Chapter 18

48 2 0
                                    

"Crush mo ako diba?" Tanong nya na ikinatawa ko. Nakita ko sa gilid ko ang pagtalikod nya kaya naman agad ko syang hinarangan.

"Oo nga! Crush nga kasi kita. Napaka arte nito, nag tatanong pa alam na naman ang sagot" sinamaan ko sya ng tingin pero agad akong napangiti nang makita ko ang pag pisil nya sa mga daliri nya. Kinuha ko ito at nakangiting asong tinignan siya. "Kinikilig ka ba?"

"Psh. I don't know" Ani nito. Inirapan ko naman siya. "But thank you for liking me back and of course I like you more" tumingin ako sa kanya at napakagat ng labi.

Pakshet! Kinikilig ako! Enebe nemen ke--

"Hyein?" Sabay kaming napaharap sa likod namin, nang may mag salita na babae.

Maganda, sexy, makinis at siguro mayaman 'to. Naka IPhone eh, ako kasi naka cherry mobile. Tiningnan ko ang cellphone ko at napakibit balikat. Ayos naman pala cellphone ko eh.

"Shannon?" Lumingon ako kay Hyein ng mag salita ito. Tsk. Magkakilala pala sila?

"How are you? Namiss kita!" Sabay yakap nito kay Hyein. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Namiss din kita" sagot ni Hyein at yumakap ng pabalik kay Shannon. Anak ng pating?!

Me: You know it breaks my heart?
Shannon: So baby pull me closer

Napailing naman ako sa iniisip ko. By the way, para akong hangin dito.

Humiwalay si Hyein sa pagkakayakap kay Shannon at hinawakan ito sa balikat. "Andito ka na pala?" Ayy hindi Hyein, wala pa! Wala pa talaga promise!

"Yep, actually kararating ko lang. And you know what, I didn't tell to you that I will be back here in the Philippines kasi gusto kitang sorpresahin. So surprise!" Sabay tawa nito ng mahinhin na halos ikalaglag ng panty ko. Bakit pag natawa siya ang ganda pa din nya?

"Ahemm" tikhim ko na ikinagulat nang dalawa. Wow? So nakalimutan ni Hyein na nandito ako.

"And who are you?" Tanong ni Shannon. Kumamot naman ako sa ulo dahil diko alam ang isasagot. Sino nga daw ako? Ako?

"I am the daughter of my parents" sagot ko na ikinatawa ni Hyein sa kabilang gilid. Tinignan ko naman sya ng masama na nakapag patigil sa kanya.

Muli akong humarap kay Shannon nang nagsalita ulit 'to.

"Seriously? Huh?" Sabi nito ng sarkastiko. Hinahamon ba ako nito?! "I'm serious, Girl, what's your name?"

Tumikhim ako at muling nagsalita "You asked who am I? Well, Im Chenelle Andie Collin and ako nga pala ang kasama nyang kayakap mo kani-kanina lang. And you know what? A while ago at 10:52 am, he admitted that he likes me and I also like him. We like each other! We are mutual!" Sabay hawak ko sa dibdib ko.

"Are you okay?" Nanlaki ang mata ko ng hawakan nya ang braso ko. Naguilt Ako sa mahabang speech ko. Ang bait nya!

"Babes Chen?! Okay ka lang ba? Ha? Iuuwi na lang kaya kita?" Nag aalalang tanong ni Hyein sabay hawak sa muka ko.

Napaiwas naman ako ng tingin sa ginawa nya. "O-okay lang ako" sagot ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Are you sure? Iuwi na lang kaya kita sa bahay nyo?" Hinawakan nya ang kamay ko at itinaas ang baba ko. "May masakit ba sayo?" Tanong ulit niya. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ang OA, humawak lang ako sa dibdib ko at hiningal ng slight tas makapag alala agad?

"Joke lang naman kasi yun eh!" Sambit ko at kumamot sa ulo.

"Aisshhh! Don't do that again!" Napatikom ang bibig ko ng sumigaw si Hyein. "Huh?" Tumango ako ng dahan dahan at napangiti ng patago.

Nag alala sya! Kyaaahh!

Napatingin ako kay Shannon ng maramdaman Kong nakatingin sya sakin. Napataas ang kilay ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya.

"God! You almost killed me." Sabay hawak nito sa dibdib nya. Isa pa ito! "Hayss By the way, I'm Shannon Courtney, Hyein's cousin and nirinig ko sayo na Hyein's admitted that he likes you and you also likes him. And You like each other and oh, Your both feelings are mutual! Hahaha! That's so cute!"

"Shan!" Sigaw ni Hyein na ikinatigil ng PINSAN nya.

"Ohh I'm sorry" Ani nito. Napatingin ako sa tenga nya dahil namumula ito. Baka napahiya lang he he!

And pinsan pala 'to ni Hyein! Bakit ba naman kasi hindi agad sinasabi nitong bwisit na lalaki na 'to!

Tumingin ako sa direksyon nya at napansin ko ang pagtawa nya habang nakatingin sa akin. "Shut up!" Sabi ko ngunit walang tunog na lumalabas.

"Selos kasi agad" ani nito ng pabulong.

What!???

****

XANDER'S POV

"Hi babe!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng isang babae.

"Babe!" Bati ko at yumakap sa isa kong chiks, diko alam pangalan nya kaya babes na lang. Sa dami ba naman kasing babaeng nagkakandarapa sa isang Xavier na katulad ko?

Idinikit nya ako sa poste at hinawakan ito at hinimas. Napangisi ako sa ginagawa nya. She's so wild.

"BITAWAN MO ANG GIRLFRIEND KO!" Sigaw ng isang lalaki bago ako makatanggap ng isang napakalakas na suntok mula sa kanya na halos ikatumba ko. Ngumiti ako at pinunasan ang dugo na dumaloy sa labi ko.

"Hayup ka!" Sigaw ulit nito at nakatanggap nanaman ng suntok, ngunit sa tiyan ko nya ito pinatama. Natumba ako dahil sa lakas nito.

"Tama na!" Humahagulgol na sabi ng babae habang hinaharangan yung boyfriend nya.

"Sino ba ito ha?!" Bigla akong napatayo at binigyan ng suntok yung lalaki nang akmang sasampalin ng gagong 'to yung girlfriend nya.

"Ano?! Sasaktan mo itong girlfriend mo?! Anong klase kang boyfriend nyan ha?! Gago ka pala eh!" Sigaw ko at sinuntok pa ulit siya sa tiyan.

"Tama na!!" Ani nung babae.

"Wala kang pakealam don! Siya na lamang ang meron ako kaya manahimik ka!" Sigaw nito at humawak sa tiyan nya. Napatigil ako ng may tumulong luha sa mata nya.

"I'm sorry, Chlyde. I-im sorry" Umiiyak na sabi nung babae. "Please" humawak sya sa kamay nung Chlyde.

"Its okay. Dont cry baby. Ugh!" Napatingin ako kay Chlyde ng dumaing ito. Lalapitan ko na sana sya ng bigla syang mag salita "Don't mind me, just go"

Muli akong napatingin sa kamay nya na nakatiklop at nakahawak ng mahigpit sa tiyan nya.

"But--"

"I'm freaking fine. Nag aalala ka pang hayop ka, pagkatapos mo ako suntukin" ngumiti ito at tumango.

"Tch. Ikaw din naman"

Pag kauwi ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Kanina pa akong hindi matulog kakaisip dun sa Chlyde na yun. Bakit ba hindi mawala wala sa isip ko yung nangyari kanina? Bakit ba pakiramdam ko may mabigat syang dinadala? Hindi sa concern ako pero shit lang! Feeling ko talaga eh. Kasi nung nakita ko ang pag hawak nya sa tiyan nya may kakaiba.

Psh.. Nakalimutan ko! Sinuntok ko nga pala sya don. Gago kasi!

Aishh! Kung ano ano nanaman iniisip ko, nasasayang nanaman ang KAGWAPUHAN KO.

Bumangon ako sa kama ko at humarap sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko at kumindat sa salamin.

Gwapo pa naman pala eh!

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon