❇ CHAPTER 4 ❇

614 33 7
                                    

Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. isa akong demon hunter. Alam ko kung sino ang Demon sa hindi, pero papaanong hindi ko nalaman agad na isa syang demon hanggat hindi kami nag-kakaroon ng direct Contact sa balat?

Lumayo ako ng konti sakanya bago napalingon-lingon sa paligid. inilabas ko ang pana ko sabay tutok nuon sakanya.

"Bakit ka nandito? At anong kailangan mo?"-seryosong sabi ko sakanya.

Samantalang sya ay hindi parin makagalaw sa kintatayuan nya.

"Sumagot ka!"-matapang na sigaw ko habang inaasinta ang weak point nya.

Pero bakit ganun? Wala akong Makita?

"Ibaba mo muna yan, maraming estudyante dito, gusto mo ba silang mamatay?"-sabi nya sa akin.

"At bago mo pa man yun magawa ay patay ka."-itinigil ko ang pana ng makita ang kaliwang dibdib nya.

Impossible, bihira lang ang mga demons na may puso sa kaliwang bahagi ng dibdib kagaya ng tao. Isa na duon ang Vampires.

Pero kung titingnan mo sya mukha naman syang harmless. Hindi, possibleng itinatago nya lang iyon.

"ba't ayaw mo ilabas ang tunay mo anyo?"-panghahamon ko sakanya.

Dahil narin sa, na-cu-curios ako kung bakit hindi ko naramdaman ang demonic aura nya.

"I can't"-simpleng sagot nya bago nag-u-umpisang maglakad palapit sa akin. Habang ako ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit-di kaya ito na ang charm nya?

Hindi pwede! Hindi ko din maigalaw ang kamya ko para bitawan ang palaso. Inilapit nya ang mukha sa mukha ko at yumuko para magkatapat ang mga mata naming dalawa. Tinanggal nya sa kamay ko ang pana at inihagis sa gilid.

"Ano? Bat hindi ka na makagalaw? Nawala naba ang tapang mo?"-pang uuyam nya sa akin.

"patayin mo na ako hangga't kaya mo, dahil sa oras na makagalw ako dito-sisiguraduhin kong papatayin kita."-me

"Na sa tinign ko ay hindi mo na magagawa."-sabi nya habang nakabalandra ang ngisi sa kanyang mukha. Ugh!! Nakakinis yung mukha nya!

"at bakit naman?"-me

"Dahil yun dito sa gagawin ko ngayon na hindi mo na makakalimutan kahit nakailan man."

Akala ko ay papatayin nya na ako pero-

Naramdaman ko ang malambot nyang labi sa akin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Ilang sandal pa ay kinagat nya ang labi ko at naramdaman ko ang pagsipsip nya sa dugo ko. Lumiwanag ang buong paligid at lumitaw ang isang bilog sa kintatayuan naming at nag-umpisa itong umakyat papatas sa amin.

Nalaglag ang bag at quiver ko at nakagalaw na ako ng maayos, humawak sya sa magkabilang pisnge ko at nilaliman pa ang halik. Habang ako ay parang hindi parin nagegets ng utak ko kung anong nanyayari.

Napatingin lang ako sa mga mata nyang nakapikit habang hinahalikan ako.

Teka!!-

Hinahalikan nya ako?!! The heck! Nanlaki lalo ang mata ko at pilit na inilalayo ang mukha nya dahil patuloy parin ang pag-sipsip nya sa dugo ko.

Pero hindi ko sya natinag. Dinilat nya lang ang mga mata nya at duon ko lang napansin ang pagku-kulay pula nito na sya ring kaakit-akit.

At dahil na rin duon, napatigil ako sa pagpupumiglas. Hanggang sa sya na rin ang kumuwala at inilayo ang mukha sa akin.

Napa-upo ako sa lupa pero nakatingin parin sa kanya.

"mula ngayon akin ka na"-yan ang mga salitang gumimbalsa aking pagkatao.

Paano nangyari ng ganun kadali ang lahat?

Una sa lahat-nakuha nya ang unang halik ko. Syempre babae parin ako at may pagpapahalaga din naman ako duon.

Pangalawa-bakit imbes nag alit ang maramdaman ko ay pawing natutuwa pa ako. Which is definitely wrong. Bawal akong magmahal ng isang Demon, gayong isa akong Demon hunter.

Pangatlo-ano ang ibig nyang sabihin sa "mula ngayon akin ka na"?

At panghuli-sino ba talaga si Vince Blake Millerton?

...

Hindi na ako naka-attend ng klase dahil sa pangyayari. Instead, dumiretso nalang ako sa Archery room at duon ko ibi-nuhos ang lahat ng frustrations ko.

At lalo pa akong nainis dahil sa hindi ako maka-bull's eye.

Sa huli ay initigil ko lang ang ginagawa ko at umupo sa tabi ng Target board. Pinagmasdan ko ang mga tira ko na bumabaon hanggang likod ng board. At naalala ko bigla ang Dean.

Hindi kaya isa din syang Demon?

Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko at isa-isa kinuha ang mga arrows sa target board. Tapos ay mabilis na pumunta sa detention room.

At duon naabutan ko syang umiinom ng kape habang nakatingin sa lbintana. Naagaw ko kaagad ang kanyang pansin at binate ako.

"oh! Nandyan ka nap ala! Tapos naba ang tour?"- nakangiti nyang tanong sa akin.

Hindi ko sya sinagot bagkus ay tinanong ko sya ng..

"isa ka din bang demon?"- walang pakundangang tanong ko sa kanya.

Sa una ay nagulat sya pero nangiti rin.

"hindi."-simpleng sagot nya pero sapat na para guluhin muli ang isip ko.

"anong ibig mong sabihin? Demon si Vince Millerton, paanong nangyaring hindi ka rin, kung ikaw ang tita nya at pamangkin mo sya?"- sunod-sunod na sabi ko.

"hay... matalino ka nga. Pero-hindi talga. Isa akong oracle at inako ko lang ang Millerton nay un. Ngayon.. sapat naba ang sinabi ko?"-sabi nya sa akin.

Lumabas na ako ng Detention room. Kung ganon, isa syang oracle. Hay......

Pero--- bakit hinyaan nyang makapasok dito si Millerton?

Babalik pa sana ako pero nakita kong pumasok ang principal sa detention room.

Hay...

Bahala na.

"mula ngayon akin ka na."- aiiisshhh!!

----

Sino yung mga kinilig??

Vote. Comment. Share. Be a fan!!

The Return Of The HeirWhere stories live. Discover now