Chenelle's POV
"Bilisan mo nga mag tali nyang sapatos po Meg!" Sigaw ko sa bestfriend ko na si Meghan Princess Santos. Ang bagal kasi eh, magtatali lang ng shoe lace nya ang tagal pa.
"Eto na nga diba? Sandali lang po ha? Nagbuhol buhol po kasi eh" sabi into ng sarkastiko habang inaaayos pa ang nag buhol buhol na tali ng sapatos nito.
"Bilisan mo! Gusto ko ako ang kauna unahang makakakita sa baby loves ko" Ayyiiee kinikilig talaga ako ngayon at excited para makita ang aking baby loves. Ako Lang dapat ang unang makakita sa kanya ngayong first day of school! HMP! Ay ang landi! HAHAHA
"Chen ano ha? Tutunganga ka na lang dyan? Tapos na po ako mag sintas ng sapatos. Bilis!" sigaw nito habang kinakaladkad ako palabas ng kwarto ko. "Tito! Tita! Alis na po kami nitong bruha niyong anak ha? Bye po!" dagdag nito sabay ngisi sakin. Huh! Mas bruha sya!
"Sige mga anak mag ingat kayo ha?, napa aga ata kayo? By the way goodluck sa inyo!" sabi ni mama sabay halik sa pisngi namin.
"Ingat kayo. Goodluck sa inyo!" sigaw naman ni papa at pinakita ang nakathumbs up nyang kamay.
"Tito and tita, kaya po kami maaga kasi sabi po ng anak nyo gusto nya daw po sya ang unang makakita sa ba----"
"Bye Ma! Bye Pa" sigaw ko sa kanila habang ako naman ang nangkaladkad kay Meg. Jusko Lord! Muntik na!
Ako nga pala si Chenelle Andie Collin (P: Chenel) Maganda daw ako. Oh! Sabi yan ng parents ko. Matalino naman daw ako kahit papano, kalog at makulit. Bukod kay Meg meron din akong boy bestfriend, siya ay si ........*Drum Roll*.... Xyle Xander Xavier (P: Sayl) for short X! Alam nyo kung bakit? Halatang halata naman sa name nya hindi ba?
Kami lang ni Meg ang natawag sa kanya nan, actually kami nag embento nyan. Gwapo yang si X, matalino, heartthrob, super kulit din nya at nako GGSS po yan.
Maitext nga yung mokong na yun na papunta na kami school.
To: Boy Bestfriend
X! Gising kana! Papunta na kaming mga magaganda mong bestfriends sa school. Punta ka na din ha, ingat sila sayo! Muah!
Sent!
Wala pang isang minuto ay nag reply na agad si X.
From: Boy Bestfriend
Sige, babangon na ako Basta bawiin mo yung sinabi mo na maganda kayo. ;)
ABA! Ang mokong kung makapagsalita!
To: Boy Bestfriend
Che! Bumangon ka na dyan at maligo at mag toothbrush at magpagwapo ha!
From: Boy Bestfriend
Di na kailangang magpagwapo ang isang tulad ko kasi gwapo na naman ako.. Tapos ang pangit nyo :*
Aishh!! Kahit kailan talaga itong lalaki na ito, napaka yabang!
"Oh ano? Natext mo na?" tanong ni Meg habang inaayos ang kanyang buhok.
"Oo, ang pangit daw natin" sabi ko habang nakabusangot ang muka.
"Ako maganda, ikaw ang pangit! HAHAHAHA!" sabi nito habang nakahawak sa tiyan dahil sa kakatawa.
"Ikasaya mo yan!" sabi ko sabay irap at sumakay na sa kotse. Bakit ko ba naging kaibigan si X at Meg? Tsk.
Nasa sasakyan kami nina Meg, driver nila ang nag dadrive ngayon.
"Excited na ako! KYAAAAHH!" sigaw ko sa loob ng kotse. Nakita ko naman si Meg at ang driver na nagtakip mg tenga.
"Halata naman eh" sabi Meg.
Habang nasa sasakyan kami ay naaaninag ko na ang school namin. Grabe, ang aga nga ata namin. Wala akong nakikitang estudyante sa labas ng school. Ako ang unang bumaba habang si Meg ay may inaayos pa.
O__O
Napanganga ako nang bumungad sakin ang grupo na mga babaeng may hawak na banner at nakasulat na "I LOVE YOU TRISTAN HART HART!" , "WELCOME BACK TRISTAN!", "MARRY ME TRISTAN!", at "AKIN KA NA LANG TRISTAN". Akala ko ba walang Tao, sandamakmak pala.
"Chen naiwan... Uh may gulay sa bahay kubo!" sigaw ni Meg ng makita ang nakikita ko. "Sobrang aga natin pero nandyan na agad 'yang mga haliparot na bibe na kaagaw mo?" tanong nya habang nililibot ang tingin at inabot sakin ang cp ko na naiwan sa kotse.
"Tinatanong pa ba yan? Kita mo naman diba?"
"Taray mo! Halika na nga sa classrooms natin" sabay hawak sa kamay ko na akmang hihilahin ako papuntang classroom ng...
"Waaahhh!"
"Ang pogi mo Tristan!"
"I Love you Tristan!"
"We love you Tristan Wayston!"Slow motion akong tumingin sa mga nagtiliiang babae at nakita ko siya! Shit! Ang gwapo pa din nya!
"Chen!" Ang pogi nya pa din.
"Huy babae!"
"CHEEEEEEEEN!" Para syang anghel na bumaba sa langit.
"CHENELLE ANDIE COLLIN!"
"Ay Anghel!" Aisshh! Masyado nanaman akong nainlove kay Tristan.
"Ano ba?! Naka alis ba yang Tristan mo, nakatunganga ka pa din. Halika na bili!" sigaw nito at nangkaladkad nanaman.
Habang naglalakad kami pagkatapos ng short program para sa mga bagong student dito sa Wayston Univ, Yeah! Family ni Tris ang may ari ng school na'to. Parami ng parami ang nakikita kong estudyante na nanlulumo. Pati ang pretty girls ganun din. Corni ng group name nila no? Madalas kasi palagi silang nagtatawanan at kumikiri, Pretty girl's ang tawag sa kanilang grupo, bale 8 silang mga babae. Kinaiisan at kinakatakutan sila dito dahil bully sila. Kahit ako natatakot sa mga yan lalo na sa lider nila, pero syempre pag may mood akong lumaban, sapak sila sakin.
"Ahmm Chen ano.. Ah ano tandaan mo na mahal na mahal ki-kita!" sabi nito sabay hawal sa magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya.
"Anong kadramahan yan? Tss oo na mahal din kita kaya tara na!" akmang haharap na sana ako nang bigla bumungad sakin ang muka ni X.
"X!" sigaw ko habang nakangiti na hanggang pluto.
"Wag kang haharap Chendie" cold na sabi ni X at halatang hingal na hingal.
Teka nga? Kanina pa ako bawal humarap ah.
"Ano bang meron? May bawal ba akong makita?" haharap na sana ako ng bigla niya akong yakapin.
---
(A/N)
Hmmm. Ano kayang meron?
Vote and Comment Guys!

BINABASA MO ANG
Endless Love
Novela JuvenilEvery relationship has it's problems but what makes it strong is when you still to be in it when everything is sucks. --------------------- "Chenelle Andie Collin, How many times I will tell to you that you're always the first and the last thing on...