***
Chen's POV
Unforgettable! Grabe yung ka hyperan ko nung kasama ko sya. Parang nag evolve ako, dinaig pa ako ng isang kita kiti sas sobrang likot at kaingayan ko. Dala ata ng kasayahan kaya ako naging ganun. Hihi!
Pero at least medyo hindi na ako naiilang sa kanya. Close na din kasi kami Simula nung "Date" na yun. Lagi na nya akong sinasamahan, pero syempre laging kasama si X, Meg at ang mga alagad ni Hyein. Kasama ko nga sila ngayon, except him. Asan na kaya yung hari ng mga unggoy na iyon.
"Ui Tory, Asan ba yung hari nyo? Kanina ko pa kasing hindi nakikita" lumingon naman ito sa akin at nagkibit balikat.
"Hindi ko alam babes, tanong mo kay Kai baka alam" Ani niya at pinagpatuloy ang paglantak ng pagkain dito sa bahay namin. Oo nga pala, nandito na din sila paminsan minsan sa bahay. Close na sila ni mama at papa. PSH
"Oi Kai! Alam mo ba kung asan si Hyein!?" Sigaw ko sa kanya habang sila ay nag sasasayaw kasama sina Meg at X. Tumigil naman ito sa ginagawa nya at lumapit sa akin.
"Ganto kasi yan Babes, nakita ko sya kanina may kasamang babae tas magkaholding hands pa nga e" Sabi nito. Kumabog naman ang dibdib ko sa sinabi nya. Talaga ba?
"To-totoo ba y-yan?" Tanong ko at ngumatngat ng kuko.
"Syempre joke lang yun! HAHA! Ikaw naman, hindi mabiro. Selos kaagad" sinamaan ko naman sya ng tingin at hinampas sa dibdib.
"Lintik kang panget na unggoy ka! Mahahambalos kita dyan ng poste sa mga pinagsasasabi mo! At Hoy! Hindi ako nagseselos tss!" Konti lang. Buti lang hindi totoo na may kasama syang babae, kung totoo yun! Nako, humanda yung babaeng yun. I va-vacuum ko yung buhok nun.
"Hahahaha! Chill lang. May inaasikaso lang si Hyein ngayon, kaya wag kang mag alala sa kanya". Paliwanag nito at pinagpatuloy ang kanyang pinag gagagawa. Asan kaya yung lalaking yun?
Umupo ako sa upuan ay naghalumbaba sa ibabaw ng mesa. Asan ba kasi yun?
Teka! Bakit ba curious na curious ako. Pake ko don!
"Hoy babaeng nag iisip kay Hyein!" Napalibgon ako ng biglang sumigaw si Meg. "Ayiieee! Humarap ka, so iniisip mo nga?" Tanong nito at lumapit sa akin.
"H-hindi no! Sus, ano naman ang dahilan at bakit ko iisipin yun? Wala naman diba?" Tanong ko at naghalumbaba ulit.
Umakbay si Meg sa akin "Syempre iniisip mo kung kelan kayo mag papakasal, naiimagine mo din na kasama mo si Hyein at inyong 101 na mga anak, Puro Dalmatians bes!" At tumawa ito nang malakas.
Inirapan ko ito at nang akma na akong mag wo- walk out ay biglang sumulpot si Warry, kaya napaupo ulit ako.
"Hi Girls!" Bati nito at tumabi sa kanyang minamahal. Tsk
"Girl-in mo muka mong leche ka! Ang kapal kapal ng muka mong lumapit ditong ogre ka! Lumayas ka nga sa harap ko!" Sigaw ni Meg habang pinag hahahampas nito si Warry. Iniilagan naman ni Warry ang bawat hampas nito.
"Selos ka naman agad, alam mo naman na ikaw lang ang ang babaeng nag---" Naputol ang sasabihin ni Warry dahil nag walk out na si Meg. Pfft! Wala kasing forever.
"Ikaw lang ang babaeng nag papainit ng ulo ko. Hayss, jusko lord!" Sabay gulo nito ng buhok nya. "Akala ko pa naman mahinhin ka, cobra ka din pala"
Tumawa ako ng mahina at nag takip ng bibig. Eh sa tatay ba naman nyang si Meg. Kahit naman ko minsan naiinis ka ka-cobrahan nan.
Nang mag siuwian na ang lahat ay bigla akong pinapunta ni mama at papa. Bakit naman kaya? Hmp. Baka may iuutos nanaman sa akin.
Umupo ako sa sofa at hinintay ang aking butihing mga magulang. Maya Maya pa ay pumunta na sila at umupo sa harap ko na may ngiting nakakaloka! Problema nitong dalawang to
"Ma! Pa! Ano ba yang ngiting yan! Nakakatakot" sabay takip ko ng unan sa muka ko. Tinanggal naman ito ni papa at biglang humalakhak, na syang ikinagulat ko. Hinampas ito ni mama at piningutan.
"Yung totoo Alfredo? Nakasinghot ka ba?" Sabi ni mama na nakapag patigil kay papa.
"Ano? Ginawa mo naman akong adik Christine!"
"Bakit hindi ba?"
"Aba't----"
"Ma! Pa!" Sigaw ko na nagpatigil sa dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin at nakita ko naman silang nagsisikuhan. Hayss! Ang buhay talaga, parang life. "Ang sakit nyo po sa bangs" sabay halumbaba ko.
"I will remind to you anak na wala kang bangs. Naku!" Sabay irap ng nanay ko. Kinapa ko naman ang noo ko at narealize na wala nga pala.
"Never mind po. Ano po ba rason ng pagpunta ko dito?" Tanong ko habang kumakamot sa ulo.
"Ganto kasi yan anak. Itatanong lang sana namin kung bakit nawala yung mg pagkain sa ref na dapat ay ihahanda namin for tomorrow. Eh naaalala mo ba na may reunion kami bukas?" Napaisip naman ako sa sinabi ni papa.
"Babes! Sigaw ni Patrick habang nakaakbay kay Kai. Binigyan ko naman sila ng bakit-nyo-ako-tinatawag-look. "Ahh ehh wala na kasi kaming mabilhan ng pagkain, pede---"
"Kuha na lang kayo sa ref, kayo na bahala kung anong gusto nyo" sabay ngiti ko.
OMAYGAD!
"Ahh y-yung pagkain po nawawala?" WAAAH! SHIT! Oo nga pala, kailangan nga pala bukas yun.
"Oo eh, nakita mo ba nak?" Tanong ni mama. Opo, nakita ko po sila habang niluluto lahat yun.
"Hey Chendie! Gusto mo bang barbecue? Sabi sakin ni Pat galing daw to sa ref nyo" sigaw ni X habang kumakain ng barbecue. Tumango lang din ako at nakikain sa knila.
At nakikain pa ako!
AMGANADAY!
****
(A/N)
I already posted the real chapter 16, Just check it on the table on your Side :)
BINABASA MO ANG
Endless Love
JugendliteraturEvery relationship has it's problems but what makes it strong is when you still to be in it when everything is sucks. --------------------- "Chenelle Andie Collin, How many times I will tell to you that you're always the first and the last thing on...