Gown above🔝🔝
CHAPTER 24
HIS DATEI am wearing a one shoulder long red gown. Nakababa rin ang buhok kong kinulot at nilagyan ng silver clip sa gilid ng ulo. Kulay pula naman ang aking mga kuko sa daliri sa kamay at paa. Napatitig muli ako sa malaking salamin sa aking harapan, para akong 'goddess' sa hitsura ko ngayon at masasabing halos close to perfection ang ginawa nilang make over sa akin, ni hindi ko nga nakilala ang sarili sa sobrang ganda ng nasa salamin.
"Wear this." Ibinaba ni Mrs Santos ang hawak na 4-inches silver heels sa aking harapan.
Isinuot ko naman roon ang aking paa n mas lalong nagpadagdag sa aking height.
"You look very stunning, such a gorgeous young lady!" Palakpak nung bakla sa gilid ko. If I know inggit lang siya sa beauty ko. Kidding!
"Ahm... Thank you." Ngiti ko sa kanila.
Tumango naman si Mrs Santos bago ako iginaya palabas ng kaniyang salon. Mula naman sa kotse ay bumaba si Cole na akmang lalapit na nang matigil ito sa paglalakad. Nailang naman ako sa titig niya kaya naisipan kong magsalita na lang.
"Tara na."
"A-ah, o... Oo nga pala!" Taranta niyang sabi.
Mabilis na binuksan ni Cole ang sasakyan at maingat naman akong sumakay sa likod nito. Umikot naman siya sa kabila bago naupo sa driver's seat at nagmaneho. Ilang oras din pala ang inabot ko sa salon dahil medyo madilim na rin sa labas.
"Ilang oras pa yung byahe?"
"Mga isang oras po." Sagot ni Cole kaya nilabas ko na lang ang aking phone para mag earphone at magpatugtog.
***
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang malaking hotel. Bago pa man din makababa si Cole upang pagbuksan ako ng pinto ay may nauna na nitong magbukas."Boss," yuko niya dahilan para mapaangat ako ng tingin.
Halos kumabog naman ang aking puso nang makita ang napakaperpektong nilalang sa aking harapan. Nakasuot ng three piece white suit na may red neck tie si Alfieri. His hair is also made up with small spikes on his head. Dahil sa buhok niya ay mas naging kapansin pansin rin ang mukha niya at napakagandang abong mga mata nito.
"Shall we?" Monotone niyang sabi. Inilahad niya naman ang kaniyang kamay na siyang malugod kong tinanggap.
Ngumiti ako at lumabas na ng kotse bago kami sabay na pumasok ng prestihiyosong hotel. Nakakahakot naman kaming dalawa ng mga atensyon lalo na't sa mga babae, marahil ay halos mahulog na sa makintab na sahig ang kanilang mga panga.
"So..." Simula ko nang makapasok kami sa elevator. "Bakit mo ako sinama rito?"
Mula sa kaniyang pwesto ay nanatili namang diretso ang tingin ni Alfieri habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
"It is a formal business gathering and I'll be needing a date." Seryoso naman niyang saad. "You are the first person that popped out in my mind."
Pfft! Kinagat ko ang aking dila upang iwasan ang pagbagtas ng malawak na ngiti sa aking mukha. May crush siguro sa akin itong si serious freak. Hihi.
"Let's go." This time yung braso naman niya ang kaniyang inilahad sa akin. Ikinapit ko naman ang kanang kamay sa kaniyang braso bago kami sabay na lumabas ng elevator.
Mula naman sa malaking double door na hinintuan namin ay pinagbuksan kami ng dalawang lalaki. Bumungad ang engrandeng hall sa amin na may motif na white and gold. Kung tutuusin mas nagmukha itong royal gathering kumpara sa business gathering. Nakakamangha! Well, I've been on different luxurious parties but this one is different. Masyadong formal kung kumilos ang mga tao.
"Wow." Natatakam kong baling sa hilera ng mga pagkain sa mahabang lamesa.
"Stay by my side, Anderson." Matigas na sabi ni Alfieri nang akmang aalis ako.
Bigla niya namang inilagay ang kamay sa likod ng aking bewang na nagpataas ng mga balahibo ko. Shiz! Goosebumps!
Pero bakit parang kinikilig ako?! Nevermind.
"Hello there, Mr Alfieri." Lapit ng lalaking kasing edad lang ata ng katabi ko. "I'm Charles Vibal. Still remember me?"
"Yes, I do." Nagshake handa silang dalawa bago nabaling sa akin ang tingin ni Charles.
"What a lovely company! May I have the honor to know your name lovely flower?"
Tumindig ang balahibo ko sa ibang dahilan. Creepy! Naalala ko tuloy si Tristan, yung kalbong weird na tauhan ni Alfieri. Nanatili pa ring nakangiti at naghihintay sa sagot ko yung Charles kaya wala na akong ibang magagawa kundi sagutin siya.
"I—"
"She is none of your business, Vibal." Singit ni Alfieri na mas lalo akong hinapit palapit sa kaniya.
Shocks! Hihimatayin na ata ako!
"Let's go." Aya niya at iniwang nakatulala si Charles roon. Creepy naman siya kaya okay lang yun.
"Don't get near him." Bulong ni Alfieri, naramdaman ko naman ang pagdami ng kaniyang labi sa aking tenga. "He is a dangerous playboy."
Bakit pakiramdam ko kay Alfieri ako delikado at hindi sa isang playboy?
Naupo kami sa reserved seat ni Alfieri. May mga naupo rin sa circle of table namin na hindi man lang tinapunan ng tingin ng kasama ko. Nagsimula na ring may magsalita sa mini stage, mostly about business ang terms at mga sinasabi niya kaya kahit papaano ay nakinig ako. Magiging useful rin iyon para sa akin sa future. Natapos ang speaker at nagsimula nang magsitayuan ang iba para mag usap usap, mayroon ding mga nagutom na kaya kumuha ng pagkain.
"Go get some food and eat here. I'll just be a moment." Paalam ni Alfieri.
Umalis na siya at pumunta sa crowd ng mga business people at dahil nagugutom na ko ay naisipan ko na lang kumuha ng pagkain sa buffet table. Parang nalibre tuloy ako sa isang seminar, nakakatuwa naman. Matapos kumuha ng mga pagkain ay babalik na sana ako sa aming table nang may humarang sa akin.
"Hi, di ko nakuha pangalan mo kanina." Ngiti ni Charles.
Lumibot naman ang tingin ko para hanapin si Alfieri pero busy siya sa pakikipag usap. Looks like I have to deal with this creepy smiling face alone. Ngumiti ko na mas nagpalawak ng ngiti ni Charles.
"No need to know my name. Sabi nga ng kasama ko, I am not your business." Ngiti ko pa rin.
"Playing hard to get?" Ngisi niya.
"Nope." Sagot ko. "Kapag may gusto man ako, I will grab the opportunity. And to be honest, wala akong interest sayo." Matamis kong ngiti bago siya lagpasan.
"What are you? Alfieri's toy?" Napatigil ako sa tanong niya at napaisip.
"Bakit? Bukod sa akin may iba pa bang nakasamang babae si Alfieri?" Nakatalikod kong tanong.
"Wala. Kaya nga tinatanong kita. As far as I know, you are the first lady I saw him with." Hinarap ko si Charles bago siya taasan ng kilay.
"Porque ako yung una mong nakita laruan na agad niya? Hindi ba pwedeng..." Ano ba ako? "Kaibigan lang?"
"So he is capable of making friends? Pwede ko na bang malaman ang pangalan mo? Kanina pa tayo nag uusap pero hindi naman natin kilala ang isa't isa."
Binigyan ko si Charles ng pekeng ngiti bago muling tumalikod.
"No need. Hindi na naman tayo mag uusap." Sabi ko at buong confidence na bumalik sa aking upuan.
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...