Chapter 22

31 1 0
                                        

"So kamusta naman?" Tanong nya pero imbis na harapin sya ay tinuloy ko na lang ang paghanap ng libro dito sa library.

Kinulbit nya ako ng mahina "Uy!" Naiinis na sambit nya.

Humarap ako kay Hyein at tinaasan ko sya ng kilay. Napatingin ako sa porma nya ngayon.

Psh. Palibhasa may kasama lagi, kaya nagpapagwapo o gwapo lang talaga?

"Bakit ba ang taray mo? Kanina pa ako tanong ng tanong, ni isa wala kang nasagot" Sabi nito at nag pout. Napatawa naman ako ng mahina.

"Bakit ka natawa ha!?" Sigaw nito kaya naman sumenyas si Miss Dominguez na tumahimik kami.

"Tsk" Padabog syang umupo sa isang upuan at binasa yung kinuha nyang libro.

Napasilip naman ako dun sa libro na binabasa nya. Napabalikwas ako ng bigla syang tumingin sakin. Tumikhim ako at nag ayos ng tayo.

"Kunwari ka pa, miss mo nanaman ako, ayaw mo lang aminin"

"Wow! Ha! Wow lang, kapal ng muka mong malandi kang pumapatol pa sa ex---" Napatakip ako sa bibig ko at tumingin sa kanya.

Nakita ko ang pag tawa nya ng mahina habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Nagseselos ka ba?" Tanong nito at lumapit sa muka ko. Tumikhim ako at tinuro ang sarili ko.

"Ako? Ako magseselos dahil dun sa malandi ding kasama mong babae na madalas nakakawit ang kamay dyan sa----"

"You're jealous and It is so cute" Inilayo na nya ang muka nya sa akin at muling nagbasa sa librong kinuha nya.

Napatingin ako sa repleksiyon ng muka ko sa isang bintana at tumawa na parang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Hyein.

Ako? Nagseselos?
***
Someone's POV

"Hindi pa ako nag uumpisa, Bitch" Ani ko at pinunit ang litrato nya na hawak ko ngayon.

"I thought he'll be mine, but you came! DUMATING KA PANG MANG AAGAW KA!" Sigaw ko at ginusot ang hawak ko. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mata ko.

"Bakit ba lagi na lang ganto?!"
***

HYEIN POV

Lumapit ako kay Sidney at binigay ang pinapakuha nyang mga papers sa akin. Pinunasan ko ang pawis ko at humarap sa kanya at ngumiti.

"Okay na ba? Kung okay na, aalis na muna ako" Ani ko sa kanya.

Ngumiti naman sya at tiningnan ang mga papel na pinakuha nya sa akin. Tumango naman sya na ikangiti ko. Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Uhmm pwede mo ba akong samahan kumain? Please?"

"Pero---"

"I just want to talk to you" Pero niyaya ako ni Chen na sumama sa kanya kasama yung iba.

Huminga ako ng malalim at humarap muli sa kanya. "Fine" Sambit ko.

Dumeretso kami sa isang café dito sa school, nakikita kong nagtitinginan ang mga estudyante sa amin dahil siguro kasama ko ex ko.

Psh! Bakit ba nila kami pag titinginan e wala na naman akong gusto dito. Pagkatapos nya akong iwan, papatulan ko? Hell No! May Chen na ako.

"Ahmm ano ba order mo?" Napatingin ako kay Sidney ng mag salita ito. May kakaiba sa kanya, everytime na kasama ko siya. Pero hindi ko naman maintindihan kung ano.

Aish! Kung ano ano nanaman ang pinag iiisip ko.

"Ikaw ang pupunta sa counter? Ako na" Tatayo na sana ako ng bigla syang mag salita.

"Ako na lang, ako na lang din bahala sa order mo" Ngumiti sya na ikinangiti ko din. Tumango ako at hinayaan syang umorder, ang kulit nya e.

Napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ang wallpaper nito. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita si Chen dito na sinet nung mga unggoy. Bakit ba parang miss na miss ko na sya?

"Bakit ba kita namimiss?" Tanong ko sa cellphone ko. Napatingin naman ako sa nagkukumpulang mga babae na nakatingin sa akin at mahinang nagtatawanan. Dahil ba kausap ko cellphone ko?!

"Why are--- Aishh!" Sabay sabunot ko sa ulo ko. Nagsitakbuhan naman sila at lumabas sa café.

"Nakakainis sya! Kanina pa akong nag iintay sa kanya pero wala na naman ata syang planong pumunta!"

Napapisil ako sa daliri ko ng marinig ko ang boses na yun. Pero hindi ako lumilingon dahil baka makita nya ako. Fvck!

"Busy ata sa ex! HAHAHAHA" Dinig kong tawa ni Warren. I heared some chairs kaya alam kong kadadating lang din nila.

"Tumigil ka ngang hinayupak ka! Problemado na nga yung tao eh!" Sigaw naman ni Meg at narinig ko ang tawanan ng mga panget na baklang mga unggoy.

"Pssh, bahala nga kayo dyan" Ani ni Chen. I miss her voice! Im sure na galit sya sakin dahil sa hindi ko pagpunta. Hayss. I need to apologize to her.

Tatayo na sana ako ng biglang dumating si Sidney. Kinuha ko ang tray na hawak nya at napatingin kana Chen na nasa isang lamesa.

Nakikita kong pinapatawa nila si Chen pero para syang pinaksakluban ng langit at tubig. Ahhh tubig nga ba? Basta yun.

"What are you lookin---- Ohh okay" Ani ni Sidney na ikinabalik ng kaluluwa ko.

Umupo ako sa upuan namin at nilapag ang tray na hawak ko. Tumingin ako sa kanya ng umiinom ito ng frappe habang nakangiti at nakataas ang kilay.

"Happy birthday to her" Nanglaki ang mata ko ng sabihin nya ang mga salitang yun.

"I-its her b-birthday to-today?" Nauutal na tanong ko at pinisil ang daliri ko. Shit!

"Look" Sabay turo nya kana Chen. At nanlambot ako ng makitang may dalang cake si Xander at may hawak naman na lobo si Patrick.

***
(A/N)

Comment and React naman kayooo jan! Pleaseee! Mas nagaganahan akong mag update pag may magcocomment! Huhuhu! Jeball!

Commeny and Vote! Muaps!

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon