Chapter 19

72 2 0
                                    

Chen's POV

"Hyein!" Tawag ko sa kanya habang nag mamaneho. Humarap sya agad sa akin at umirap.

Aba! Problema nitong dugyot na ito.

Pero kasi naman eh! Kinakabahan talaga ako, kasi ipapakilala daw nya ako sa parents nya then isasama pa daw si Shannon. Nakakahiya kaya!

"Just relax! Kanina ka pa Hyein ng Hyein dyan, alam ko ang pangalan ko kaya tama na" nagbuntong hininga na lamang ako at tumango.

"Okay po McKenzie" Sabi ko at bigla naman syang tumingin ng masama. "What?" Tanong ko at umirap. Daming problema ng lalaking 'to.

"Nothing, Ang ganda mo kasi. Your clothes are cool, a jeans and a T-shirt and have a printed of a cupcake. Pshh!" Sarkastikong sabi nito. Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Okay na sana yung nothing, Ang ganda mo kasi. Medyo nakakarindi lang yung sunod. Hmp! Wala kang pake kung ito lang yung suot ko, Pshh!" Panggagaya ko sa kanya.

Problema ba kasi nitong lalaking 'to? Ipapakilala pa kasi ako eh! Tas idagdag pa si Shannon Courtney na sexy. Pag naririnig ko yung pangalan na yun, naalala ko nanaman yung nangyari sa mall last week, napaka epic ko dun.

(After 30 minutes)

"Hey Babes! Wake up! Andito na tayo" naramdaman ko ang isang napakalambot na kamay ma dumapo sa palad ko kaya naman kinuha ko ito at inilagay sa pisngi ko.

Nagising ako ng may marinig akong isang boses na nag pipigil ng tawa.

"Pfft!"

Pagmulat ko, nakita ko ang isang kamay ng lalaki na nakadikit sa pisngi ko. O my gulay sa bahay kubo! Sino ang naglagay ng kamay nya dito?! WAAAH! Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

Nanglaki ang mata ko at nagulat sa mga hindi ka nais nais na nakikita ko, kaya naman kinagat ko ang kamay ni Hyein.

"AAHHH! FVCK! OUCH!" Inda nya nang kagatin ko ang kamay nya. "WHAT THE? WHY DID YOU BITE ME?!" Sigaw nya.

"Kasi nakalagay yang kamay mo sa muka ko tapos hawak mo pa yung isa kong kamay" mahinang sabi ko at nag ngatngat ng kuko.

"Eh ikaw nga itong humawak sa kamay ko!" Sigaw nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin at kunwaring susuntukin siya.

"Napaka feeler mong dugyot ka! Hindi ko yan hinahawakan!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko naman ang paggulo nya ng buhok at pag pikit ng mariin.

Sasamaan na nya sana ako ng tingin pero tumigil siya ng akma ko syang susuntukin ulit. Nagdabog naman sya at sumilip sa bintana ng kotse kaya napasilip na din ako.

Mall?

"Hoy Hyeiny babes bakit tay---" haharap na sana ako sa kanta pero wala na sya sa driver seat at nakita ko na lang sya nag naglalakad na sa entrance ng mall.

Ughhh!

Lumabas ako ng sasakyan at padabog na sinarhan ang pinto nito. "HOY LINTIK KANG DUGYOT KA! INTAYIN MO AKO!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin naman sya sa direksyon ko at nag smirk. Nahagip ng patingin ko yung mga haliparot na babae na muka namang itik na ginawang poon yung isang pang babae dahil napadikit sa balikat nito si Hyeiny babes ko sa braso nya. Yun namang nadikitan, halos mahimatay nya.

Dahil sa inis ko, lumapit ako sa kanila at nag pameywang. "Hoy mga babaeng mukang itik na prinito sa ihawan!"

Teka? Pwede ba mag prito sa ihawan?

"Hindi pala pwedeng iprito ang itik sa ihawan! Take 2!" Umayos ako ng tayo at muling nag pameywang. "Hoy mga babaeng mukang itik na sinabawan! Ang haharot nyo! He is mine. Note it on your all itiks mind. Hey Hyeiny babes, wait for me!"

Napangiti naman ako ng humarap sa akin si Hyein at lumapit. Nang hawakan na ni Babes Hyeiny yung kamay ko, dinilaan ko yung mga itik na sinabawan.

"Pshh!" Dinig ko dun sa isang babae. Pinakita ko naman sa kanya ang kamay ko at hinila na si Babes Hyeiny.

***

"Mana kana talaga sakin Babes Chen" Ani ni Hyein. Nginitian ko naman sya ng hanggang tenga at nakita kong napatigil sya. "Wag kang ngumiti ng ganyan mas lalo pa akong naiinlove sayo nan" Namula naman ako sa sinabi nya at inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko.

Kyaaahh!! Keshe nemen eh! Kinikilig ako! Pero wag pahalata.

"Naku! Corny mo ha. And yung kanina? Acting lang yun! Kaya wag lalaki yang ulo mo ha? Aber?" Sabay pingot ko sa matangos nyang ilong. Napangiwi naman sya.

"Acting lang? But you look so pissed off to them. Pinakita mo pa yang kamao mo. Anong klaseng acting yun, aber?" Panggagaya nya sa boses ko.

Hays! Oo na nga kasi!

Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko "Tara!" Sabay higit nya sa akin at dinala ako sa isang mamahaling bilihan ng mga damit.

"Goodafternoon sir" bati nung sales lady. Tiningnan ko naman siya at pinanglakihan ng mata.

"Ako? Di mo ba ako babatiin ng good afternoon o ako na lang ang babati sayo? Ohhh! Hi miss goodafternoon" sabay ngiti ko ng sarkisto. Nako! Ang sakit sa bangs

"I'm sorry ma'am"

Ilang beses ko bang sasabihin sayo anak na wala kang bangs?

Napailing ako ng biglang lumabas sa isip ko si Mama. Wala nga pala akong bangs.

"Enough" bulong sakin ni Hyein. "Wag ka kaagad mag selos, ikaw lang naman ang gusto ko" bulong nya ulit na ikinakamatis ng muka ko.

"Ekey bebe Hyeiny, ene beng genege-"

"Pshhh shut up" mahinang sabi nya kaya naman nanahimik na ako. Taray kasi eh.

"Pakikuha nito, ahm here and here and eto , eto, tsaka this one and also this one. Ohh and lastly this one" Napanganga ako sa mga pinagpipili ni Hyein. Lahat naman ng pinili nya at kinuha nung babae. Ang dami ah?

"Psst! Babes Hyeiny, kanino ba yan?" Bulong ko sa kanya at tinuro naman nya ako. Sakin?

"Anong aki---" diko na natuloy ang sasabihin ko nang hilahin ako nung babae papasok ng fitting room.

"HEY WHY DID YOU PUSHED HER WITHOUT ANY PERMISSION OF MINE?! YOU'RE FIRED!" Sigaw nya na ikinagulat ko. Nakita ko naman ang pagkalungkot nung babae at nag sorry. Kawawa naman huhu!

"Sir please give me-"

"I said you're fired! Didn't you hear it?" Sigaw nya. Agad namang umalis yung babae.

Si Hyein ba ang may ari nito? Astig! Pero kawawa pa din si ate.

May isa pang babae na nag assist sakin at pinasuot sakin ang isang dress at isanh heels. Lumabas ako ng fitting room at pinakita ito kay Hyein.

Tumingin ito sa akin at------

****
(A/N)

Cut! HAHAHA!

ABANGAN!

VOTE AND COMMENT!

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon