Umpisa na ng laban, actually for fun lang dapat ito.. pero bakit dinidib-dib nilang dalawa??
Nag-toss coin na sila at....
Ngumisi si Millerton dahil unang titira si Gabriel. Anong connect??
Pshh. Payabangan na naman. Boys will be boys.
Perooo....
Ano ba talaga ang ibig sabihin nung sinabi nya nung last chapter??
Hay nako! Ano naming pake ko dun! Tinampal ko ng mahina ang pisnge ko dahil sa mga pinag-ii-isip ko.
Ibinalik ko nalang ang atensyon sa field. Bulls eye agad kay Gabriel. Pumurmo naman si millerton at tinantsa ang target, bulls eye din, sabagay, malapit lang naman iyon.
"bulls eye!!, next is 50 meters, let's see who will win this round."
Umuna naman ngayon si Millerton at swabeng tinira ang target board ng hindi man lang tinatantsa kung tatama bas a gitna o hindi, still, bulls eye again.
"whoa!! Incredible shot!"
Sumunod naman si Gabriel at tinantsa muna ang target bago itinutok paitaas ang bow and arrow. Matapos irelease ang arrow ay palobo itong tumama sa bull's eye.
Nai-iling-iling nalang ako dahil nag-papasikat sila masyado.
"Another amazing round we just had!! Now let's proceed 2nd to the last round."
50 meters.
Madali pa yan para sa akin. Pssh.
Una si Gabriel at umupo muna si Millerton. Ilang Segundo lang ang itinagal bago ire-lease ni Gabriel ang arrow.
"Perfect shot!!"
Pinag-pag ni Millerton ang suotnyang damit bago muling pumorma at nag-release ng arrow.
"OH no!! what now?! I guess will be having a one final round or we'll be having a tie!"
100 meters.
This time sabay na tumira yung dalawa at sabay din itong tumirik sa bull's eye. Naging wild ang audience nag-umpisa ng mahati ang crowd. KAhit na hindi sa school namin nag-aaral si Gabriel ay marami din ang napunta sa side nyah.
Di naman kasi masyadong expose sa buong shool ang identity ni Millerton.
"This is an intense game, how long will they keep on doing this?"
125 meters.
Napalingon ako nung maramdaman ko ang tingin ng karamihan sa akin. It give me chills. At duon ko lang napansin na ako nalang pala ang nasa gitna. Sa kaliwa Ang mga taga-supporta ni Millerton at kanan naman ang kina Gabriel.
"I'm sorry Ms. but, Who in this two boys will you choose?"- sabi nung emcee.
The heck.
Ano ba naman tong tanong nya? Kailangan pa ba ng kakampihan ko? Bumaba ang tingin ko sa dalawang lalaki at sabay naman silang napalingon sa akin. Napaikot ang tingin ko sa buong field.
"Shet nakakahiya"-bulong ko sa sarili.
At dahil sa kahihiyan ay hindi ko na napansin ang pag-lapit sa akin nung Emcee. Itinapat nya sa akin yung microphone na hawak nya.
Pero bago pa ako makapag-salita ay inis-scan ko muna ang pagmu-mukha nung emcee.
Like Seriously?~
Sinong matinong tao ang mag-su-suot ng polka dots na red at summer shorts at naka sunglasses pa na itim?
Napangiwi ako matapos kong pasadahan ng tingin ang itsura nya.
"So, sino ang pipiliin mo?"- ulit nyang tanong, pero this time in filipino na.
"Neutral, pantay whatever, hindi sila mahalaga sa akin. Hindi ko sila kilala."-yun ang sinabi ko at nanatiling nakaupo duon sa pwesto ko.
Nag-umpisa narin ang bulungan sa paligid ko.
"ooookayyy.....", tumingin muna sa akin yung Emcee, siguro sinisigurado kung babawiin o ba yung sinabi ko or what.
"So let the game Continue! For now with the range of 125 meters.!"
Hindi naman lumayo sa akin yung lalaki na Emcee, yung totoo lang nadi-disturb ako sa presence nya. Umupo din kasi sya sa tabi ko for-- I dont know what is his reason.
Nag-titigan muna yung dalawa at na-aninag ko ang pagbukas ng mga bibig nila, sign na nag-uusap silang dalawa. Tas unang tumira si Millerton. Pero nung ire-release nya na yung arrow ay bigla nalang lumihis yung tira nya. At agad namang ni-release ni Gabriel ang arrow nya at sya namang tumama sa bull's eye.
And that shot make him as a winner.
----
Nasa may locker room kaming mga Archers, tapos na lahat ng schedule ko ngayon at time na para umuwi.
Nag-abang ako ng jeep sa may sakayan pero ang tagal dumating kaya napa-upo nalang muna ako sa may waiting shed.
Kaso hindi ko inaasahan nananduon din pala si -- MIllerton. Prenteng nakaupo habang diretso ang tingin sa kawalan.
Hindi ko na sya pinansin dahil-- this is how things are put in place.
"About what you've said earlier.. is it true?"-tanong nya na ikinagulat ko. Akala ko kasi forever na syang titingin duon.
Pero, ano ba yung tinutukoy nya? sa totoo lang ang dami ko kasing sinabi nung nasa may locker room kami, about stategies blahblah blah.
"sa game ko, Yung sagot mo sa Emcee."-Tanong nya kaya napatingin naman ako sa kanya.
Nakatingin din pala sya sa akin.
"Oo bakit? kailangan ko abng mag-sinungaling?"-simpleng sagot ko sa kanya.
"ahh.. ganun ba? alam mo kasi nung nasa garden tayo? yung Sacred circle na lumitaw sa atin ay--"
*brooooooom*
Napahinto sya sa pagsasalita ng bigla nalang may humintong motor sa harap namin. Di lang sya ordinaryong motor sa mga highway, Cause this one is use for Racing-- I guess.
But, I know some where nakita ko na ito...
Tinanggal nung driver yung helmet nya at tumambad sa amin ang mukha ni Gabriel. Sabi nanga ba.
"Alfuente, hinahanap ka sa Black Den.", pinutol nya ang sasabihin nya bago tiningnan kung sino ang katabi ko.
psshh.
Ano ba naman yan, hanggang dito ba naman? nawala ako sa focus nung sinabi nya na ang kadugtong ng pangungusap na yun.
"May first mission ka na."
----
HAystttttttt.. sa wakas! after the long weyttttt!! nagbabalik ang Baliw na nag-ta-tayp ng story na toXD.
At sa wakas na tapos namin yung Speech Choir with the grade of 97% sa unity kami nagkulang at movements. XDD pero oks lang..
Sorry for the long wait!!
Vote. Comment. Share. Be a fan!!
YOU ARE READING
The Return Of The Heir
FantasiaNew Book Has been written, The Prophesy has spoken. New journey to follow, Through the deaths of hallows. The Choosen's heir Has the chance, To took a simple glance, With the future that's teasing the past. He will be the the key, To unlock the secr...