Chapter 3

105 3 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school. Pupunta ako sa library kasi may homework ako na isesearch sa book.

Hanggang ngayon di pa din mawala sa isip ko si Tristan. Nalulungkot pa rin ako sa nangyari kanina.

"Girls, Andito pala ang kaninang kanina pa hinahanap ng kanyang mga best friends. Huh! I'm sure na Xander will hate her, dahil sa kaartehang ginawa nya kanina" that voice! Angelica, ang leader ng pretty girls.

Dumeretso lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. Pero napaaray ako ng may humila sa buhok ko.

"Ano ba Angelica! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang pinipilit kong Alisin ang kamay nito sa buhok ko. Hindi ko kayang lumaban sa ngayon.. Hindi pa.

"Girls hilahin nyo din ang buhok nya!" At ayun nga ang ginawa ng mga alepores nya. Nakikita ko na pinagtitinginan na din kami ng mga estudyante, at isa isa na ding nagpatakan ang mga luha ko.

"Bitawan nyo na ako"

"Bakit ka namin bibitawan?" Sabi naman ni Blossom, ang co leader. Ngumisi naman sakin si Angelica at lalo pa nitong hinigit ang buhok ko.

"Aray! A-ano ba Angelica! Hindi pa ba kayo titigil sa pananabunot nyo?!" Halos mapaos na ako kakasigaw. Tulong please...

"Please" mahinahon kong sabi habang patuloy pa din ang pananabunot nila sa akin. Laking pasalamat ko naman ng bitawan nila ang buhok ko. Pero nagulat ako na ng nakita ko ang palad ni Angelica na palapit sa muka ko. Mariin kong pinikit ang mata ko at hinintay ang sampal nya.

"Anong ginagawa nyo kay Chendie ha?!" Napamulat ako ng mata at Ewan ko ba. Muling dumaloy sa muka ko ang mga luha ko.

"Wala naman babe Xander, inaaway nga ako ni Chenelle eh. Look at my hands oh, pasa" sabi nito at pinakita nya ang kamay nya n may pasa nga.

"X hindi a----"

"Putangina! Wala akong pakealam kung may pasa ka Angelica" sabi ni X at hinila ako papuntang likod nya. "Okay ka lang ba Chendie?" Nag aalalang tanong nito. Tumango lang ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Pathetic!" Sigaw ni Angelica at umalis na.

"Wag mo na silang pansinin" Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

Umupo kami sa ilalim ng puno at katahimikan ang namamagitan sa amin ngayon. Napahawak ako sa ulo ko na ng kumirot ito. Dahil siguro sa sabunot nila sa akin. Napatingin naman si X sa akin at halata mo sa muka nya ang pag aalala.

"Ayos ka lang ba?" Cold na tanong nya. Tumango lamang ako at yumuko.

"Good" mahinahong sabi ni X.

Katahimikan.....

"San ka nag punta kanina?" Napaharap naman ako sa direksyon nya, habang sya ay nakatingin sa kawalan.

"Sa tabi tabi lang"

"Hmmm" tumango siya. "Alam mo bang pinag alala mo ako? Kami ni Meg? Alam mo bang kung saan saan ka naming hinanap? Alam mo bang hindi na kami nakapasok kanina dahil kung San San kami pumunta, para hanapin ka?"

"Sorry" napayuko ako at tumulo nanaman ang luha ko. "Sorry na, sobra lang siguro akong nasaktan, X. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa taong sa una pa lang ay alam mo nang hindi ka talaga gusto, Bakit ba kasi ako sa taong ni minsan ay hindi napansin ang kahit anong efforts ko. Umasa pa din akong balang araw tatanggapin na nya ako" tumawa ako ng bahagya habang umiiyak. "Sorry kasi pinag alala ko pa kayo, sorry kasi napagod kayo kakahanap sa akin, Sorry--" Diko na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko na wag umiyak. "So-rry X" mamaos Maos kong sabi. Niyakap ko ang bag ko at doon umiyak.

Naramdaman ko naman na hinaplos ni X ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya.

"You don't have to say sorry.. Hayss alam mo Chendie muka ka nang bruha. Lalo na kang pumapanget eh" tumatawang sabi nito.

"Salamat X"

"Umayos kana dyan baka akalain ng mga baby girls ko ay may kasama akong luka luka" sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Grabe ka talaga sa akin" sigaw ko at hinampas ko sya ng mahina pero niyakap ko sya at niyakap din ako pabalik.

"Ayaw kong nakikita kitang mahina Chendie. Kalimutan mo na sya"

"I promise" sabi ko.

***

"Tapos pumunta pa kaming likod ng building, tapos si X sobrang panic na dahil sayo, tapos nung tumatakbo ako para hanapin ka may nakabungguan akong pogi tapos my gosh! Chen ang hot grabe! Tapos parang nag slow motion Yung paligid nmin tapos biglang nawala Yung slow mo dahil kay X. Binato ba naman ako tapos sabi dun sa lalaki tomboy daw ang tunay kong kasarian. Nakakainis talaga si X kahit kailan! Paki join! Ako Tomboy?! Wow! Sa ganda kong ito?" Paliwanag ni Meg habang nagawa kami ng home works. Andaming kwento --__--

"Tapos alam mo ba Chen---" tumigil sya sa pagsasalita at tumingin sakin dahil napapansin nya siguro na wala akong pake sa mga sinasabi nya. "Hoy!" Sigaw nito. Nagulat naman ako ng may makita akong tsinelas na lumilipad papunta sa direksyon ko. Pero nasalo ko.

"Ano ka ba Meg ha?" Tumayo ako sa harapan nya at nagpameywang.

"Tao" tanging sagot nito at tumawa na halos ikamatay nya.

"Che!"

"Girls! Xander is here, hinahanap kayo!" Dinig kong sigaw ni mama sa baba.

Binitawan ko naman ng hawak kong tsinelas at tumakbo papunta sa salas.

"X! WAAAAHH!!" ang pogi talaga! Pinisil ko ang pisngi nya.

"Aray ko Chendie! Alam ko naman na cute ako kaya--- Aray!" Binatukan ko nga. Yumayabang nanaman eh.

"Tita si Chendie oh!" Parang bata na sabi nito habang tinuturo ako.

"Hahahaha!! Ang cute nyo talaga! Naku alam nyo bang ganyan ganyan din kami ng tatay mo Chen. Diba honey?"

"Oo nga! Hahaha tapos nag jejelly jelly ka pa nga kasi hindi ko pinipisil yang pisngi mo at Yung classmate lang nating babae ang---- ARAY KO NAMAN HONEY!" hinila kasi ni mama Yung tenga ni papa. Hahaha!! Ang cute nila.

"Ang ingay mo kasi!"

"Totoo naman ah! Tapos nung nag date kami nung classmate nating girl umiyak ka daw kasi--- OO NA TITIGIL NA PO!" sigaw ni papa dahil kinurot ni mama Yung braso ni papa.

Napatawa na lang kami ni X kana mama at papa. Umakyat na kami sa kwarto ko at napatawa kami ng bumungad sa amin si Meg na may kachat habang nakangiti at halatang kinikilig.

"Hoy! Ano yan ha? Patingin nga!" Inagaw ko Yung cellphone ni Meg at binasa ang chat don.

WTH! HAHAHAHA!!

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon