Chapter One

326 65 0
                                    

Paalala
This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places and incidents are product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual events, places, person, living or dead is purely coincidental.
No part of this story may be used or reproduced in any manner without the permission from the author.
Remember... PLAGIARISM is a crime!
All Rights Reserved.
Thank You!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Faith

Simula nang grumaduate si Nina sa high school. She is now fifteen. At pareho na kaming thirty ni Hope.

Palagi niya akong kinukulit na sa Pilipinas niya gustong mag-aral ng college. Tulad na naman ngayon...

"Mommy, please naman. Payagan mo na ako." nakikiusap na sabi ni Nina. Nag-puppy eyes pa.

"Baby, maganda naman ang mga colleges dito. Besides, pagka-graduate mo ikaw na hahawak ng negosyo." sabi ko.

We always call her a baby kasi siya dapat ang bunso. Kaya nakalakihan na naming tawagin siyang baby.

"Mom, alam mong i'm not into businesses. Gusto kong maging flight stewardess. Please, please naman. Payagan mo na akong sa Pilipinas mag-aral, please." naiiyak na sabi niya.

"Maaatim mong iwan ang mommy mong nag-iisa dito?" sabi kong nangongonsensiya.

"Don't give me that crap, Mom. Alam nating pareho na kahit kailan hindi ka mag-iisa dito. 'Andyan si Uncle Nigel at ang mga kamag-anak natin." nanghahaba ang ngusong sabi niya.

Si Nigel ay ang amerikanong boyfriend ko. Three years na kami. Tanggap niya si Nina. Tanggap siya ni Nina.

Gusto niyang iadopt si Nina kapag nagpakasal na kami. Pero ayaw kong gawing komplikado ang lahat.

"Bakit ba gusto mo 'don?" hindi ko na mabilang na tanong sa kanya.

"For the thousandth time, Mom. Mas high quality ang mga Aviation school sa Pilipinas." sabi niya.

"America has a best aviation school too, baby." sabi ko.

"Mom, mas gusto ko sa Pilipinas. Please naman, payagan mo na ako." pagmamakaawa pa rin niya. Napabuntong-hininga ako.

"Ano pa bang magagawa ko. Alam mo namang lahat ng gusto mo ibinibigay ko." nakangiting sabi ko.

"Oh, mommy. Thank you. Thank you so much!" sabi niya sabay yakap nang mahigpit sa akin.

"I love you, baby!" sabi ko.

"I love you more, mom!" sabi niya.

At dahil napamahal na siya sa akin at itinuring ko ng tunay kong anak kaya napapayag ako. Niyakap ko rin siya nang mahigpit.

Hindi ko alam pero, nakaramdam ako nang kaba. Pero iwinaglit ko ang lahat. Walang mangyayaring masama sa anak ko.

Besides, my twin will be there to take care of her. Tinulungan kong mag-impake ng mga gamit si Nina. Ngayon pa lang miss na miss ko na siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SOMEONE

Pilipinas

Nagkakagulo sa isang Aviation university o campus. Nasa harap ng malaking bulletin board ang lahat ng estudyante. Tinitignan nila kung nakapasa sila sa taunang entrance examination ng paaralan.

'Nasa likod ako. Pero hindi ko makita ang pangalan ko. Nagtatatalon ako. Nagsumiksik ako para makapunta sa harapan. Pawis na pawis ako.

Tinignan kong mabuti ang lahat ng papel. Siniguro kong wala akong nakaligtaan o nalampasan. Pero sadyang wala. Wala ang pangalan ko.' Nanlumo ako. Para akong tinalikuran ng mundo.

'Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi ako nakapasa. Lalo akong ibubully ng mga estudyante. Lalo akong kukutyain ng mga tao. Anong gagawin ko?'

Napatingin siya sa school building. Napatingala sa taas nito. Para siyang tinatawag ng kapalaran. Natulala at parang wala sa sariling naglakad. Palayo sa mga estudyanteng hindi magkamayaw o nagkakagulo sa pagtingin sa mga pangalan nila.

Walang nakapansin o walang nag-abalang pumansin sa kanya. Dire-diretso siya sa likod ng school, sa fire exit. Tumaas siya sa hagdang bakal. Hanggang makarating siya sa rooftop ng school building.

Lumapit siya sa gilid. Tumaas. Pinanood ang mga estudyanteng nasa ibaba. Nagkakagulo pa rin sa harap ng malalaking bulletin board. Wala ni isa man ang nakakakita o nakakapansin sa kanya.

'Bakit lahat sila masaya? Bakit ako hindi. Bakit lahat sila nakapasa? Bakit ako lang ang hindi?' tanong ko sa sarili ko.

Wala siyang makuhang sagot sa mga katanungan niya. Napa-iyak siya sa sakit. Tumingala at walang anu-ano'y inihakbang ang isang paa kasabay nang pagtalon mula sa ikalimang palapag pababa hanggang sa mahalamang bahagi ng paaralan.

Bumagsak siyang mulat ang mata. Ramdam ang sobrang sakit mula ulo hanggang paa. Nagdidilim na ang kanyang paningin. Nagsisikip na rin ang kanyang dibdib. Halos hindi na siya makahinga. Pero ang tingin niya nasa iisang taong sobra ang saya.

'Babalik ako. Isinusumpa ko. Uuurk.'

Mapait siyang ngumiti. Kasabay nang paglabas ng dugo mula sa bibig niya. Hanggang mangisay ang buo niyang katawan. At mamatay.

May isang taong nakakita nang pagbagsak niya. Napa-iling na lang 'to. At mabilis na hinila ang bangkay palayo sa lugar na 'yon. Makalipas ang isang oras, bumalik 'to para linisin ang lugar. Pagkatapos linisin. Umalis 'to na parang walang nangyari.

Please continue!
Big thankie for reading! Votes and comments are highly appreciated.

Kindly read also my other stories:
Sniper Assassin,
Taming Sky My Prinsesa,
Demon Hunter,
Abduction.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon