the beat. Ngunit ang kasiyahang nagsisimula pa lamang ay agad ring natapos nang malakas na pagsabog ang umalingangaw mula sa katabing building.


"In the blink of--"  Agad rin akong natigil sa pagkanta nang nabalot naman ng apoy ang katabing kagubatan.

"Amber!"

"Ian! Hades!"

"Zeus!"

Ang pagsabog ay nasundan pa sa likod ng stage at wala akong nagawa nang lumipad ang aking katawan pababa.

"Bomba! Takbo! Bilisan ninyo!"

"Aaaah! Bilis! Bilisan mo!"


"Shit! What the hell is happening!?"

Ilan pang magkakasunod na pagsabog ang umalingawngaw habang nag-uunahang makaalis sa lugar ang mga tao. Hindi naman ako nakagalaw sa aking kinalalagyan dahil sa pagkahulog ko sa stage kanina. Kumikirot ang aking likuran at namanhid rin ang aking katawan sa lakas ng aking pagbagsak. Pinilit ko namang itaas ang aking ulo at bumungad sa akin ang makapal na usok sa kapaligiran. Sira na rin ang stage at nagkalat ang mga upuan. Nabalot rin ng apoy ang lahat at ibang taong walang malay. It was like I was in a living hell just by looking around this unexpected incident.

"Shit! Ugh!" Napatakip ako sa aking ilong dahil sa usok. "Tulong!" Sigaw ko.

"Tulungan niyo ako!" Ulit ko.


Shit talaga! Idinantay ko ang aking siko at dahan-dahang tumayo. Masakit man sa katawan ay inipon ko ang aking lakas makaalis lang sa mainit na impyernong ito. Iika-ika akong naglakad paalis ng lugar na iyon nang matinis na ingay mula sa mic ang nagpahinto sa akin.

"Amber." Tawag ng pamilyar na boses mula sa mic.


Lumingon agad ako sa stage upang makita ang may-ari ng boses.

"Or should I call you... Meiyra?"

Hindi nga ako nagkamali ng hinala.


"Jackie." Mapait kong bulong na umani lamang ng ngiti sa kaniya.


"Long time no see, best friend. Nagpunta ako sa first concert mo hindi ka man lang ba natuwa?"


"Hindi ako natutuwang makakita  ng isang traydor."


"Really? Baka nakalimutan mong ikaw ang unang trumaydor sa Grainger, ex-mafia assassin."


Napaatras ako sa kaniyang sinabi. Assassin?

"Nagulat ba kita? Haha. Well, mas magugulat ka kapag itinutok ko ang sarili mong espada sa leeg mo." Mula sa kaniyang likuran ay hinugot ni Jackie ang espada roon.

Kuminang ang bagay na iyon dahil sa malakas na apoy at doo'y napagtanto kong iyon ang ibinigay sa akin ni Shadow kagabi dahil sa pangalang 'Kraljica' na nagrereflect. Napangiwi na lamang ako nang manlabo na ang aking paningin  dahil sa nasisinghot na usok. Sinimulan ko na ring iatras ang aking paa upang tumakas nang maglakad na palapit si Jackie. Hindi ito ang tamang oras para magpakabayani ako dahil unang-una sa lahat ay nasa disadvantage ang estado ko ngayon.


"You cannot escape, Meiyra." Habol ni Jackie at napatigil na lamang ako nang tumambad sa aking leeg ang talim ng espada.

"Mas mabilis ako sa iyo kaya hindi ka na makakaalis pa." Bulong niya sa aking tenga. "By the way," Dagdag pa nito.


Ipinikit ko ang aking mata habang dinadama ang malamig na blade sa aking leeg. Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? Hindi ko na ba makikita si Levius?


"Nasa labas si Levius ngayon. Nakikipaglaban sa limang assassin. Ibang klase rin pala ang lover boy mo noh? Kahit na nalaman niya na ang totoo tungkol sayo ay dumating parin siya para iligtas ka matapos kong magpadala ng sulat."


Levius?! Nandito siya?! Bumalik ang pag-asang muntikan ng mawala kanina.


"Huling tanong, Meiyra."

Napakagat ako sa aking labi nang idiin niya ang espada. Mukhang huli na ang lahat para sa akin. Nasa gitna ako ng nasusunog na eskwelahan kung saan nababalot ang aking paligid nang makapal na usok. Nanghihina na rin ang aking katawan at nasa likuran ko lang ang papatay sa akin.


"Ano ang formula? Ang sagot mo ang magliligtas sayo, red hair. Kaya pag-isipan mong mabuti ang sasabihin mo."

Formula... Ano ba ang formula? Amber! Alalahanin mo! Formula! Nagsimulang umikot ang aking paligid habang pinipilit alalahanin ang lahat.


Formula...

Unti-unting nanlabo ang lahat at humina ang boses na siyang kumakausap sa akin. Pahina iyon ng pahina hanggang sa huli ko na lang nakita ay ang mabilis na paglapit ng isang lalaki.


"Meiyra!" Tawag niyon sa aking pangalan.


Tumumba ako sa sahig bago ko naramdaman ang pag-apak ni Jackie sa aking ulo.



"Shadow." Sambit ko at napunta na ako sa ibang mundo-- sa dati kong mundo.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon