chapter 22: CLUBS

1.7K 50 0
                                    

CHAPTER 22
CLUBS

Alas-siyete na kami nakauwi. Ngayon ko lang din napansin ang ganda ng labas ng mansyon ni Alfieri. May mga ilaw ang puno at may kulay blue ring ilaw ang malaki nilang fountain sa gitna ng driveway. Sa di malaman na dahilan ay napangiti ako sa ganda ng tanawin, ngunit pagkapasok palang ng mansyon ay agad na napawi ang ngiti sa aking mukha.

"You're late." Sambit ni Alfieri na nakaupo sa sofa. Seryoso ang kaniyang mukha na nakatutok sa kaniyang phone.

"Ah, oo nga e, hehe." Ngiwi ko. Hindi nga pala talaga ako nag paalam sa kaniya kanina.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan para sana makapagpalit na ng damit sa aking kwarto nang marinig kong tumikhim si Alfieri. Oh-oh! Looks like we are not yet done.

"So?" Rinig kong sambit niya. Lumingon naman ako sa kaniyang pwesto at hindi pa rin nagbabago ang postura nito mula kanina.

"Ano yun?"

"Where have you been?"

Blast! Hindi ko pwedeng sabihin na nanggaling ako sa orphanage, alam ko namang wala na siyang pakielam roon pero nakakahiya kapag nalaman niya.

"Diyan-diyan lang. Namasyal." Sabi ko habang nagkukunwaring inaantok na. Pero sayang lang din ang effort dahil ni katiting na tingin ay hindi man lang ako tinapunan.

Ibang klase din talaga itong si Alfieri. Hindi man lang natitinag sa kaniyang pwesto.

"In Pampanga?" Napaawang ang aking bibig sa kaniyang sinabi. Ibinaba niya na rin ang kaniyang phone bago tumayo at hinarap ako. "What did you do in Pampanga?"

Napatitig ako sa malamig na mga mata ni Alfieri. Bumalik na naman iyon sa pagkaseryoso na animo'y natural na sa kaniyang ekspresyon. Huminga naman ako ng malalim para ikalma ang aking sarili, sa ginagawa niya kasi ngayon ay para siyang mga magulang ko. He is like my mom who is overprotective.

"Look," panimula ko. "You're not my mom, okay? Malaki na ako at pupunta ako kung saan ko gustong pumunta kaya please lang, stop acting like an overprotective and suspicious parent."

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng aking kausap. Ano pa bang aasahan ko sa isang serious-face freak na katulad niya?

"You got it wrong, Anderson." Nanindig ang aking balahibo nang mas lumamig ang kaniyang boses.

"A-anong ibig mong sabihin?" Buong lakas kong sabi.

"I am not acting like a parent to you. In fact, I am just doing this because I made a deal with your mother. I need to assure your safety. If I failed to do so, that would make a big blow to my ego."

Ouch... Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero parang may tumusok sa aking puso. He is not concerned at all. He is just thinking about the deal with my mom and I am nothing but a mere instrument.

"Aakyat na ako." Walang gana kong sabi at umakyat na nang hindi man lang hinihintay ang kaniyang reply.

Nasaktan ako. Oo, nasaktan ako! At ngayon ay naiiyak na ako dahil sa inis! Bwisit siya!

Padabog kong isinara ang pinto bago ko padabog na binaba rin ang aking backpack. Nakakainis kasi siya! Pwede niya namang sabihing concern lang sa akin, pero nagawa niya pang sabihin ang totoo. Truth hurts, ika nga. Kasi naman e, malungkot na nga ako dahil sa kinalabasan ng paghahanap ng files ni Meiyra tapos bubungad pa ang pagiging cold hearted niya.

***

"Anong club ka na sasali?" Pangatlong beses na akong tinanong ni Jackie tungkol sa club.

Ginawa kasing required ang pagkakaroon ng club na sasalihan para daw maging active daw kami sa mga activities ng school, pero heto pa rin ako at wala pa ring maisip na sasalihan.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon