CHAPTER 11
ESCAPE PLANPlans. Yun ang kailangan namin ni Jackie para makatakas ako sa aking mga bodyguards, maraming alternative na plano kung sakali mang hindi gumana ang iba. Matapos magusap sa loob ng classroom ay lumabas na kami dala dala ang aming bag, sa tapat naman ng room ay nandoon parin sila Cole na mukhang estatwa at hindi humihinga.
"Bakit kasi antagal mong magising, Am. Ngayon lang tuloy tayo makakakain." malakas na sabi ni Jackie bago kumapit sa aking braso.
Habang naglalakad ay nakasunod pa rin sa amin sila Cole na walang pakielam sa mga tingin na ibinibigay ng ibang estudyante. Para lang kasi silang robot na susunod kung nasaan ako nandun at hahawiin ang kung sino mang mangahas na humarang sa kanilang dadaanan. Para silang pack of wolves at ako ang kanilang reyna na babantayan talaga nila ng bonggang bongga.
Nakarating kami ng maingay na canteen at sa oras na pumasok na rin ang tatlo kong bodyguard ay bigla na lang nanahimik sa apat na sulok ng canteen.
"Jackie, Plan A tayo." buntong hininga ko tumango naman siya habang naghahanap ng mauupuan namin ngunit mukhang wala ng bakante.
"wala ng upuan, Am. Paano tayo kakain?" malungkot ngunit malakas na sabi ng aking kaibigan upang marinig ng tatlong men in black sa likuran namin. Nilingon ko sila.
"uhm, Cole pwedeng pakihanap niyo kami ng upuan? Hihintayin na lang namin kayo ni Jackie dito." puno ng pag asa kong sabi habang nakangiti ng malapad sa kanilang tatlo.
Pumayag ka, please! Pumayag ka... Pumayag ka... Pumay-
"Hindi mo na kailangang maghintay, Ms Anderson." singit ng malaking boses at nagtataka ko namang sinundan ng tingin si Hulk na ngayon ay lumapit sa mesa ng grupo ng mga cheerleaders.
Muli akong nagpakawala ng hininga habang hinihintay kung ano man ang sasabihin niya. At yun ay kung magsasalita siya o basta nalang sila tututukan ng baril.
Malay mo, takutin ni Hulk ng tingin ang mga cheerleaders na iyon.
"Maaari ba kayong umalis diyan upang maupo si Ms Anderson at ang kaniyang kaibigan?" napanganga ako. Literal na napanganga dahil hindi niya sila tinakot.
Di ako makapaniwala nang tumayo nga ang isang cheerleader- ang leader at queen bee ng campus na best of friend ni Hailey, akala ko ay aalis na siya ngunit humalukipkip lang ito at nagpakita ng kamalditahan niya.
"Sorry, big guy. Sa amin ang pwestong ito. Kung gusto mong makaupo yang si Anderson doon siya sa field malawak naman. Tsaka isa pa, di hamak na mas mayaman ang pamilya ko sa kaniya kaya maghunus dili kayo." mataray niyang sabi bago umirap sa direksyon ko. Nakakainsulto! Hindi ba niya alam na ang pamilya ko ang pumapangalawa sa business industry. Anderson's are a well known wealthy and honourable family and she just insulted us like she owned the whole universe!
Lalapit na sana ako upang turuan ng leksyon ang babaitang iyon nang baligtarin ni Hulk ang mesa. Nahulog ang mga pagkain na nakapatong rito kasabay ng malakas na pagkalansing ng mha kutsar at pagkabasag ng mga pinggan. Nagsigawan ang mga cheerleaders at nakita ko ring nagtitili si Hailey habang pinapagpag ang nadumihan niyang pink skirt, kaya imbis na maawa sa kanila ay natuwa ako. Natuwa ako dahil kahit wala akong ginagawa ay nakaganti ako kay Hailey, ang babaeng nang agaw ng first boyfriend ko na siya ring dapat na aking prom date. Karma strikes, loser!
"Umalis na kayo kung gusto niyong may iba pang mangyari bukod dito." matigas na sabi ni Hulk. Napangiti naman ako ng malapad ng dumaan si Hailey sa gilid ko at ang iba pang cheerleaders na hindi na maipinta ang mukha. "at kayo! Bawal tumingin!" sigaw pa niya sa mga usisero't usisera. Now, that was really a great scene.
"may upuan na po kayo." ngiti ni Cole sa amin at tumango naman ako, binalik na rin ni Hulk ang lamesa sa ayos bago tumayo sa likuran ko.
"Plan A, failed." bulong ni Jackie na tumabi na sa akin.
"Plan B tayo, Jackie." bulong ko pabalik bago kumuha ng pera sa aking bag. "Jackie, ikaw na lang bumili ng lunch natin." medyo malakas kong sabi.
"eeeeeh! Lalamya lamya na ako sa gutom! Hindi ko na kayang tumayo!" simangot naman niya. Ibang klase lumelevel up ang acting skill namin dito ah!
"nanghihina na rin ako." nakangiwi kong sabi bago lumingon sa aking likuran. "kayong tatlo, pabili kami ng pagkain. Gutom na gutom na talaga kami." utos ko sa kanila sabay abot ng pera.
"ako na lang ang bibili, dito na kayo." kuha ni Cole nung pera sa akin bago mabilis na umalis. Blast! Kailan ba sila aalis ng magkakasama!
Tumayo ako at naglakad paalis ng table.
"saan ka pupunta?" tanong ni Jackie
"Sa washroom."
"sama ako!"
Dirediretso lang ako ng lakad at alam kong nakasunod pa rin si Hulk at Grey sa amin. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanila lalo na't baka hindi ko na maabutan sa bahay nila si Diana. Gusto kong malaman kung ano ang itinatago at nalalaman niya tungkol sa akin, kaya gagawin ko ang lahat wag lang mapalampas ang chance na ito.
"ay!" bigla kong hinto ng may sumagi sa aking isip. " Naiwan ko yung phone ko sa room!"
"h-huh? Diba na-aw!" diniinan ko ang pagkakaapak sa paa ni Jackie bago siya palihim na pinandilatan ng mata. Mukha namang nakuha niya ang ibig kong sabihin at sunod sunod na tumango.
"ay oo! Diba nagpapatugtog ka pa nga kanina dun!"
"pakuha naman ako ng phone ko sa taas mag cr kasi ako e." ngiti ko sa dalawang bodyguard.
"ako na kukuha, Ms Anderson." tango naman ni Hulk at halos mapatalon ako sa tuwa. Isa na lang talaga at makakatakas na ako! Yey!
"Di mo siya sasamahan?" baling ko naman kay Grey. Umiling naman siya at hindi na nagsalita.
"Tara na, Jackie." hila ko sa kaniya tapos ay pumasok na kami sa loob ng cr. Syempre, naiwan sa labas si Grey dahil bawal ang lalaki dito.
"Jackie... Anong gagawin ko? Paano ako tatakas kung nandiyan si Grey at sigurado ay maya maya lang darating na din si Hulk!" frustrated kong mahinang sabi sa kaniya.
"Batukan mo! Baka sakaling himatayin!" suhestiyon naman niya at laking pagpipigil ang ginawa ko wag lang maiuntog ang ulo niya sa pader.
"wala ka bang matinong suhestiyon?"
"eh kung akyatin mo yang bintana at diyan ka na lang tumakas?" dumako ang tingin ko sa parteng kaniyang itinuro.
May bintana nga ang cr kaso medyo mataas ito kaya mahirap abutin. Wala namang upuan o kahit na anong pwedeng tuntungan kaya nilingon ko na si Jackie.
"Can you give me a lift?" tumango naman siya bago naglakad malapit sa dingding.
Doon ay yumuko si Jackie para matuntungan ang likod nito. Hinubad ko naman ang aking sapatos upang hindi siya madumihan bago maingat na sumampa sa likod niya. Dahan dahan naman akong tumayo habang ginagamit na hawakan ang dingding.
"bilisan mo, Am. Baka iniisip mo na magaan ka lang, naku! Madidislocate na ang spinal cord ko!"
"eto na..." sabi ko nang makahawak na ako sa bintana. "Salamat, Jackie. Babawi ako sayo, promise!" matamis kong ngiti bago tumalon. Oops!
"ouch..." napahawak ako sa aking pwetan matapos lumanding sa mabatong sahig. Di ko naman akalaing di pala pantay pantay ang sahig rito kaya na out of balance ako.
"aray!" daing ko ulit ng may kung anong matigas na bagay ang tumama sa aking ulunan. Tinignan ko naman iyon at bag ko pala.
"iiwanan mo pa ang bag mo!" rinig kong mahinang sigaw ni Jackie sa kabilang side. Nagpasalamat naman ako at mabilis na tinakbo ang daan papunta sa parking ng school.
Buti na lang pala at nandito ang aking ferrari. Mabilis naman akong sumakay roon at pinaharurot ito palabas ng campus. Mabuti na lang pala at malapit lang rin ang bahay ni Diana, pero sana lang ay umabot pa ako.
Diana, sino ka ba talaga?
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...