❇ CHAPTER 1 ❇

1K 35 2
                                    


Kakaalis lang nung lalaking mukhang Ewan. Pssh.. Bumalik nalang ako sa loob ng training room at inisa-isa tanggalin ang mga palaso sa may board.

Time na rin pala. Pinapraktis ko kasi ang long range shooting. Tas mabilis lang. Ewan ko type na type ko ang archery. Tsaka siguro para masanay na ako.

Inilagay ko na yung arrow sa bag ko at lumabas na ng room. Mabilis lang din akong naka-rating ng room tapos, habang nasa kalagitnaan na kami ng discussion ni sir abulgar, may pumasok na taga SSG.

"Ms. Alfuente, detention."-sir

Aba! Wala akong ginagawa detention? Adik ba sila? Wala Naman din akong magagawa diba?

Niligpit ko na ang mga gamit ko tas sumama sa babaeng iyon .

Maganda naman si girl kaso mukhang banal masyado. Kulang nalang banggitin lahat ng litanya sa Bible. Susme. Bakit ko nasabi??

" nag pray ka ba bago ka lumabas ng room nyo?"

"Alam mo ba bawat hakbang ko kausap ko si God na wag akong matapilok."

"Nagpapasalamat ako sa kanya kasi Hindi ka masamang tao."

"Pinagdarasal ko din yung teacher mo, na sana wag sya masyadong strick sa inyo."

At marami pa syang sinabi.

Nakatingin lang ako ng diretso at iniiwasan ang pag-sasalita. Mamaya mamura ko PA ito ng wala sa oras tas kung ano na naman sabihin.

"Ayan na nandito na tayo sa detention. Alam mo ba na nag-pasalamat--- ayy!!!"

Sinaraduhan ko na sya ng pinto ng detention at napabuntong hininga nalang ng wala sa oras.

"Bakit mo naman yun ginawa, o sya wag mo na palang sagutin, kaya lang naman kita pinatawag dito kasi mag-i-istart na ang welcome party sa mga bagong transfer at s mga freshmen ng school."

Lumapit ako at hinila ang upuan para makaharap ko sya. Sya nga pala ang Dean ng school. Si maam Sheats.

Oo shit.
Ay Mali sheats pala.

"So.. Ang gusto ko lang naman iparating ay--"

Ano ba yan. Puputulin pa tas sasabihin din naman mamaya.

"Ay, ikaw ang mag decor ng school."-at bakit ko naman iyon gagawin, busy akong tao, kailangan ko pang magtrabaho para mamaya.

Atsaka ano ba namang atraso ko sa school? Wala naman diba?

" Hindi ko gagawin."-sabi ko tas hinablot ko na ang bag ko at akmang lalabas na ng room ng mag-salita ulit si maam.

"Kung ganon bayaran mo lahat ng sinira mo na board sa archery room."-sabi nya.

Dahan-dahan akong nag-lakad pabalik ng upuan ko kanina. Tapos ay kinuha ang listahan na nasa kamay nya.

Hindi na ako nagulat ng Makita kung gaano kalaki yung price non.

" kasama na dyan ang natamaan mong vase at window panes. Pagisipan mong mabuti Ms. Alfuente."-sabi nya at sya pa ang naunang lumabas sa akin.

10, 980.47 pesos.

Kaya ko namang bayaran yun kaso kailangan ko na ding nag-bayad ng tuition ko ngayong week.

Hindi kakasya ang upon ko nung isang buwan. Hay...

Dalidali akong lumabas ng room at hinabol si maam Sheats.

"Maam, sketch lang ang gagawin ko."

Hindi ko na inantay ang sasabihin nya at lumabas na ako ng tuluyan ng building na yon.

Bumalik ako ng Classroom ko at wala ng teacher duon sa harap peropuro problems naman ang nakasulat. Umupo ako sa upuan ko at inilabas ang math notebook ko at nagsimula na ulit mag sulat.

Kainis.

Bakit sobrang laki ng babayaran ko?

Oo inaamin ko, sobrang sira na nga yung mga board na may foam na ginagamit ko tuwing archery dahil tagos hanggang likod ang Bala-- I mean yung  arrow.

Pero bakit ang laki?

Hinipan ko pataas yung bangs ko na harang sa mukha.

Hindi ko na rin maintindihan yung math problems na nandoon kasi nahihirapan talaga ako kapag occupied masyado ang brain ko sa mga gantong Bagay na kagaya ng mga babayarin.

Iniisip ko din yung bahay. Tag-ulan na kasi ulit tas may butas yung bubong namin. Balak ko sanang palagyan ng ceiling.

Inuntog untog ko sa harap na arm chair yung noo ko.

"Ano ba yan, Zy, nababaliw ka na naman... Apir nalang muna dyan."-sabay lahad ng kamay ni Clive sa harap ko.

Yan. Tawa ako ng tawa dyan kay Clive kasi ang hilig nya masyado sa apir parang bata. Ginagaya ko nga yan minsan Pero may style yung akin.

Inapir ko nalang yung kamay ko sa kanya.

" Clive stressed ako."-sabi ko sa kanya Pero inilahad nya lang yung kamay nya paitaas--apir na naman?

Hinampas ko ng malakas yung kamay nya tas naghihihiyaw sya sa sakit.

*bzztt**bzztt*

Kinuha ko ang cellphone ko saa may bulsa tas napangiti ng Makita ang nakalagay sa screen ng phone ko..

'Help, 163 batongbuhay pinagbago St. , bacoor city.'

Mukhang may solusyon na ang problema ko ahh.


----

Vote. Comment. Share. Be a fan.

*idol talaga ang wattpad, thank u nadin kasi nakalimutan ko yung problema ko kahit saglit lang dahil sayo mwah* natalo ako sa poster making Pero sulit na din kasi top 4.  Kainis lang kasi nanlulumo akokung bakit yung mga Hindi tapos ang pinili nila samantalang last year yung mga tapos lang ang kasali sa elimination..

Hays. Anyways.sorry, nag-lalabas lang ako ng sama ng loob.

The Return Of The HeirWhere stories live. Discover now