❇ CHAPTER 20 ❇

473 27 29
                                    


Walang dedication.. Di ko alam kung para kaninoooooo... Wala masyado nag-cocoment.. !(π∆π)!

Ang awkward. Supper awkward. Bakit nga ba ako nandito kasama ng dalawang toh? Kung nasaan ako ngayon? Well, I'm with this two fucking idiots beside me.

Naka-upo kami sa upuan ng cafeteria. 4 seater actually at nasa harap ko yung dalawa. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun or baka talaga lang na-- ang itim ng araw nilang dalawa. Siguro kung silang dalawa nga lang ang nandito ay kanina pa sila nag-away.

"Ano ba? Hindi ba kayo kakain? Sayang ang pag-kain oh."-sabi ko sabay nguso sa Plato nila na kanina pa nila tinitingnan.

Ng matapos ako kumain ay tumayo na ako at kinuha ang pinag-kainan ko. Pero--

" Sandali"/"Sandali", sabay nilang pag-pigil sa akin mula sa pag-alis.

Dahan-dahan akong humarap sa kanila at tiningnan sila ng matalim.

"What the hell?"-Bulong na tanong ko ng maka-harap ako sa kanila. Well, nakatingin lang naman po sa amin yung halos lahat ng tao sa loob ng cafeteria. At ang awkward ulet.

" Antayin mo ko."/"Wait for me.", sabay ulit nilang sinabi sa akin kaya lalo akong napa-irap. Nakakahiya na kaya. Tinalikuran ko na lang sila at dumiretso saa counter para ibalik yung plate ko pero naramdaman ko na sumusunod sila sa akin kaya naman nilingon ko ulit sila.

"Bumalik kayo duon tas ubusin nyo yan bago kayo sumunod sa akin."-prenteng sabi ko sabay irap ulit para ramdam talaga nila na galit ako.

Iniwan ko na talaga sila duon at dumiretso sa waiting shed ng school. Paano nga ba ako napunta sa ganong situation?

Kanina habang nag-uusap kami ni Millerton ay bigla nalang dumating si Gabriel at sinabing isasama nya daw ako sa office ng President. May lead na daw 'agad' kung nasaan si Cyril.

Tapos ayun sabi nya lunch muna kami then it all started. Bahala sya, mauuna na ako sa kanya.

May humintong Jeep sa harap ko kaya naman ay tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Pero bago pa man ako makasakay ay bigla na namang dumating yung dalawa.

Tiningnan ko sila ng masama atsaka inirapan.

" Ano na naman ba? Hindi ba talaga kayo titigil--"

*bbrrruuuummmmmmmmm!!!*

Ay bastos! Bigla ba naman daw paandarin yung Jeep at bugahan kami ng usok? The heck.

Bakit ba ganyan sila? Hindi ko naman kasalanan na Hindi ako nakasakay diba?

"Ok ka lang?"/"Ayos ka lang?", again, sabay ulit silang dalawa.

" Hindi ba kayo titigil?!!"-Seriously? I'm effin pissed!

Tiningnan ko sila isa-isa tapos ay inirapan 'ulit'. God, feeling ko matatanggal na ang mga mata ko kaka-irap.

"Aalis na ako kung wala na kayong sasabihin na maayos."-tas tumalikod na ako at nag-lakad pabalik ng shed Pero Nag-salita na naman sila.. Grrrr.

" Wait!"/"Wait!"

Napa-facepalm nalang ako sa ginagawa nila. Nilingon ko sila using my  bored look.

"Sumabay ka na sa akin."-yaya ni Millerton pero bigla nalang nag-salita si Bariel kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

" No, you're going with me."-matigas na sabi ni Gabriel at kukuhanin na saan ang kamay ko pero bigla nalang akong hinila ni Millerton papaalis ng waiting shed at dinala sa parking lot.

Ilang Segundo din siguro nya akong hinila ng makabalik lahat ng senses ko sa ayos. Kinakaladkad ako ngayon ni Millerton.

Iwinaksi ko ang kamay ko at naka-wala ako mula sa pag-kakahawak nya, masakit din kasi at mahigpit ang pag-kakahawak nya. Napalingon sya sa akin habang naka-kunot ang noo at binigyan ko naman sya ng masamang tingin.

"Ano ba Millerton?!"-inis na sabi ko sa kanya. Ang bilis nya kasing mag-mood swing. Kanina lang ang playful ng aura nya tapos nung kumakain kami biglang naging seryoso tapos ngayon naman galit na sya. Yung totoo? Sira ba ang ulo nya?

" Anong ano ba?!"-Sigaw nya pabalik sa akin na ikinagulat ko.

"Bakit ka ba galit ha?!"-Balik kong tanong sa kanya, tas biglang lumambot ang mga mata nya-- Pero mabilis ding bumalik sa dati.

" Hindi mo ba alam na masakit yung pag-kakahawak mo ha?!"-really, it does hurt a lot. Sa kanang kamay pa naman yun. At parang naipit ng gulong ng ten wheeler truck ang kamay ko.

Pagtingin ko duon ay halos mag-kapasa na iyon saa violet at Pula. Sinubukan nyang hawakan yung kamay ko pero iniwas ko nalang iyon sa kanya. At dahil duon ay napatawa sya ng mapakla.

"Hindi mo din ba alam na masakit na? Ang sakit na rin dito oh--", tinuro nya yung sa bandang dibdib nya."Hindi mo lang alam na sa tuwing iba yung kasama mo, nasasaktan ako."-sabi nya habang naka-tingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin pero kahit anong gawin ko ramdam ko parin ang pagtitig nya kaya naman ay pinilit kong tiningnan din sya sa mata.

" At bakit naman ha? Sino ka ba sa buhay ko? Sino ka ba para lagi nalang-- lagi nalang na sumulpot kung nasaan ako--- sino ka ba para sabihin sa akin yan? At ano ba kita ha?"-inis na sabi ko habang dinu-duro ko sya.

Napatawa sya sa ginawa ko at sinabi ko bago umatras palayo ng isang beses.

"Kahit naman sabihin ko sayo parang hindi ka maniniwala--"

"Sabihin mo na!!--"

"Eh kasi gusto kita!! Eh kasi sayo ko lang naramdaman yun! At wala ka namang pake diba?"-natigilan ako sa sinabi nya. Hindi naman yun totoo diba?

" Nagkakamali ka lang, sa tingin mo lang gusto mo ako kasi iniisip mo na gusto mo ako, kailan lang ba tayo nag-ka-kilala?"-tanong ko habang nnakatingin sa kanya.

" Pero hindi mo na kailanman mababago na Our souls are now bonded because of my mistake."-wala ng nag-salita pa matapos nyang sabihin iyon.

Ilang beses ko ding sinubukang buksan yung bibig ko Pero wala. Wala ng mabuo na sentence ang utak ko. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nya. Anong ibig sabihin nun?--

"Alfuente, tara na."-tawag sa akin ni Gabriel habang naka-sakay na sa motor nya.

Then just like that, may nabuo na ako.. Dalawang syllables lang  sya kaya parang Hindi yun counted as sentence.

" Sorry... "

At sumakay na ako sa motor ni Gabriel. Nakatingin lang ako sa may side mirror ng motor kung saan ko nakikita ang paliit ng paliit na si Millerton at bago kami lumiko sa gate ay nakita ko PA ang pag-laho nya ng biglaan.

And that reminds me something..

'Demon nga pala sya.'

----

Vote. Comment. Share. Be a fan!!

The Return Of The HeirWhere stories live. Discover now