chapter 41: BOY'S PAGEANT WITH A TWIST

1.4K 46 0
                                    

CHAPTER 41
BOY'S PAGEANT WITH A TWIST


Walong oras din ang naging byahe namin at walang tigil sa pagsasalita o kaya'y pagpapatawa ang aming tour guide, samantalang eto namang katabi ko ay mukhang bwisit na bwisit na sa lalaking nakaupo sa bandang kaliwa ko, nasa kanang bahagi kasi ang upuan namin at yung nasa left side namin ay walang iba kundi si Lance.

"Am, baka nagugutom ka na? May dala akong sandwich." Ani nito habang inaabot sa akin yung ziplock.

"Busog pa ako. Mamaya na lang." Ngiwi ko naman nang makarinig ng reklamo sa aking katabi.


"Come on, Diana. Mabait naman si Lance ah." Siko ko sa kaniya.

"I don't why but I hate him. He is noisy and annoying. Too childish. Tch."


Konti na lang talaga iisipin ko na crush nito si Lance at nagseselos lang talaga sa aming dalawa. Hahaha! I'm sure as hell she is going to hit me with her machine gun if she ever knows what I'm imagining right now.


"Ganiyan din naman si Jackie ah." Naibulalas ko na lang at huli na nang mapagtanto ko ang nasabi.

Dumilim ang ekspresyon ni Diana bago bumaling sa katabing bintana.

"That's why I hate him. It reminds me of her."

Napaiwas na rin ako ng tingin. Iyon pala ang dahilan kung bakit ngayon ay ayaw na ayaw niyang nakikita si Lance. Surely, sa aming dalawa ni Diana ay mas unang nagkakilala sila ni Jackie. All I know is that they were very close until I got into the picture and befriended them. The three of us became best of friends in such a short amount of time. Kaya sa aming dalawa ay mas nasasaktan si Diana. Mas galit siya. Mas malungkot siya. Her heart was broken by a betrayal of an old friend—now, former best friend.

Tumigil ang bus sa tapat ng Plaza del Norte hotel sa Calayab, Ilocos Norte base sa sinabi ng tour guide namin. Agad naman kaming nagsipagbabaan upang magcheck-in sa aming hotel at magpahinga sandali. Four persons per room ang kinuha ng school namin, kaya bukod sa amin ni Diana ay may kasama pa kaming dalawang kaklase na si Paola at Sandy.

Matapos ang sandaling pamamahinga ay nagsimula na kaming mamasyal. Pinuntahan namin ang Sta. Monica church na may napakahabang aisle, Malacanang of the north, light house at kung ano-ano pa hanggang sa abutin na kami ng dilim sa daan. Pagkabalik naman ng hotel ay pinagpahinga ulit kami at pinag-ayos dahil magkakaroon daw ng pageant habang nagl-lunch ng buffet.

Syempre maraming excited dahil mga lalaki ang kasali sa pageant. Thinking that we all would be able to see their sexy abs, kung meron man.

"I'm excited to see Lance in his naked upper body! Yieeeee!" Tili ni Paola na ikinailing naman ni Diana.

"I'll just take a shower."

"Sige, bilisan mo ah. Gutom na ako!"

Bumaling ako kila Sandy para makisali sa kanilang kwentuhan ukol sa pageant. Syempre paniguradong karamihan sa mga lalaki ay kasali dahil pinilit raw sila ng mga professor. Problema nga lang daw, may kung anong twist na ginawa yung organizer na ikinacurious naming tatlo. Ano naman kayang ipapagawa sa kanila? Anong twist iyon?

"Maybe they'll ramp on their boxers! Kyaaaah!"

***

Pero nasira ang mga imaginations ng mga babae at gay classmates ko. Lahat ay halos mapanganga nang magsimula ang pageant at halos malunok ko ang teaspoon na kakasubo ko lang. Kahit si Diana ay natulala na lang sa stage habang tinitignan ang mga lalaking rumarampas isa-isa. Ang kaninang pagkasabik ay napalitan ng gulat at tawanan. Bakit? Dahil sa twist.


Agad kong nilabas ang aking phone nang iannounce ang pangalan ni Lance. Tilian naman ng iba ang nangibabaw habang sa iba ay sandaling katahimikan o kaya'y hagikhikan. Kahit ako ay di rin mapigilan ang tawang namumuo sa aking loon. OMG! Ang laki pala ng katawan ni Lance! He has this biceps ang mascular broad shoulder na hindi mo talaga mahahalata kapag nakauniform. Pero iba ngayon! Lance is wearing an off-shoulder dress na hapit na hapit sa kaniyang maskuladong katawan. He was also wearing a red high-heeled shoes which made him a walking muscular barbie doll.

Hilaw siyang ngumiti sa mga audience at nang magtama ang tingin namin ay napalitan iyon ng pagmamakaawa. I bursted out laughing while taking pictures of his puppy-looking face.

"That is so hilarious! Hahahahaha!"



Natapos ang pageant. Hindi nanalo si Lance at yung payat na lalaki ang nanalo. Speaking about him, simula nang matapos ang event at lunch ay hindi ko na nakita ang blond na yun. Masyado sigurong nahiya kaya nagtago na.


"Waaaah! Fafa Lance! Gwapo ka pa rin naman!" Sigaw ng isang bakla na siya namang ikinalingon ko.

Papasok na ulit si Lance ng dining area at nahihiya naman siyang lumapit sa table namin. Tahimik namang kumakain si Diana ng kaniyang dessert nang hindi man lang pinapansin ang bagong dating.


"Nakakahiya ang ginawa ko." Kamot ni Lance sa kaniyang batok.

Lumawak naman ang aking ngiti habang inaalala ang nangyari kanina. Masculine Lance in his slutty red dress.


"Hahahahaha! Grabe! Ang dami kong tawa kanina! Nakakaloka!"

"Worth it din pala ang ginawa ko. At least, napasaya kita."


"Hahahaha—ack! H-huh?" Gulat akong napatigil sa pagtawa.

"Wala. May sasabihin pala ako sayo bukas."


"Ano yun?" Tanong ko habang kinakain yung kinuha kong pudding sa buffet kanina.


"Bukas nga e." Ano ba yan! Ayoko sa lahat pinaghihintay ako.

"Ngayon na. Edi sana bukas mo na lang sinabi na may sasabihin ka diba?" Simangot ko.

"Bukas na. Kino-compose ko pa yung sasabihin ko e."

"Bakit kakanta ka ba?"

And this time, he is the one who bursted out laughing without a care about his surrounding. Hmp!

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon