❇ CHAPTER 32 ❇

486 27 27
                                    


Happy Valentine's everyone!! Pinush ko po talaga ang ud kaya sana may mag basa naman po nito! Yun lang pooo!! Lovelots!

Happy reading!!

~iyahpot

Buti nalang at hindi na nagtanong pa tong Millerton na toh, kasi feeling ko naubusan na ako ng mga salita na ibabato sa kanya. Sumunod nya lang kung ano yung sinabi ko at maka-baba kami agad agad ng mataas na puno.

Pero the hell!

Muntik na akong matalisod dahil sa ugat ng puno, ang nakakainis pa-- or Hindi ko alam kung anong naramdaman ko, kasi bigla nalang bumilis yung-, never mind, inalalayan ako ni Millerton , ulit.

Nilapitan agad kami ni Grey, Isa pa uling Hindi ko alam kung good news or bad news.

"Oh ano ng Plano? Ilan ba lahat?"-tanong nya ng makalapit sa akin. Napangisi ako dahil nahanap ko ang blind spot ng kalaban.

"Lima lahat."-kagaya ng reaksyon ko kanina, Hindi rin sila makapaniwala. Kung alam lang nila.

" The fuck?! Bakit Di mo agad sinabi? Saang Banda? Bilis ituro mo na dahil maraming makakasagap sa kapangyarihan nito mayamaya lang--"

*sshhrrieeekkkk*

Napalingon kaming lahat sa bandang kaliwa kung saan isang tunog ang kumawala. Shet. Ano toh? Ba't nandito sila? Dagdag problema na naman ba?

"Ayan na nga ba ang sinasabi ni Grey."-sabi nung Charles na  ka grupo ni Grey. Kasalanan ko ba? Hindi ko naman alam na may ganito pala eh, akala ko kami lang ang hahanap duon.

"Makinig kayong lahat."-sabi ko sa kanila na agad namang nakaagaw sa kanilang atensyon.

" nahanap ko na ang blinds pot nyan,"-huminto ako at nakita ko ang pagkunot ng noo nila. Mga atat. " di sya nakakakita, nakakaaninag lang. Pwede kayong kumilos ng tahimik."-suhestyon ko at dahan dahan naman silang tumango tango.

"Ang galing!!!!"-sinamaan namin ng tingin si Rave na nagpapapalakpak sa tuwa. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang kakaibang presensya sa likod ko. Mabilis akong umatras at hinarap itoh.

Isang werewolf. Sila yung dumating kanina na may dala pang sarili nyang gang atah.

" Tsk, ano naman ang ginagawa ng isang binibini sa isang delikadong lugar?"-sabi nito habang nakatingin sa akin, bahagya pa nga akong pinamulahan sa sinabi nito. Jusko, anong nangyayari sa akin?

"Don't you dare Simpson,"-pagbabanta ni Grey, mag kakilala sila?

Bumalik ang tingin ko sa lalaki na Simpson daw ang pangalan. Dumadami na ang lalaki dito. Shoot! Yung uod na halimaw!

" mamaya na kayong mag away! May kalaban tayo!"-sabi ko, dumapo ang tingin ko sa lalaking kasama sa gang atah nung Simpson.

Sinamaan ko itoh ng tingin at hindi ko alam kung bakit Pero mabilis syang napatingin sa mata ko at napaatras. I can feel it.

The demon inside me has awaken.

"Arrow."-isang malamig na boses ang kumawala sa bibig ko. Hindi....

Nag-uumpisa na, nagiging kaisa na nila ako. Hindi ko alam kung paano Pero napunta nalang ako sa harap bigla nung lalaking yun at mabilis naman niton inilapag ang bow at arrow nya bago tumakbo ng mabilis paalis.

Tiningnan ko Isa Isa yung kasama nung lalaki, napaatras naman ito sa di malamang dahilan bago umatras na ng tuluyan. Anong meron sa akin?

Nabalik ako sa huwisyo nung bigla nalang akong tamaan ng isang mainit na likido, ramdam ko din ang pag sunog nito sa aking balat, Pero parang wala lang sa akin ang sakit.

The Return Of The HeirWhere stories live. Discover now