Chapter 7

85 3 0
                                    

Warren's Photo above <3

****
Hyein's POV

"Mga tol may napapansin ako" napatingin ako kay Pat ng mag salita ito.

"Ako din meron" sabi naman ni Kai at tinuro yung zipper ng pants ni Warren "Bukas yung zipper ni Warren oh"

"Pfft! TANGINA HAHAHAHAHA" sinamaan nya kami ng tingin bago siya tumalikod at isinara ang zipper nya.

Kumamot naman sya sa ulo nya at bigla syang ngumiti. Tumingin naman ako sa mga katabi ko at halata sa muka nila na pati sila ay nagtataka. May sira na ata sa ulo itong si Warren.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan, Warren?" Tanong ko. Imbis na sagutin yung tanong ko ay tumingin lang sya sa akin pati na din sa tatlong unggoy na mga kasama ko. May nginuso si Warren at mas lalo akong nagtaka ng lingunin nila ito at biglang nag silabasan ang mga ngiti nila.

"Ano bang tinitingnan nyo sa likod ko?" Sumilip silip pa ako sa ground ng school pero wala naman akong makita kakaiba. Puro students lang naman ang nakikita ko eh.

"Boys!" Sigaw ni Pat. Ano bang meron? Takte naman ohhh!

Nagulat ako ng bigla akong hinigit ng mga loko papuntang ground

"What the!" Sigaw ko, pero tuloy pa rin sila sa paghila sa akin.

"Hi Babes!" Sigaw nung apat sa likuran ko habang ako naman ay inaayos ang damit ko na nagusot dahil sa kanila.

Teka!? Babes? Dahan dahan Kong inangat ang ulo ko at nakita si babe--- ahh! Ano! Si Chen pala. Tsk

"Ahh ano haha he-hello! Si-sige na aalis na-na a-ako ah!" Ani nya. Bat nauutal sya? Okay lang ba sya? May masakit ba sa kanya?

"Okay ka lang ba, Chen?" Tanong ko na ikagulat nya. At ikinagulat ko din ng biglang nagsigawan yung mga unggoy.

"Ayyiiieee" sigaw nilang lahat at umakbay pa sila sa akin. Napatingin naman ako kay Chen at nakita ko syang namumula at nakayuko. Napatingin naman ako, ang cute-- este ang ano! Basta! Pshh

"Ahh oo o-kay lang ako" sabi nito at tumayo ng maayos sa harap namin at nagbuntong hiningi pa siya.

"Sure?" Tanong naman ni Tory.

"Yep!" Sabi nito at ngumiti ng malaki habang naka thumbs up. Ang cu-- Hayss! Oo na ang cute na nga diba? Diba? Diba?

"Namiss ka namin Babes!" Sigaw ni Warren at yumakap sya kay Chen. Tsk

"Namiss ka din namin!" Sigaw ng iba at sabay sabay silang yumakap sa isat isa. Except sa akin. Nakakaing-- WALA!

Nagulat naman ako ng hinigit ako ni Kai at Patrick, at napayakap na din ako kay Chen dahil sa pag higit nila.

Chenelle's POV

Pagkatapos magpaalam sa akin ng dalawa Kong bestfriend, naglakad lakas muna ako sa school. Grabe lang ah, nag iisa lang ako ngayon.

"Hi Babes!" Nagulat ako nang lumitaw ang mga muka ng mga iniiwasan ko. Sh*t! Pano na 'to?

"Ahh ano haha He-hello! Si-sige na aalis na-na a-ako ah!" Palusot ko sa kanila. Bakit ba ako nauutal? Shemsss

"Okay ka lang ba, Chen?" Nanglaki naman ang mata ko nang nagsalita si Hyein, ang sobra kong iniiwasan.

Kalma lang Chen! Hindi ka kakainin ng mga yan!

"Ayiieee!" Nagulat ako ng mag sigawan yung apat. Nakakahiya! Yumuko muna ako sandali dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Inhale. Exhale.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon