Chapter 2

102 4 0
                                    

Chenelle's POV

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni X. Nakita ko ang mga tao na nagulat sa ginawa namin. May nakita akong lalaki na nakashades at napatingin ako sa reflection ng salamin nya. Nanlambot ang mga tuhod ko at pumatak ang mga luha ko.

Napahigpit ang kapit ko sa likod ng uniform ni X.  Ang sakit palang makita ang mahal mo na masaya sa piling ng iba. Nakakatawa kasi nasasaktan ako kahit na wala akong karapatan. Kumalas ako sa pagkakayakap ni X at tumakbo kung san.

"Chen!" Sigaw ni Meg pero hindi ko na sila pinansin at dumeretso sa C.R at soon umiyak.

Ngayon alam ko na kung bakit nanlulumo ang pretty girls, alam ko na din kung bakit hinahawakan ni Meg ang balikat ko at alam ko na kung bakit ayaw nila ako paharapin. Dahil makikita ko pala ang crush ko Simula nung grade 3 na may kasamang babae at ayon sa na rinig ko kanina. Gf daw daw ni Tristan.

Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko kahit na pinipigilan ko ito. Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak pa rin ng umiyak sa loob ng c.r. Bakit ba sa c.r pa ako napunta?! Ang palot eh! Huhuhuhu! Pinikit ko na lang ang mata ko dahil ang bigat na nito.

Nagising ang buong diwa ko ng may marinig akong lalaki na kumakanta. Nakatulog pala ako. Bigla naman akong napatayo ng maalala kong may klase pa nga ako at... TEKA?! BOSES NG LALAKI!? EH DIBA NASA GIRLS C.R AKO?! Hala! Baka manyakin ako nun! Baka!

Lord, may pangarap pa po ako sa buhay, ayoko pa pong magkaanak, gusto ko po ay kamuka ng mga kpop idols ko ang magiging anak ko. Gusto ko po munamunang makatapos ng pag aaral bago ako mabuntis ng lalaking ito. Huhuhu!!

Kalma! Kumalma ka Chen! Kaya mo yan. Hindi ka pa mabubuntis. Singit naman ng utak ko.

Dahan dahan Kong binuksan ang pinto ng c.r. at tiningnan kung nandito pa yung lalaki.

"WAAAAAAHHH!! MANYAAAKK!" sigaw ko na ng biglang lumitaw sa harap ko yung lalaki. "MANYAAAAAKK!! WAAAHH!! TULONG! Agbgsbwts" nagulat ako ng biglang takpan ng lalaki ang bibig ko at hinigit sa labas ng c.r.

"WAAAHH!! MAMA! PAPA! PATAWADIN NIYO KO SA MGA KASALANAN KO SA INYO! MAHAL NA MAHAL KO KAYO! MAMA SORRY KASI DUMUKOT AKO SA WALLET MO NUNG ISANG ARAW, WALA NA PO KASI AKONG PANG SHOPPING NON EH. PAPA SORRY KASI AKO TALAGA YUNG KUMUHA DUN SA CHOCOLATE NA IREREGALO MO SA INAA----"

"Hoy!" Sigaw nung lalaki habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

"WAAAAHH!! MANYAK! JSNWJF” Hindi na naman maintindihan ang sinasabi ko dahil tinakpan nanaman nya ang bibig ko.

"Hindi Ako ang manyak! Baka ikaw ang manyak babae! Pede ba? Basahin mo muna yung sign na nasa pinto ng ng C.R. Nakalunok ka ba ng mic ha? Ang ingay mo kasi!" Sigaw nya at Sabah turo sa malaking sign na nakasulat ay "BOYS COMFORT ROOM"

"Oh? Tama naman yung pinasukan ko ah! Ikaw! Ikaw ang-----" F*ck! Aishhhh!! Ang tanga mo Chenelle! Boys comfort room yun Chen! Ugh!

Napatampal naman akong sa noo ko at napayuko. Ramdam ko naman ang pamumula ng muka ko dahil sa kahihiyan.

Nakita ko naman NA ngumisi si lalaki at sinabing "Ano? Sinong manyak sa atin? Maganda ka na sana, tanga ka lang" nagpamulsa si lalaki at naglakad na palayo pero ako? Nanigas sa kinatatayuan ko.

***

Nang natauhan ako, pumunta na ako sa classroom ko. Grabe, 2subject na pala ang na missed ko. Lagot ako ne'to. Nasa tapat na ako Nang classroom namin, kumatok ako at dahan dahang binuksan ang pinto. Agad na bumungad asking ang prof namin.

"Why are you late miss...."

"Chenelle Andie Collin po Ma'am!" Proud na sabi ko habang nakangiti.

"Why are you late miss Collin? 2 subjects agad ang namissed mo ngayong unang pasukan" napawi naman ang ngiting proud ko.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa direksyon ko at ang pretty girls naman ay nakangisi sa akin.

"Sorry po Ma'am, di na po mauulit"

"Okay, doon ka na lang maupo sa likod SA kanan"

Habang naglalakad ako sa uupuan ko, bigla akong napatingin kay Tristan at dun sa mukang itik nyang gf. Agad kong inalis ang tingin Sa kanila dahil may nagbabadyang luha sa aking pretty little eyes.

Umupo agad ako sa likuran at nagulat ako nang biglang bumukas ng malakas ang pinto ng room namin.

"Anong problema mo Mr. Gonzales?!" Sigaw ng prof nmin.

"Tss" tanging sagot nito. Bastos to ah! Bad yon!

Teka! Parang familiar tong lalaking to ah. Pogi sya kahit madumi ang damit nya.

"Alam mo manyak girl, alam kong gwapo ako kaya pede ba? Tss" sabi into sabay upo sa tabi ko. Ang yabang naman nitong dugyuting ito.

"Dugyot ka naman" bulong ko sa sarili ko

"Ano?!" Sabi into habang pinaglakihan ako ng mata.

"Ms. Collin and Mr. Gonzales! Get out of this room if both of you is having a war right now! Don't disturb our class!" Sigaw nito. Taray ni ma'am! Kabog na si mama.

"I'm sorry ma'am" mahinahong sabi ko. Habang si dugyutin naman ay lumabas na nga ng classroom. Aishhh!!!

***

(A/N)

Manyak vs. Dugyot! Hahaha

I need your vote and comments please😷

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon