❇ CHAPTER 3 ❇

737 29 0
                                    


*Sage POV...

Mabuti nalang at matapos ko ang sketch ko kanina ng malaking araw. At ngayon naman, nag-hahanda na ako para pumasok ng school.

Pero Hindi ko PA rin makalimutan yung nangyari sa kwintas ko kahapon. Bakit kaya yun nangyari?

Hindi kaya... May charm ng talaga tong kwintas? Pero kung titingnan mo parang ordinary lang naman sya. Actually bigay lang saakin to ng Lola ko.

Aiisshh!!

Ewan.

Kinuha ko muna yung Quiver ko at pana kasi mag-pa-praktis uli ako ng archery, bago Lumabas na ako ng bahay at nadatnan si Mama na nagwawalis ng bahay. Isa din syang demon hunter Pero retired nga lang.

Lumapit ako s kanya at nag-mano bago nag beso.

"Alis na ako ma."-sabi ko sabay turo papuntang school.

" Sigeh anak ingat ka ha?"-sabi ya sabay ngiti, Pero saa likod ng ngiting yun parang may kahalong takot syang nararamdaman.

Ano ba yan. Kung ano ano na naman ang naiisip ko. Sana lang ay Hindi yun totoo.

....

Pag-dating ko ng school ay sa detention room muna ako pumunta. Para ibigay ang sketch ko ng halos buong school. Sa tagal ko ng nag-aaral dyan ay kaya ko ng mag-lakad ng nakapikit.

Kaya solo ko bawat detalye ng school.

Wag lang talagang umangal yung matandang Dean na yun..

Pumasok na ko ng hindi kumakatok. Nadatnan ko ang Dean na may kausap na estudyanteng lalaki.

Yung likod nya-- parang katulad nung lalaki kahapon?? No. Impossible.

May tattoo sa braso yung lalaki kahapon. Iniling ko ang ulo ko at pumasok ng walang pag-aalin langan.

Napalingon bigla yung lalaki ng makarinig ng yapak ko. At ganun nalang ang panlalaki ng mga mata nya ng Makita nya ako.

Oh! Sya yung lalaki sa labas ng archery room.

"Yan na man pala, sya nalang kaya? Ay wait lang. Kausapin ko muna sya ha pamangkin?."

"Millerton old Hag."- pa-cool na sabi nya bago tumingin sa kin.

"so, Mr. MIllerton, please wait outside this room."

Pabebe na sabi ng Dean. Hindi man lang pinansin nung lalaking yun at dire-diretsong lumabas ng Detention room. Pero. SHEt. Pamangkin sya ng Dean? Anyways.. ano naman sa akin? Sino ba naman ako?

Inilabas ko naman yung Sketch ko at inihagis sa may Lamesa.

"Yan na. Hanggang Dyan lang ang kaya ko dahil may trabaho pa po ako after School Hours."- sabi ko.

"huh?-- HIndi pwede yun.--- i mean. ok, Basta samahan Mo yung si Mister Millerton at i- tour mo sa labas. at ako na ang mag-babayad ng mga nasira mo."- sabi nya sa kin.

Sure naman napaka dali naman ng gusto nya. yun lang namn pala eh.

"Pero, BE carful, may tinatago yan si Vince. O sya. Lumabas ka na."-MAkahulugang sabi nya sa kin.

Pshhh. as if nasindak ako?

lumabas na ako at iniwan ang Sketch duon sa Desk nya.


Hinanap ng paningin ko Ang pamangkin ' kuno' ng dean. At pag labas na paglabas ko ng Detention room ay nakita ko agad ang Pamangkin nun.

Nakasandal sa pader habang yung dalawang kamay nya ay nasa bulsa ng pants nya habang nakapikit. Sus pa-cool na naman.

"Hoy lalaki."-tawag pansin ko sa kanya pero Hindi nya idinilat ang mga mata nya.

Sinipa ko ang tuhod nya pero hindi naman malakas at sa wakas ay nagising din sya.

"tara i-to-tour na kita."- sabi ko sa kanya sabay talikod pero hindi man lang sya gumalaw sa kinatatayuan nya.

Kaya naman ay kinaladkad ko sya gamit yung kwelyo nya.

"he-Hey! Bitawan mo ko!"-sabi nya pero iniiwasan nya ang paghawak sa akin. Ano ba naman toh? Wala naman akong Virus or what-soever. Ang arte nya.

"Bibitawan lang kita kung susunod ka sa akin."-sabi at tinigil ang pag-lalakad. Sabay lingon sa kanya.

"Ano pang tinutunga-tunganga mo? Tara na!"sabi ko sabay lakad.

Ilang Segundo lang ay naramdaman ko ng nakasunod sya sa akin. Huminto ako sa harap ng field at hinarap sya.

"dito yung field, Dito nag-pa-practice yung base ball at yung soccer. Ahh! Pati rin pala yung football, minsan dito nagaganap ang ilang events. Dito din ci-ne-celebrate ang ilang booths kapag Foundation day, which is nagaganap tuwing Last week Of October. Then sa kaliwa nito-"- natigil ang pagsasalita ko ng hilahin nya ang manggas ng Vest ko at hilahin patabi sa kanya at sa Isang iglap lang ay nasa dibdib na nya ako.

Tinulak ko namn sya palayo sa akin.

Hindi parin nagbabago yung Expression nya. Wala paring pake. Napatingin naman ako sa kanang kamay nya at nakita ko ang isang bola ng Baseball duon.

May konting dugo pa ang dumadaloy duon. Sinubukan kong hawakan ang kamay nya pero inilayo nya yun sa akin.

Inihagis nya pabalik yung bola sa pitcher at napaatras pa ito ng sinalo ang bola.

"ahh! Tangina naman Bro! galit ka agad! Wag kasi kayong gumala-gala ng girlfriend mo ng gantong oras!!-sigaw nya dahil medyo malayo kami sa kanya.

Inirapan ko lang yung lalaki kahit na alam kong hindi nya makikita yun.

Tutulungan ko sanang tumayo Yung Pamangkin ng Dean pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay nakatayo na sya at tumalikod sa akin.

"tara na, ano pang tinutunga-tunganga mo?"-sabi nya sa akin habang nagsisimula ng maglakad palayo.

Teka linya ko yun ah!

...

Natapos na ng tour ko sa kanya at halos lunch break na dahil sa laki narin ng school. At ngayon nga ay nasa harap kami ng garden kung saan huli kong ipinakita sa kanya.

Then Bigla kong naalala.

"Nga pala, Ako si Zyra Sage Alfuente ikaw?"

Nagtagal ng ilang saglit bago sya magsalita.

"Vince Blake Millerton."-sabi nya at tumayo mula sa bench na kinauupuan nya kanina.

Akmang aalis na sya pero Hinawakan ko ang kamay nya dahil kabastusan yun-

Pero nanlaki ang mata ko at dahan-dahan kong nabitawan ang kamay nya. Mukhang yun din ang kanya dahil dahan-dahan nya akong hinarap.

Umangat ang tingin ko sa kanya at sinabi ang mga katagang hindi ko inaasahan mula sa kanya.

"hi-hindi k-ka tao."



----

Ohayo Readers! Sorry for the late update, and thank you for still supporting this story. Natagalan lang talaga dahil depressed ako ngayon at nalilito sa feelings k okay crush... hohohoho. Hanggang crush lang muna ako.

Sorry for disturbing your reading!!!

Anyways..

Vote. Comment. Share. Be a fan!!

The Return Of The HeirWhere stories live. Discover now