Chapter 13

54 2 0
                                    


Third Person POV

"And where are you trying to hide again baby McHyein?" Natatawang tanong ni Xander habang nakaharang ang kamay nito sa harap ni Hyein.

Napatingin naman si Chen sa direksyon na kinatatayuan nina Hyein at Xander at agad na nang laki ang mata nang dalaga. Hindi pa din naalis sa pwesto ang mga lalaki at nakaharang pa din ang mga menu sa kani kanilang mga muka.

Napahawak si Chen sa braso ni Meg at bumulong dito. "U-uwi na tayo"

"Ano ka ba! Andito na tayo kaya wala nang antrasan. Tsaka huy! Ang gwapo ni Hyein ohhh. Kaso mukang badtrip si kuya. Pati Chen! This is it pancit! Mukang ang kasama ni Hyein ay ang mga alagad nya!" mahinang sabi naman ni Meg tsaka marahang hinampas si Chen.

Napalingon naman si Chen kay Hyein ng padabog na umupo ito sa kanyang upuan.

"BABES!!!!" Sigaw nila at binaba ang mga menu na nasa muka nila. Napatalon naman sa pagkakatayo si Chen at halata mo sa muka nito ang pagtataka.

Nagsitakbuhan naman ang mga unggoy na parang kabayo kay Chen at niyakap nila ito, except kay loverboy.

"Yow Guys!" Nakangiting sabi ni Chen at nakipag appir sa mga ito.

"Babes! Waaah! Namiss ka namin, alam mo yun?" Ani ni Warry at hinawakan ang kamay ni Chen. Hinampas naman ni Kai ang kamay nito at piningutan.

"No touch! Lagot ka kay Hyein nan" napalingon naman si Chen sa sinabi ni Kai at nag iwas ng tingin.

"Ahy oo nga pala, baka kasi mapatay ako ni Liver Aid"

"Liver Aid?" sabay sabay na tanong nila kay Warry.

"Diba? Its liver LOVER BOY!" Ani ni Warry. Nagtawanan naman ang lahat di bale kay Chen at Hyein. Pati pala si Meg.

"Ehemm" Natigil ang tawanan ng biglang tumikhim si Meg. Napunta sa kanya ang atensyon, at agad na nang laki ang mata ni Warry ng makita kung sino ang babaeng nasa likod niya na tumikhim. Napatingin din si Meg kay Warry at nang laki ang mata.

"Teka!? Chan?!" Tanong ni Meg.

"Cess!" Nakangiting sabi naman ni Warry.

"So guys! Magkakilala kayo?" nalilitong tanong ni X.

"OF COURSE!" sabay na sagot nila.

****

Chen's POV

"Tekaaaa!" Sigaw ko sabay harang sa kanila. Nagulat naman ako nang may bigla akong matapakan na matigas at na out balance ako. "Aray ko, yung pwet ko! Huhuhu"

Flat na nga. Na Flat pa lalo.

Napalingon naman ako sa harap ko nang may humawak sa kamay ko.

Wala na atang masakit. Hehe! Why so pogi?

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Hyein habang seryosong nakatingin sa akin.

"Hey Are you okay?" Tanong nya ulit sabay yugyog sa balikat ko.

"HEY!"

"AY GWAPO!" Napatakip naman ako sa bibig ko nang masabi ko ang word na yun. Napalingon naman ako nang hawakan nya ang dalawa kong braso at itinayo ako.

"Be careful" Mahinang sabi nito.

"AYYYIIEEE!!" Namula naman ako nang biglang mag kantsawan silang lahat.

"I'm a wind! Wooshoo!" Napunta ang atensyon kay Meg ng magsalita ito. "Ngawit na ako" sabay irap nito sa amin.

"Upo tayo, Cess! Hihi" Ani ni Warry na halata namang kinikilig. Klaseng may namumuo.

"Uhmm Okay Chan, yiiee haha Cute mo talaga!" Aba! Pati itong Meg.

Nang inalalayan na umupo ni Warry si Meg para umupo ay umupo na din kami.

Napatigil naman ako nang mapatingin ako kay Hyein nang sinuklay nya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. Ehh?

Nag iwas naman ako nang tingin ng tumama din ang mata nya sa akin. Shit!

"Hey Chendie! Tatayo ka na lang ba dyan?"

"Huh? Ah-ah sabi ko nga u-upo na ako" Napalingon naman ako kay Hyein at nakita ko syang natatawa. Pinag tatawanan ba ako nito? Aisshh!

"Dito ka sa tabi ko" Napalingon ako kay Tory ng mag salita ito. Uupo ako sa tabi nya? E-edi magkakatabi din kami ni Hyein?

"Aish! Ang bagal naman, maupo ka na nga! Ako ang nangangawit sa iyo eh" Nagulat ako nang hilahin na ako ni Hyein paupo sa tabi nya at tabi ni Tory.

"Ayyiiieeeee!!" Kantsawan nanaman nila. Grabe na sila! Kinabog na nang pulang pula kong pisngi yung blush on ko.

"I think they love love each other na!" Ani ni Pat habang ginagaya ang boses ni Kris Aquino. Yung tetee?

"Tss. Stop it, Guys" Sabay irap ni Hyein sa mga kasama namin.

Napalingon naman ako kay Meg at Warry na may sariling mundo. Nag tatawanan sila habang kumakain ng dessert. Lumipat kasi sila nang sariling table.

Wait! Pano ba nakilala ni X itong mga 'to? Lalo na si Hyein?

"Hmmm X, pano nga pala kayo nagkakilakilala? Ahh ano kasi-----"

"Mga kaibigan ko sila simula pa dati, Chendie" Ani niya at napatingin naman ako sa mga kasama namin nanag sisitanguan.

Tumango na lang ako at nilantakan ko na din ang pagkain ko. Hindi man lang naisipan ni X na ikwento sakin ang mga kaibigan nya dati, yan tuloy di ko kaagad nalaman na magkakaibigan na pala sila dati pa. Napalingon naman ako kay X ng mag salita nanaman ito.

"McHyein, Bakit hindi ka nag sasalita at kumakain jan ha?"

MCHYEIN?


"MCHyein! Tulungan mo nga ako sa pagbuhat sa kanya papuntang clinic" sigaw nya. Nakita ko naman na may isa pang lalaki na parang kasing age ko lang din na papunta sa pwesto ko.

"Ano ba nangyari?" tanong nya

"Ahhh!! Mama!" Sigaw ko dahil bigla nanamang kumirot yung tuhod ko.

"Siguro mamaya ko na lang ieexplain sayo, McHyein. Buhatin na natin sya" Hinawakan ni kuya na diko alam ang pangalan yung left arm ko at yung right naman ay hinawakan ni 'MCHyein' at dahan dahan nila akong inangat.

"McHyein?"

Napalingon naman silang lahat ng masabi ko ang pangalan na yun.

"Bakit parang gulat na gulat ka sa pangalan ko ha?" Ani ni Hyein na parangnagtataka.

"X, Siya ba yung lalaking kasama mo sa pagbuhat sa akin dati?" Nagulat naman siX sa tinanong ko.

"Si McHyein ba yung kasama ko nun?" Tanong nya.

"What? Bat ako napasali jan?"Ani naman ni Hyein habang nakabusangot ang muka.

"Oo! Si Hyein yun diba? So si McHyein at Hyein ay iisa?" tanong ko

"Tsk! Its kinda obvious" Sabi ni Hyein.

"Ahhhh!! Oo nga no! Nice!" Napapalakpak naman sila at tuwang tuwa ang mga loko.

"Teka! Anong binuhat kita? Kelan kita binuhat?" Nagtatakang tanong ni Hyein.

Napangiti naman ako. Siya pala yun? Tadhana ata kami!

JOKE!

"Dimo na ba naaalala yung batang binuhat nyo ni X noong grade 3 pa ako! Yungbatang nadapa----"

"Stop" Napatigil naman ako sa pagsasalita nang sabihin nya ang salitang yan.

Okay?

Di ba sya makapaniwala?

What's with him?

Halos malaglag ang panga ko nang bigla syang lumabas ng restaurant at umalisna. Sinubakang habulin ng mga kasama ko si Hyein pero hindi na nila itonaabutan.

"Anong nangyari dun?" Tanong nila.

I Don't know. Galit ba sya? Hayss..


**

    Hyein's POV

Umalis na agad ako sa restaurant na iyon ng malaman kong siya iyon. Akala ko nasa East Campus pa din sya. Akala ko hindi ko na siya muling makikita.

She is still cute and adorable.

"Kaya pala magaan ang loob ko sayo" Sabi ko sa sarili ko at kinuha ang panyo na nakabalot dati sa sugat nya.

***

(A/N)

Loko din si Hyein eh no? May pa walk out walk out pa? HAHAHA! Kamusta mga panty nyo dyan? Dipa ba nalalalaglag? JOKE!

May clue ako sa next chapter! May mag de date doon. FIRST DATE.

SEE YOU SA NEXT CHAPTER!

Vote and comments

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon