Chapter 5

77 3 0
                                    

"And you?" Turo ko kay dugyutin. Tumingin naman silang lahat sa kanya habang nakangiti. Nakita ko naman na nag mura sya ng mahina.

"Hyein" sagot nito habang nakasimangot.

"Hyein ano? Aba! Ang daming Hyein--"

"Hyein McKenzie Gonzales" putol nya sa akin. Tumango tango naman ako.

"Nice" Ngumiti naman ako sa kanya pero sya wala lang. Pssh!

"Ayyiee pag ibig na ba eto pareng Hyein?" Namula naman ako sa sinabi ni Warren at binatukan naman ito ni Hyein.

"Aray!" Daing ni Warren habang hinihimas ang ulo nya.

Magkakaibigan pala sila? Grabe nga yung tawag nilang lahat sa akin eh, BABES! KYAAAAH! Syempre except again and again kay Hyein. Sungit talaga eh.

"Babes Die, Alis na kami nitong si Warren ha! May work pa kami eh, naku! Sobrang importante nung trabaho namin! Mang chichicks, ang hirap kaya nun. O sya! Bye na babes Die" nag wave naman sa akin si Pat at inakbayan na si Warren. Mahilig pala itong mga ito sa chicks, meron pa man din sa kapit bahay namin. Andami kayang sisiw dun.

Babes Die nga pala tawag sakin ni Pat!

"Oo nga! Babye Babes Chen! Patrick, may sexy oh bilis puntahan natin!" Sigaw ni Warren kay Patrick at tumakbo na papunta dun sa sexy na babae.

Ahh! Yung chicks pala na sinasabi ay girls.

"Grabe talaga sila, buti na lang talaga at mabait ako" sabi ni Tory at Ngumiti. Nakita ko naman ang malalim na dimples nya at naniningkit na mga mata nya. ANG CUTEEEEE!

"Ang cute mo talaga Tory!" Pinisil ko ang magkabila nyang pisngi.

"Mas cute kaya ako" Nakita ko naman na nag sad face si Kai kaya pinisil ko din yung pisngi nya. ANG CUTE NILAAA! Bale yung right hand ko ay nasa isang pisngi ni Tory at yung left naman ay nasa isang pisngi ni Kai.

"Pede ba tigilan nyo na yan!" Sigaw ni Hyein. Siguro naiinggit lang din ito, mapisil din ang pisngi!

"Aray! Stop it!" Pinanggigilan ko din ang pisngi ni Hyein.

"Cute ka din naman! Hmmm!!" Mas cute pala ito.

"Yiiiieee!!!" Nanglaki ang mata ko ng biglang nang kantyaw si Kai at Tory. Nagulat din ako nang makita ko ang pwesto namin. Sobrang lapit na pala ng muka namin sa isa't isa. Napabitaw naman agad ako kay Hyein at lumayo.

Spell awkward?

K-A-M-I

Halata naman na nagulat din sya sa naging pwesto namin pero imbis na mainis, ngumisi pa ang loko at kinindatan ako

Akala ko ba tahimik at suplado itong si Hyein? May pag ka manyak din pala ito!

Manyak?

OMG! Yung ngising yan! Si Manyak yan diba?! Yung pumasok sa C.R?!

KAYA PALA MANYAK GIRL YUNG TAWAG NYA SA AKIN?! AHA!

"Aray! Para saan yun ha!?" Sigaw nya dahil pinitik ko ang noo nya.

"Kaya pala ha!" Pintik ko ulit yung noo nya.

"Masakit na ha! Isang pitik mo pa papakasalan kita!"

O_O

"Ayyiiieeeeee" sigaw naman Nina Kai at Tory.

"Kelangan Abay ako" pang aasar ni Tory.
"Kelangan ako yung little groom" tumawa ng malakas si Kai at ginulo ang buhok ko.

"Tumigil na nga kayo!" Yumuko na lang ako Kasi magiging kamatis nanaman yung pisngi ko.

"Tumigil na daw kayo sabi ng magiging asawa ko" sabi Hyein sabay akbay sa akin. Tinanggal ko naman ito at isinakbit ko ang ulo nya sa braso ko at tinuktukan ko ito.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon