chapter 15: DETENTION WITH BLONDIE

2K 67 0
                                    

CHAPTER 15
DETENTION WITH BLONDIE

Sa sobrang kahihiyan ay hindi ako tumigil hanggang sa makarating ako ng rooftoop at malanghap ang medyo malamig na simoy ng hangin na pumapagaspas sa aking namumulang mukha. Shucks! Nakakahiya talaga yung ginawa ng Lance na iyon!

"a-am...ber... Ang... Bi-bilis mong tu...tumakbo!" Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Jackie na basa dalawang tuhod ang kamay at hingal na hingal pa. Kasunod niya namang dumating si Diana na nagkibit balikat lang bago naupo sa sahig ng rooftop.

"Let's eat." sabi niya at tumango naman ako bago naupo sa kaniyang tabi, ganun din ang ginawa ni Jackie na medyo nakarecover na sa pagtakbo.

"Kailangan ko na yata mag excercise! Hoo! Grabe, hiningal talaga ako ng sobra!"

"Hahaha, napaghahalataang tamad sa bahay. Siguro palagi kang nakaupo at kumakain sa inyo, noh?" Ngiti ko habang binubuksan ang aking pagkain.

"H-hoy! Hindi ah! Eh bakit ikaw? Tamad ka rin naman ah!"

"Hindi kaya!"

"Oo kaya!"

"Oh come on, just admit it that you are both lazy!" sabay naming pinukulang ng masamang tingin si Diana. Itinaas niya naman ang dalawang kamay bago umirap sa amin.

"Fine! We are all lazy!" dagdag pa ni Diana habang nakangiti, sabay sabay naman kaming tumawa at nag umpisa nang kumain.

Habang kumakain naman ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa t'wing mapapadpad ang aking tingin kay Diana. Kating kati na kasi akong malaman kung paano niya nakilala si Alfieri o papaanong nasabi niyang blacklisted ako. Mabilis naman akong umiwas ng tingin nang magtama ang tingin namin. Shiz! Umayos ka nga, Amber!

Matapos kumain ay sabay sabay kaming bumalik sa classroom, ngunit ang hindi ko talaga maintindihan ay ang mga tinginan sa akin ng mga kapwa ko estudyante. Halos lahat sila sinusuri ako na parang isang transferee o para bang babaeng may dalawang ulo base sa mga tingin na ibinibigay nila. At kahit anong pagbabalewala ang gawin ko ay sadyang naiirita na ako... Siguro kung nandito sila Cole ay walang magtatangkang tumingin sa akin... Speaking about them, bakit kaya wala na kaagad sila ngayon?

"Anderson?"

Baka naman nagalit si Alfieri sa akin?

"Amber, tawag ka ni ma'am..."

O baka naman umiiwas siya?

"Pst, Amber..."

Tss. Napaangat ako ng tingin nang may sumiko sa aking tagiliran. Tinaasan ko naman ng kilay ang taong iyon bago binigyan ng iritadong tingin.

"Fifteen minutes detention, Anderson!"

...At mali yata ako ng taong pinagbuntungan ng inis. Namumulang umalis si ma'am sa aking harapan para bumalik sa board at magpatuloy ng kaniyang pagtuturo. Nanlulumo naman akong napaubob sa aking desk habang iniisip ang aking detention. Aish! Bakit kasi nag space out ako!

"Stop using your phone, Carter! Fifteen minutes detention to you, too!"

Nagpantig naman ang aking tenga sa narinig. Kung mamalasin nga naman ay nasabay pa sa akin sa detention yung ilusyunadong transferee. May pa-'imissyou' pang nalalaman samantalang hindi naman kami magkakilala o magkaibigan.

Natapos ang klase ng hindi ako nakikinig sa kahit na anong itinuro ng aming guro, dahil bukod sa wala akong ganang matuto ngayong araw ay pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon