chapter 34: INJURED

1.5K 58 1
                                    

CHAPTER 34
INJURED


Beep...

Am I... dead? ...

Beep...

Am I... really... dead? ...

Beep...

Idinilat ko ang aking mga mata kahit na parang may pumipigil sa aking gawin iyon. Gaano man kabigat ang mga talukap nito ay pinilit ko pa ring buksan ang dalawa kong mata. Tumambad naman sa akin ang maliwanag at kulay puting bagay.

Beep...

Patay na ba ako?

Beep...

Unti unting naningkit ang aking mga mata hanggang sa luminaw ang aking paningin.

Beep...

Kisame. Tama! Nakatingin ako sa puting kisame. Pero ano yung nakakairitang tunog na iyon?

Beep...

Iginalaw ko ang aking katawan ngunit naging bigo akong gawin iyon. Every part of my body hurts as well as my right hand. Sinubukan ko namang ulit gumalaw pero mas lalo lamang kumirot ang aking katawan. Nasaan ba ako?

Beep... Beep... Beep...

Kinakabahan akong napatigil sa paggalaw nang maalala ang nangyari sa akin. Si Jackie... Si Xavier... Yung kamay ko... Yung dalawa kong balikat...

Beep... Beep... Beep... Beep...

Bumilis ang nakakairitang tunog at gayon na lamang din ang paghabol ko sa aking hininga. Sobrang bilis rin ng tibok ng aking puso na para bang nagh-hyperventilate ako.

Beep... Beep... Beep... Beep

Umawang ang aking bibig nang tuluyan na akong hindi makahinga. Isang malakas na sigaw ng babae naman ang aking narinig bago may pumasok na matandang nakaputi sa aking kwarto.

"Check her vitals." Matigas nitong sabi sa kasama. Inilawan niya naman ang aking mata gamit ang maliit na flashlight bago iyon patayin ulit.

Beep... Beep... Beep... Beep

Nakita ko namang may itinurok yung doktor sa maliit na tube sa aking tabi at unti unting bumagal ang tibok ng puso ko. Ano bang ginawa nila? Bakit ba siya nandito?

Gusto kong magsalita upang magtanong ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig, kaya hinayaan ko na lang ang tuluyang pagbigat ng aking mga talukap hanggang sa nilamon muli ako ng dilim, ngunit bago iyon ay nahagip pa ng aking paningin ang lalaking pumasok.

"Ito ang huling beses na ililigtas kita, Meiyra."

Shadow...

***

"Wake up, sleepy head. Don't you even have a plan of waking up?"

Nakaramdam ako ng marahang paghaplos sa aking buhok. Paulit ulit iyon na para bang pinapakalma ako. Sa kagustuhang malaman kung sino ang may gawa niyo ay idinilat ko ang aking mga mata. Tumambad naman sa akin ang dalawang pares ng asul na mga mata.

"Am! Oh my gosh, she's awake!" Nakangiti niyang sigaw habang palipat lipat sa akin ang tingin at sa likuran niya.

Nanghihina naman akong napangiti bago sinubukang maupo kahit na medyo masakit pa rin ang aking katawan.

"Kahapon si J—" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang taasan ako ng kilay ni Diana. "What?"

"Yesterday? You've been unconcious for 2 weeks, Amber! Two f*cking weeks!" Sapo niya sa kaniyang noo.

"With both shoulders severely wounded, and right hand gushing with blood. A scar on the cheek and one broken ribcage. What the f*ck are you thinking, Amber?" Lumipad ang tingin ko sa pinanggalingan ng malamig na boses na iyon.

Napailing naman si Diana bago gumilid upang makita ko si Levius na nakaupo sa sofa at nakatutok sa laptop. Seryoso naman siyang nag angat ng ulo at sinalubong aking tingin. Shiz! Kinilabutan ako bigla!

"Why the f*ck are you in that dying state?" Kahit na napaka kalmado ng pananalita ni Levius ay ramdam na ramdam ko ang galit nito.

"Oh, come on, Alfieri? She'd just woke up and you're already scolding her like an over concern father." Irap ni Diana sa kaniyang pinsan.

Nangingiwi ko namang tinignan si Levius na mukhang kahit anong oras ay papatay.

"Leave, Diana." Utos niya at sa pagkakataong iyon ay naisip ko ng may mali.

"Huwag." Mahina kong kontra.

Tumango naman ang aking kaibigan kay Levius na siyang ikinagulat ko. Tahimik siyang lumabas ng kwarto at iniwan ako kasama si serious-freak na siyang magyeyelo sa buong kwarto sa lamig ng boses nito. Umiwas ako ng tingin habang naghahalungkat ng kahit na anong pwedeng sabihin pero blast! Wala akong maisip sa mga oras na ito!



"What happened?" Tanong ni Levius.


"I... need to rest. Medyo masakit pa ang aking katawan." Pag iiwas ko sa topic.

Mahirap na dahil baka malaman niya ang tungkol kay Jackie, kapag nagkataon baka patayin o ipapatay niya si Jackie. Hindi pwede! Dahil ako ang gagawa ng bagay na iyon!

"Are you playing games with me, Anderson?" Napamaang ako ng tutukan niya ako ng baril sa panga

Nanlalaking mata ko namang ibinaling kay Levius ang aking atensyon at gayon na lamang din ang aking panghihina nang makasalubong ang malamig niyang mga titig. Napaka bipolar rin talaga ng isang ito. One moment he is concerned about me then the next thing is that he is back on being the cold hearted person. After all, he is a mafia boss.


"A-alisin mo yang baril."


"Not unless you answer my question." Mariin niyang sabi na umani ng buntong hininga sa akin.

"Xavier was ordered to kill me."

"Who?"

"Assassin siya ng Grainger. They want me dead, ni hindi ko nga alam kung bakit basta alam ko lang ay sinasabi nilang blacklisted ako." Paliwanag ko.

Unti unti namang binaba ni Levius ang baril at nakahinga naman ako ng maluwag. Bumalik naman siya sa pagkakaupo sa sofa bago ibinalik sa laptop ang tingin. Ibinaling ko rin naman ang atensyon ko sa kisame habang iniisip kung ano na ang gagawin ko. Nakaligtas lang naman ako kay Xavier dahil para akong sinapian ng masamang espiritu ng mga oras na iyon... Para bang ikinulong ang lahat ng emosyon ko at nakakawala ang demonyong matagal nang nagtatago... Para bang naging katulad ko si Xavier na malamig at walang buhay ang mga mata.


"I am going to protect you even if it cost my life." Lumipat ang aking tingin sa sofa.

Nakasara na ang laptop ni Levius at ngayo'y nakaupo na lamang siya roon habang nasa akin ang seryosong tingin.

"Hindi mo na kailangan gawin iyon." Ismid ko. "Madadamay ka lang."

"I don't take orders, Amber. If I say I am going to protect you just shut up ang let me do it. Are we clear?"


What's with the bossy attitude? Gusto ko siyang singhalan sa kabaliwan niya ngunit alam kong hindi niya ako papakinggan. Siguro, dapat na pagkatiwalaan ko siya. Isa naman siyang mafia boss at hindi ko pa alam ang totoong kakayahan niya...

Pero, tao pa rin siya. Kapag nadamay si Levius ay baka siya naman ang puntiryahin at ipapatay ng Grainger.

"Are we clear?" Pag uulit niya.

"Yes." Mahina at alanganin ko namang sagot. "Basta... Huwag kang mamatay ah."

Hindi na nagsalita si Levius nang sabihin ko iyon. Tumango lamang siya bago umalis ng aking kwarto nang tumunog ang kaniyang cellphone. Sa paglabas naman niya ay pagpasok ng pamilyar na mga lalaki sa aking kwarto.

"Magandang hapon, Ms Anderson." Bati ni Hulk kasama si Cole, at Grey.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon