Tumingin sa akin si Hyein. Umiling naman ito at hinila nanaman ako nung babae sa fitting room. Pinasuot nya sa akin ang isang dress na kinulang ata sa tela sa may bewang. Sino bang mananahi nito?
Lumabas ulit ako at pinakita ulit kay mahal na prinsipe, pero umiwas naman sya ng tingin.
"Change it! I'm not allowing you to wear that kind of dress. Masyadong labas tsk" Sambit niya. Kumamot naman ako sa ulo ko at pumasok nanaman sa fitting room.
Pinasuot sa akin ang isang dress nanaman na kulay yellow na nagkikintaban. Ang panget naman.
Lumabas ako at nag model sa harap ni Hyein. Tumawa naman sya at sumigaw nanaman. "I DONT LIKE IT" tumawa naman siya at kinuha ang isang magazine. Nag dabog ako habang pumapasok sa fitting room.
"Ms. Ito na---"
"Ako na lang bahala sa pipiliin ko. You may go na" ani ko. Tumango naman siya at ginawa ang sinabi ko.
Kinuha ko ang isang white floral dress na hanggang taas ng tuhod. Kinuha ko din yung heels na kaya ko at ako na mismo ang nag pony tail sa sarili ko. Lumabas ako ng fitting room at nakita ko si Hyein na nag cecellphone.
Sana panghuli na 'to.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya. Humarap naman sya at nabitawan ang cellphone na hawak nya, pero agad din naman nya iyong kinuha.
Tumikhim sya at umiwas ng tingin. "O-okay na. I- I like it" Tumingin ito sa akin at ngumiti. Papasok na sana ulit ako ng fitting room para hubadin na itong damit na ito ng bigla akong higitin ni Hyeiny.
"Wag mo nang hubadin, just wear it. Next" hinawakan nya ang buhok kong dry na muka ng walis tambo, pero maganda naman ang pag kakaipit ko ah! "Your broom hair" ani nito at ibinaba nya ang buhok ko. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang malalambot na kamay ko. Hihi
Hinarangan ko muna sya ng akma nya akong hihigitin "Teka muna wait!" Humarap ito sa akin at tinaas ang isang kilay nya. Umupo ako sa upuan at kinuha ang lock nitong heels ko.
Tumingin ako kay Hyeiny ng bigla nyang hinarang ang kamay nya sa kamay ko. "Ako na" Ani niya at inayos ito.
Nang matapos ang mala Cinderellang yun, pumunta kami sa isang salon at inayos nung mga baklita ang buhok ko.
"Look at your hair". Nakangiting sabi nung isang bakla na halata namang nakawig. Inikot nya yung upuan at feeling ko natotomboy ako sa nakikita Kong magandang dilag.
Ikaw yan Chen, tangek salamin yan! Ani nung isip ko. Aba!
"Infairness!" Ngumiti ako at hinawakan ang buhok ko.
"Next make up!" Sigaw nung isa pang bakla na nakalabas ang Tiyan. Sexy ah!
"No need for make up. I want her to be natural" Sabay kindat nya sa akin. Nakita ko naman yung mga bakla, na nag siksikan at halatang kinikilig.
"Swerte mo girl!" Sabi nung bakla na nakawig. Nag sitanguan naman yung iba. Tumawa naman ako at nagpaalam na sa kanila.
"Hyeiny! Kala ko ba sa mga magulang mo tayo pupunta? Eh bakit sa sementeryo napadaan? Tska diba akala ko ko isasama natin si Shannon Courtney the---"
"Because my parents are here and si Shan? Sabi nya kanina ay hindi daw muna sya makakasama dahil may gagawin daw syang important, sayang naman yang ayos mo. Get it?" Tumango tango naman ako sa kanya at hinila ako sa kung saan.
Sayang naman 'tong dress ko. Pero Bakit dito? Baka naman may namatay na kamag anak si Hyeiny tas dadalaw kami kasama yung family nya. Kinakabahan na akong makilala sila! Baka kasi mga amazona eh.
Tumigil kami sa napakalawak na lugar at may dalawang puntod na nandito. Pinaupo ako ni Hyein sa isang upuan at kumuha sya ng kanya. Wala pa ba parents nya?
"Hi mom and dad" sabi ni Hyein na ikinagulat ko. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakikita na iba pang tao. Hala?! Baka may nakikita si Hyein na hindi ko nakikita?!
"Nakikita nyo po ba itong babaeng 'to" lumingon ako sa kanya at tiningnan ang direksyon nang tinitignan nya. Nakatingin sya sa puntod. Wag nyong sabihin na ang tinutukoy nyang mom and dad ay y-yung na-nasa p-puntod?
"Gusto ko po sya kahit ang kulit nya minsan, ohh lagi pala" tumawa sya ng kaunti at humarap sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at pinag masdan siya. "Chenelle Andie Collin nga po pala, soon-to-be Chenelle Andie Collin Gonzales. And Chen, my mom and dad" Parang winawasak ang puso ko sa nakikita ko.
"Alam nyo po ba, sabi nung mga unggoy na kasama ko lagi, nagbabago na po ako. Hindi na daw ako badboy at parati na daw po akong nakangiti. I think, its because of her. She changed my life and she also makes me feel better" Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o masasaktan sa mga nakikita ko, hindi ko akalain na wala na pala ang magulang nya at siya na lang pala ang natitira.
Napaluha ako, napaluha ako dahil alam Kong masakit mawalan ng magulang na syang nagpalaki sayo at nagmahal ng totoo sayo. Lumingon sa akin si Hyein kaya agad Kong pinunasan ang luha ko. "Don't cry" mahinang sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya pero napawi agad yun ng biglang may tumulong luha sa mata nya at muling tumingin sa puntod "Mom , Dad, I miss you. I really really miss you. Di-diko pa din matanggap na wala na kayo sa buhay ko. Parang dati lang palagi ko pa kayong sinasagot. Napakawala Kong kwentang anak sa inyo, dahil hindi ko man lang kayo nasagip noon."
"Nag walanghiya pa ako bago kayo mamatay. Hindi ko man lang kayo inintindi sa pag tatrabaho nyo, na para pala yun sa isa sa mga pangarap ko. Inuna ko ang pangwawalanghiya, pero alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal ko kayo. Kayo ang umunawa sa akin. I love you and I really miss you mom and dad" patuloy ang pag agos ng luha nya at pati ako naiyak na din.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Fvck, I'm so dramatic" humihikbi nitong sabi.
"Arte mo, hayaan mo na" ani ko at niyakap sya ng mahigpit.
****
Pagkatapos ng nangyari kahapon ay agad na inihatid ako ni Hyein. Sinabi pa nga nya na kung gusto ko daw muna kumain pero tinanggihan ko ito, dahil gusto Kong mag pahinga muna sya. He need some rest kahit konti lang.
"Are you okay babes?" Tanong sa akin ni Pat. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Nandito nga pala kami sa school kasama yung mga unggoy at si Meg, except Hyeiny.
Naging hobby na din namin 'tong sama sama kami lagi. After class, magkikita kita muna kaming canteen tapos sabay sabay kaming gagala kung saan.
"Oh shit!" Mariing sambit ni X at tumigil sa paglalakad kaya naman napatigil din kaming lahat.
"Anong meron?" Singit ni Meg at hinawakan ang kamay ko. Nagkibit balikat lang ako at tiningnan si X.
"Uyy! Bakit ka ba tumi---"
"Fvck! Yung ex ni Hyein!" Sigaw ni Kaizer na halos ikatigil ko.
"Shit ang ingay mo!" Sabay takip ni Tory sa bibig ni Kai.
Ex ni Hyein?
-----
(A/N)
Thank you sa mga nagbabasaaa! Labyu all! Muah!
Add nyo ako sa Facebook, Elyza Marie Fisico, message mo ako tapos pakilala ka!
Vote and comment please! Muah!
BINABASA MO ANG
Endless Love
Teen FictionEvery relationship has it's problems but what makes it strong is when you still to be in it when everything is sucks. --------------------- "Chenelle Andie Collin, How many times I will tell to you that you're always the first and the last thing on...