Tory's photo
***
Chenelle's POV
"Psst! Chen" Kanina pa talaga itong si Meg, kanina pa ako tinawag ng tinawag at kinulbit eh.
"Ano?"
"May nakita akong pogi kanina na kasama mo, sino yon ha?" sabay taas ng kilay nya. Mga pogi? Waaaahh!! Sina Hyein, Tory,Kai, Pat and Warren ba ang tinutukoy nya? Yiieee
"Hoy! Babae, ano yang mga ngiting tagumpay na yan ha? By the way, Chen ang ganda mo ata ngayon?" sabay hagod nya sa shiny and silky hair ko. Alam ko yang mga kilos na yan. "Chen, Ang ganda pati ng hair mo" Sabay ngiti sa akin. "Pakilala mo naman ako dun sa mga pogi na kasama mo kanina" SABI NA! (#>_>)
"Ang galing mo mang bola, ano? Grabe ka talaga pagdating sa mga boys na pogi"
"Ihhh! Bilis na! Minsan na nga lang eh" sabay dabog nito. Aba! Mag rerequest na nga lang ay galit pa.
Dahil napaka bait kong nilalang "Oo na! Basta wag kang makulit doon sa mga yun ha" sabi ko habang nag pamewang, nakita ko naman ang ngiting abot Saturn nya. Tsk!
"Yiiieeee Thankish!" Tumango ako sa kanya. "Psst!" Jusko Lord, eto nanaman ang kulbit at psst psst nya.
"ISA PANG PSST MO PAPAUWIIN NA KITA SA BA----"
"Nakita kita kanina na kayakap si Huwe.. Ahhh.. Hiye.. Haye.. HYEIN! HA! Nakita ko yun Chen. AYIIEEEE!"
"Hu-Huh? A-ako kayakap si-si Hyein? Hi-hindi Ah!"
"Anong hindi! May ebidensiya si Meghan the detective no! Eto, wait" sabi nito habang nag scroll sa gallery nya. Pano nakita nitong si Meg, AISHHH!! KAINIS!
Napaharap ako sa cellphone nya ng iharap nya ito sa akin " Eto oh!" naging mata ng kwago yung mata ko at ramdam ko ang pag init ngpisngi ko kaya nagtaklob ako ng unan. Waaaaah! Pano nya na picture-ran yun?Akala ko ba wala nang tao nung oras na iyon. HUhuhuhu!
"Ano? Aamin ka na? Ayiieee" sabay sundot nito sa tagiliran.
"Tsk! OO NA NAKA YAKAP NGA AKO!" kitang kita na naman nya tinatanong pa. Tange din sya eh.
Hyein's POV
"Hyein, Ang cute ni babes Die" sabi nitong si Patrick. Habang nang iistalk ng facebook ni Chenelle Andie.
"Ano naman?" tanong ko at nag shoot ng bola sa ring. Nag shoot naman ito
"Ayiieee, Paarte arte ka pa dyan pero yung totoo naman kumakabog kabog ng yang puso mo. Kapag tumibok ang puso! Hey! Wala ka nang magagawa kung di sundin ito" Binato ko naman ng bola sa ulo si Warren dahil sa kabaklaang ginagawa nya. Ako maiinlove don sa babaeng yun? Tsk EWAN!
"Isa pang asar nyo, Bubugbugin ko kayong lahat!" Sigaw ko. Nagtawanan naman yung apat.
"Nag selos ka nga nung pinisil ni Babes Chen yung pisngi namin ni Kai eh"
"Oo nga, tapos sabi mo pa nga nung pinitik ni babes Chen yung noo mo ISA PANG PITIK MO PAPAKASALAN KITA tapos sabi mo pa TUMIGIL NA DAW KAYO SABI NG FUTURE WIFEY KO" At nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Kai. Kinuha ko naman yung mga bola sa sahig at isa isang pinag babato sa kanila.
"Talaga!? Nagmamahal na ba ulit itong si Haring Mckenzie?" Binato ko naman kay Pat yung bola at tumama sa tiyan nya "ARAY KO!" Tsk! Buti nga sa kanya.
"ISA!" Napatingin naman ako kay Kai ng sumigaw ito at tumayo habang kumekembot. Bakla na talaga ito.
"DALAWA!" Si Tory naman ang tumayo at Kumembot. Ano ba nangyayari? Bakla na ba itong mga 'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/86564929-288-k846650.jpg)
BINABASA MO ANG
Endless Love
Teen FictionEvery relationship has it's problems but what makes it strong is when you still to be in it when everything is sucks. --------------------- "Chenelle Andie Collin, How many times I will tell to you that you're always the first and the last thing on...