(A/N)
Xander's photo above 👆👆.. Pogi no? Hahaha
*****
Xander's POV
Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko ito at binasa ang nag text, si Chendie pala.
From: Chendie Panget :*
X! Gising kana! Papunta na kaming mga magaganda mong bestfriends sa school. Punta ka na din ha, ingat sila sayo! Muah!
Napangiti agad ako sa text ni Chendie. Chendie tawag ko sa kanya kasi. Chenelle + Andie = Chendie hahaha. Cute diba? Parang ako, cute!
To: Chendie Panget :*
Sige, babangon na ako Basta bawiin mo yung sinabi mo na maganda kayo. ;)
From: Chendie Panget :*
Che! Bumangon ka na dyan at maligo at mag toothbrush at magpagwapo ha!
To: Chendie Panget :*
Di na kailangang magpagwapo ang isang tulad ko kasi gwapo na naman ako.. Tapos ang pangit nyo :*
Tumayo na agad ako at naligo. Pagkatapos ko maligo at magbihis dumeretso na ako sa sasakyan ng dad ko. Kainis! Alam ko naman na kaya maaga si Chendie kasi gusto nya na siya ang unang makakita sa panget na crush nun..
Habang papasok ako ng school, nakita kong nagkalat ang mga cartolina na may nakasulat na para kay Tristan na panget, gusot ang mga ito at habang nalalakad ako ay nakasalubong ko ang pretty girls. Mga nakabusangot ang muka nila pero nung tumingin sa akin, biglang lumabas ang mga ngiti nila sa akin. Ang gwapo ko talaga!
"Hindi ko akalai na may girlfriend na si Tristan, Grabe! An sweet nila"
"Manahimik kang bakla ka! Nag seselos na nga ako eh!"
"Totoo naman ah"
Napakuyom ang kamao ko sa naririnig kong usapan ng dalawang bakla sa tabi tabi ko, alam kong masasaktan si Chendie kapag nalaman nya ito. Makulit ako at masayahin, pero kapag seryoso na, hinding hindi nila ako mapapangiti, pero syempre more gwapo pa din.
Agad kong hinanap ang dalawa at nang nasa field na ako, nahagip ng paningin ko si Tristan at may kasamang babae at magkahawak pa ang kamay nito. Nagulat naman ako nang makita ko si Chendie at Meg na nasa harap lamang ni Tristan at nung babae. Agad akong tumakbo papun kana Chendie nang akma siyang haharap sa pwesto nina Wayston.
"X!" Sigaw nya sakin habang nakangiti ito.
"Wag kang humarap Chendie" sabi ko habang hingal na hingal.
"Ano bang nangyayari? May bawal ba akong makita?" nalilitong sabi nito. Haharap na sana sya nang bigla ko syang yakapin.
Niyakap ko sya, para hindi nya makita ang mahal nya na may mahal na iba. Wala na akong pakealam kung sino ang nakakakita sa amin. Naalala ko nung grade !kami, sinurprise ni Chendie si Tristan pero tinapon lang nya ito. Chendie, bakit ka pa kasi nagkagusto sa gagong yan, hayysss! Nababawasan tuloy kagwapuhan ko!
***
BINABASA MO ANG
Endless Love
Novela JuvenilEvery relationship has it's problems but what makes it strong is when you still to be in it when everything is sucks. --------------------- "Chenelle Andie Collin, How many times I will tell to you that you're always the first and the last thing on...
