CHAPTER 43
IT HURTS SO BADLYKaya ba?...
Kaya bang ibalik ang dating nararamdaman?...
Pwede bang muling tumibok ang puso sa dating paraan?...
Pwede bang ibalik ang pagmamahal sa taong matagal nang nakalimutan?...
Pwede ba?
Pwede bang bumalik ang dati sa nakaraan ngayong kasalukuyan na ang laman ng puso?... Malabo na.
Kasalukuyan kaming nasa bus ngayon at pabalik na ng maynila. Nakadungaw lamang ako sa bus habang mag-isang nakaupo sa two-seater. Naunang umuwi si Diana dahil may importante daw siyang kailangang asikasuhin, kaya eto ako ngayon nag-iisa habang akward na nakikinig sa aking earphone. At kung nagtataka kayo tungkol sa nangyari kagabi ay simple lang ang nangyari, hindi ako nagsalita, katulad ng una naming pagkikita sa campus ay tinakbuhan ko si Lance. Hindi ko alam ang sasabihin ko ng mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung paano ba dapat ang mararamdam ko pero ngayon mas nangingibabaw ang 'konsensya.'
"Amber. Bilang na lang ang mga araw ko. I'm sick and dying, and I want to feel you so close in my heart again before that happens. Patuloy pa rin akong nakaposas sa nakaraan at kahit sa huling hininga ko ay gusto ko sanang bumalik tayo sa dati. Kahit isang araw lang. Kahit isang araw lang gusto kong maranasan na akin ka ulit." Natulala ako habang nakatitig sa asul niyang mga mata.
He is dying?
"Please..." Hindi ako makapagsalita. Sa dami ng taong nagsasaya sa aming paligid ay ang nagmamakaawa niya lang mukha ang nakikita ko.
"Please..." Ulit ni Lance at tumakbo ako.
Sa ngayon ay hindi ko alam ang isasagot kay Lance. Ni hindi ko nga siya magawang tignan gayong nasa kabilang upuan sa kaliwa lang naman siya. Sa sobrang pag-iisip ay nakatulugan ko na lang byahe ngunit naistorbo iyon nang marahas akong nauntog sa katapat na upuan. Umingay ang paligid at kaniya-kaniyang nagsipagtayuan ang aking mga kaklase. Nagtataka naman akong tumayo upang tanungin si Sandy sa harap ngunit kahit ito ay mukhang hindi alam ang nangyari. Tulog rin siguro.
"Everyone! Bumaba muna kayo ng bus. Naflat ang dalawang gulong ng bus natin kaya isang oras pa muna tayo maghihintay para sa bagong gulong." Utos ni ma'am sa amin.
Bumaba na ako ng bus bago kusang napatingin sa langit. Kahit alas kwatro pa lang ng hapon ay madilim na agad. Makulimlim kasi ang langit dahil sa nagbabadyang ulan kaya sana lang ay wag kaming abutan rito sa kalsada. Sa pagkainip naman at pag-iwas kay Lance ay napili kong libutin ang katabing gubat muna. Pumasok ako roon nang hindi man lang nagpapaalam kahit na kanino, isa pa'y sasandali lang naman ako rito para pamatay oras. Sigurado din namang hindi aalis ang bus hangga't kulang kami.
Sa paglilibot ay hindi ko namalayan na ilang oras na akong nandito. Wala na rin akong makita at tanging ilaw mula sa aking cellphone ang gamit ko. Shiz! Baka hinahanap na ako! Minadali ko ang paghahanap palabas ng madilim na gubat at mukhang naging mali ako ng akala. Wala na ang bus. Wala ng tao. Walang kahit anong bakas ng mga kaklase ko dahil ngayon ay nag-iisa lang ako sa gitna ng madilim na kalsadang ito. T-teka... Nasaan sila?! Iniwan ba nila ako?!
Kumabog ang puso ko habang tinatakbo ang kalsada. Kusang kumirot ito habang iniisip na baka hindi sinabi ni Lance na may kulang pa. Bakit nila ako iniwan?! Bakit hindi man lang nila ako hinanap o tinawagan!
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...