🔫chapter 13: KNIGHT IN BLACK SUIT

2K 72 0
                                    

CHAPTER 13
KNIGHT IN BLACK SUIT


"Meiyra..."

"You are the coldest and the rudest person I've ever met, Meiyra. Kahit minsan subukan mo namang ngumiti."

"I don't smile, Shadow. Never in my life I would do that. At hinding hindi ako ngingiti para sayo."

"sinasaktan mo na naman ang damdamin ko."

Naalimpungatan ako sa sakit na gumuguhit sa aking ulo, sinubukan ko naman itong hawakan ngunit may pumipigil sa dalawa kong kamay. Muli akong napangiwi nang sumakit na naman ang aking ulo kaya pilit kong binuksan ang aking mga mata. Maliit na liwanag mula sa napakaliit na bintana ang bumungad sa akin, napatingin naman ako sa aking katawan na nakatali ang paa at kamay sa aking likod.

'nasa'n ba ako?'

Binalik ko ang aking ulo sa malamig na sahig upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit nito, ngunit hindi umepekto ang malamig na bato. Ano ba kasing nangyari at napakasakit ng aking ulo. Sinubukan ko namang igalaw ang aking kamay upang tanggalin ang lubid na nakatali rito. Sa bawat galaw ko naman ay para bang nahihiwa ang aking balat sa sobrang higpit ng pagkakatali. Nakakainis!

"Gising ka na pala." Mariin akong napapikit nang marinig ang boses na iyon. Bakit ko nga ba kinalimutan kung paano ako napunta rito... Malamang naloko ako ng isang lalaking nagngangalang Shadow na hindi ko man lang alam kung papaano ako nakilala.

"Hindi ako gising," sarkastiko kong sabi. "Naghahallucinate ka lang dahil isa kang baliw." dagdag ko pa at naramdaman ko na lang ang pag apak niya sa aking ulo.

Napangiwi ako nang mas idiin niya ang kaniyang sapatos sa aking ulo dahilan para mas sumakit ito. Sinubukan ko namang magpumiglas ngunit hindi rin siya umalis.

"Tanggalin mo ang paa mo!" singhal ko sa kaniya.

"Masaya akong nakikita kang nahihirapan, Meiyra." Tinanggal niya ang kaniyang sapatos sa aking ulo bago lumuhod sa aking harapan. Sinamaan ko naman ng tingin si Shadow habang iniisip kung paano ko papatayin ang isang 'to.

"Tch. Huwag mo akong tawaging Meiyra, hindi ko iyon pangalan!"

"Nakalimot ka na nga talaga at iyan ang ikababagsak mo. Sabihin mo nga sa akin... Talaga bang wala ka nang maalala?" kumunot ang aking noo. Sa paraan ng kaniyang pananalita ay animo'y kilalang kilala niya ako, samantalang ngayon ko nga lang siya nakita.

"Anong ibig mong sabihin?" Hinigit ni Shadow ang kwelyo ng aking blouse at inilevel ang mukha ko sa kaniya at wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiwi.

"I used to love you before, Meiyra. Pero ano ang iginanti ng isang katulad mo? You ignored me! You ignore the love I had given you!" matigas niyang sabi.

"H-hindi kita maintindihan..." naguguluhan kong sabi habang nakatingin sa kaniyang mga matang punong-puno ng galit at pagkamuhi na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

"Bakit hindi mo alamin ang tunay mong pagkatao bago pa mahuli ang lahat?" ngisi niya bago ako marahas na binitiwan. "They are coming for you, Meiyra..."

Iniwan niya ako sa madilim na kwartong iyon nang naguguluhan at hindi alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Ano bang meron sa akin? May amnesia ba ako? Ano ba ako dati? Sino ba talaga ako? Hindi ko na namalayan ang pagtanggal ng tali sa paa ko at paghila sa akin palabas ng maliit na kwarto hanggang sa makarating kami sa labas ng lumang gusali. Nilibot ko ng tingin ang paligid at doon kong napagtantong nasa kagubatan kami. Limang lalaki ang nasa harapan ko ngayon at sa likod ko naman ay may apat pang nakabantay, ginalaw ko naman ang aking kamay sa likod upang subukang tanggalin ito nang magsalita ang lalaki sa aking harapan.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon