Chapter 17

43 2 0
                                    

Chen's POV

"Napapadalas na ata yang pag hiling hiling mo sa akin ng date ha? Baka mamaya makita na lang kita jang namamalimos sa kalye dahil sa pagpapakain mo sa akin sa mga sosyaling restaurant jan eh. Ang gusto ko lang naman ay diyan sa karinderya ni aling Pepang. Tss" Sabay tanggal ko sa pagkakaakbay nya sa akin.

Siguro simula nung unang date nya sa akin, mga 4 dates na yung date ulit nya sa akin. Ano bang nakain nitong lalaking to.

"Aminin mo na lang na masaya ka dahil kasama mo ang pinakagwapong lalaki na nag de date sayo ngayon" Ani niya. Tiningnan ko sya habang nasa tabi ko at ngiting ngiting nakatingin sa daan. Hayss!

"Alam mo Hyein, manahimik ka dyan sa kakapula sa sarili mo ha! Di porket close mo na ako ay paganyan ganyan ka na! Kapal ng muka nitong chonggong ito" Sabi ko sabay harap sa kanya. Humarap din naman sya sa akin at inilapit ang muka nya sa akin na ikinaantras ko. Lintik na! Ang gwapo!

"Sinong chonggo?" tanong nya habang nasa ganun pa din kaming pwesto.

"I-ikaw! Chonggo ka, kapal ng---"

"Sino?" Tanong ulit nya at mas inilapit pa ang muka nya sa akin. Jusko ko Lord! Hihimatayin na ata ako. Napatingin ako sa mata nya at nagkatitigan kami.

Bakit hindi ko matanggal tingin ko dito!? Help!

Nagulat ako ng lumapit pa sya lalo at nagkadikit na ang ilong namin. Napapikit ako ng ipulupot nya ang kamay nya sa bewang ko. Unti unti kong nararamdaman ang pag hinga nya. Napanguso naman ako.

"I thought you are not eligible to kiss? Remember? Our first date?" Napamulat naman ako sa sinabi nya. Kumalas na sya sa pagkakapulupot sa akin at nakalayo na din. Nakita ko ang isang mala evil smirk at tska nag lakad papalayo.

"Hayss! Anong nangyayare sayo Chenelle!? Aisshh!" Sabi ko sa sarili ko at pinukpok ang ulo ko.

"HOY LALAKING PANGET! WAIT LANG!" Sigaw ko na nagpaharap sa kay Hyein. Lumingon naman sya at ngumiti.

Ngiting wagi ang loko. Aisshhh!

***

"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo dyan ha?" sabay taas ko ng kilay kay Hyein. Kanina ko pa kasi nakikita na bigla bigla syang ngumingiti eh. Nakadrugs na ata.

"I can say that this is the most corny thing na masasabi ko sayo but fuck! I think I like you"

"Anong---- Ha?" Humarap ako sa kanya at ngumiti naman sya. Teka? Tama ba itong naririnig ko o baka naman may luga na ako kaya parang bingi na ako?

"I said I like you" seryosong sabi ni Hyein at hinawakan ang pisngi ko. Hinampas ko naman ito. "Ah! Why!?"

"Umayos ka nga! Ayaw ko ng joke joke dito" Sabi ko at kumain. Napatingin naman ako sa kanya ng bigla syang manahimik. Parang kelan lang kami nag first date, may gusto agad sa akin ?

Napa iwas naman ako ng tingin ng bigla din tumama ang mata nya sa akin, pero humarap din ako ng bigla itong nag salita "Alam kong gwapo ako kaya wag mo kong titigan" AISHH! Ang kapal talaga ng muka nitong lalaking to! "Pero BABES Nelle seryoso ako"

"Totoo ba yan?" tanong ko at nakipagtitigan din. Tumango lamang sya at kumain habang nakangiti.

"Actually....."sabi ko at lumingon sya sakin at nagtaas ng kilay.

"Actually what?" napangiti sya at kumamot sa batok habang namumula.

"Hayss sige na nga! Actually gusto din kita, simula pa ata nung first date? Pangit mo kasi eh" tumawa ako at sinuntok sya ng marahan sa may tiyan.

Nagulat naman ako ng yakapin nya ako "Thank you for liking me back" ani niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"Ang drama mo. Teka!" Kumalas ako sa yakap nya "Ano yung tawag mo sa akin kanina?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya at umayos ng upo "Babes Nelle" sabay kindat sa akin. Ang corny!

"Short for Chenelle? Why so corny babes Hyeinyyy?" Tumawa ako na nakapag painis sa kanya pero bigla din naman syang ngumiti. Para po syang ewan, pabago bago ng facial expression.

"Tinawag mo din akong babes? Ugh! What a wondrous day! You like me back and damn!, tinawag mo pa akong babes" sabay suntok nito dun sa katabing lalaki kaya naalerto ako.

"WHAT THE HECK HYEIN!" Sigaw ko at inalalayan si kuya na tumayo.

Nagulat din naman sya sa ginawa nya kaya tinulungan nyang tumayo yung lalaki. "Ohh sorry! I-im just ha-happy" Paliwanag nito at iniupo si kuya sa upuan.

"Ouch! Kuya naman kasi bakit po ba ako ang shinuntok mo, na a-ouchy po ako ngayern" Sabi nito habang hinahawakan ang kanyang labi. Kumuha din sya ng "pink" na panyo at pinunas ang dugo dito. So bakla sya?

"Didn't I tell you that I'm sorry?!" sigaw ni Hyein kaya hinigit ko ang tenga. "I mean I'm sorry" mahinahong sabi nito sabay tingin sakin ng masama.

Aba!? Sa akin pa nagalit.

"Its okay kuya, pasalamat ka di masyadong nasira ang magandang feslak ko at syempers pasalamat ka at gwapo ka"

"Ahhh kuya buti pa po alis na po kami. Sorry po talaga ah?" sabay higit ko kay Hyein.

"Bye Kuya pogi!" sigaw nung bakla at hinawi ang kalbo nyang buhok? Ha?

***

(A/N)

Waaahh! After 112092 years, nag update na ako (||*||) Sorry! Busy lang si ateng! Hehe. Ang onti lang ng update ko ngayon, 851 words lang. Sorry Ule! Mwaa!

VOTE AND COMMENT!

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon