chapter 32: BETRAYED

1.6K 55 0
                                    

CHAPTER 32
BETRAYED


Minsan kailangan mong magsakripisyo alang alang sa kapakanan ng mga taong mahal mo. Huwag lang silang masaktan. Huwag lang sila mawala sa iyo. Dahil minsan, ang taong iyon ay ang madalas nakakaintindi sayo sa mga sitwasyong walang handang umintindi. Ang taong iyon ang madalas nasa tabi mo at naniniwala kapag walang ibang may gustong maniwala. Ang taong iyon ay ang aking kaibigan. At ngayon ako naman ang kailangan niya kaya ako naman ang gagawa ng paraan.

Iniliko ko ang aking sasakyan at mas binilisan pa ang pagpapatakbo nito papunta sa kalsadang madilim at walang dumadaang kotse. Pababa ang kalsadang iyon kung saan may nadaanan pa akong mahabang tunnel at sunod naman ay mga clubs na mukhang illegal na itinayo sa parteng ito. Mabuti na lang talaga ay malaki ang tulong ng waze sa cellphone kaya hindi ako nahirapang hanapin ang lugar.

Unti unti kong binagalan ang takbo ng aking kotse habang papalapit sa aking destinasyon. Maliwanag pa ang paligid at medyo sikat ang araw pero ni isang tao o nilalang ay wala kang makikita sa paligid, marahil ay dahil mapuno rito at imposibleng pasyalan o puntahan lang man ng kahit na sino.

Inihinto ko ang aking sasakyan ng matanaw ang lumang hospital. Malaki ang gusali nito at mataas, ngunit ang pintura ay nagbabakbak na at maging ang pangalan ng ospital ay hindi na mabasa dahil sa madumi at sira sira nitong letra. Mahigpit naman akong napakapit sa manibela habang iniisip kung saang parte ng gusaling iyon dinala si Jackie.

Saan nga ba?

Kapag pumasok ako siguradong marami nang mga naghihintay na sorpresa para sa akin roon. Bumaba ako ng kotse at dumaan sa mapunong bahagi palapit sa gusali upang mas makita ito ng malapitan. Sa gilid ay may isang armadong lalaki ang nagbabantay. Sa pinto naman ay may isa ring bantay na mukhang ilang gabi nang hindi nakakatulog.

Mukha namang hindi ganoon kalakas ang kanilang depensa dahil sa kaunti lang ang mga bantay, o masyado lang talaga nila akong minamaliit? Tsk.

Tahimik akong nagpalipat lipat ng punong pinagtataguan hanggang sa lumiit ang aking distansya mula sa lalaki sa gilid ng ospital. Palakad lakad lamang ito at matapos ng dalawang minuto ay babalik sa kaniyang pwesto at doo'y titigil ng dalawang minuto ulit. Mabilis mapredict ang galaw niya dahil na rin sa may pattern ito, kaya naging madali para sa akin ang pukpukin siya ng bato sa ulo at maingat na itinabi. Kinuha ko naman ang automatic pistol sa kaniyang holster at yung isang extra magazine nito.

Tinanggal ko naman yung lock ng baril bago umasintado upang subukan kung papaano ito gamitin nang sumulpot sa harap ko yung bantay sa harap.

"Hoy a—bang!" Shit! Nabaril ko si kuyang bantay!

"AAAAAH!" Jackie!

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis na tumakbo papasok pagkarinig pa lang ng sigaw ng aking kaibigan. Nahirapan pa akong buksan ang pinto nito dahil sa mga nakaharang gamit.

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Nasaan ba siya?

"Tulong!" Rinig ko ulit na sigaw ni Jackie.


Una kong nilibot ang bawat pinto sa unang palapag ng ospital. Luma na ang bawat kwarto at nagmukha na itong haunted hospital dahil sa patay sinding mga ilaw. Pumasok ako sa pinakahuling pinto kung saan may babaeng nakatali sa hospital bed, natatakpan ng kurtina ang bintana at patay sindi rin ang ilaw rito kaya medyo nahihirapan akong makita ang mukha ng babae.

"J-jackie?..." Mahina kong tawag.

Bahagyang gumalaw yung babae sa kama dahilan para matanggal ang buhok na nakatakip sa kaniyang mukha.

"A-am? Tulungan mo ako... Amber... Tulungan mo ako!"


"Jackie!" Mabilis pa sa kidlat ay lumapit ako sa kaniya at sinubukang tanggalin ang mga tali nito sa katawan.

"Sorry, Jackie! Kasalanan ko to..." Naiiyak kong sabi habang tinatanggal yung tali sa kaniyang paa.

"Amber... Kasalanan mo nga ang lahat ng ito." Natigil ako sa pagtatanggal ng tali.

Umangat naman ang tingin ko kay Jackie na nag iba ang ekpresyon. Hindi ko inaasahang maririnig ko mismo mula sa kaniya ang mga salitang iyon.

"Jac—"


"This is all your fault. Mahina ka kaya nasasaktan ang mga tao sa paligid mo. Mahina ka at hinayaan mong emosyon at kabutihan ang manaig sa puso mo." Ngisi niya na ikinaatras ko.

"Anong nangyayari sayo?" Kabado kong tanong.

Parang hindi siya ang kaibigan ko. Parang sinapian ang taong ito dahil iba siya sa Jackie na nakilala ko.

"Anong nangyayari sa akin? Wala naman... Napagod lang ako sa pagpapanggap." Kaswal niyang sagot.

Mula naman sa pagkakahiga ay walang hirap siyang nakatayo mula sa hospital bed habang hawak hawak ang swiss knife at mga lubid na naputol niya. Anong ibig sabihin nito?

"Iiwan na kita rito. Mukha namang wala akong mapapala sa pagpapanggap na kaibigan mo dahil hindi mo maalala ang formula. Blacklisted ka... Expect death to come haunting you. Bye."

Iniwan akong tulala at naguguluhan ni Jackie sa loob ng kwartong iyon. Sa mga oras na ito, isa lang ang konklusyon na naiisip ko sa ginawa niya sa akin. Niloko niya ako. Nagpanggap siya...

Lumabas ako ng kwartong iyon ng wala sa sarili. Nilakad ko ang mahabang hallway ng wala rin sa sarili. Parang lumilipad kasi ang isip ko sa ginawa ni Jackie. Pumunta ako rito para iligtas siya, pero mukha namang plinano niya lang ang bagay na ito.

"Oh, baka mamatay ka agad niyan kung hindi ka alisto." Mabilis akong nag angat ng tingin ng marinig muli ang boses niya.

Sa gitna ng lobby ay nakatayo si Jackie katabi ang isang lalaking hindi naman gano'n katipuno pero sa aura nito ay malalaman mo nang may kakaiba. He seems weak but something about him screams danger.

"Meet Xavier, one of the assassin of Grainger mafia, your murderer." Ngisi ni Jackie bago ako bigyan ng malawak na ngisi at naglakad paalis.

Sinubukan ko naman siyang pigilan gamit ang hawak kong baril ngunit mabilis siyang gumalaw at naagaw iyon.

"Tutal mamamatay ka rin lang. Huwag ka nang magtapang tapangan pa. Ako na lang bahala ang magsabi sa school at sa pamilya mo na namatay ka sa pagligtas sa akin." Labas niya ng hospital habang nakatutok pa rin sa akin ang baril. "Xavier, ikaw na ang bahal diyan."

Alerto ko namang nilingon yung Xavier na ngayon ay may hawak nang dalawang katana sa magkabilang kamay. Shiz! Paano ko tatakasan ito ng walang laban?!

"Target locked. Kill her in one minute." Parang robot nitong salita at mabilis na sumugod sa akin.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon