Chapter Eight

108 53 0
                                    

Biglang hinila ni Ace ang isang kamay ni Nina. Nagtagis at napatiimbagang ako dahil napabitaw ako sa kamay ni Nina. Gusto kong burahin ang pagmumukha ni Ace. Pero hindi ko na nagawa.

Dahil napaupo ako sa gulat ng isang puting anyo ang bumungad sa pintuan. At sa isang iglap, naging si nanay Lorraine. Puno ng dugo ang mukha at damit na suot.

Gusto kong umiyak. Pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw. Pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Ngumawa ako, habang papikit-pikit pa. Mistula tuloy akong tanga at baliw sa inaasta ko.

Pumasok sa loob si nanay Lorraine. Itinuro ko siya na 'ganon pa din ang aking reaksyon. Kunot noo at mistulang naguguluhan ang lahat sa 'kin. Hindi nila nakikita ang nakikita ko. Ano bang parusa 'to?

"Miles, umayos ka nga!" sigaw ni Nina.

Umiling-iling ako habang itinuro si nanay Lorraine. Wala pa ring luha sa mga mata ko at wala pa ring boses sa bibig ko. Patuloy akong ngumangawa, patuloy ko ring itinuturo si nanay Lorraine.

"Sandali, may gusto siyang sabihin." sabi ni tatay Ben. Tumango-tango ako habang ngumangawa ng walang sound.

"May nakikita ka?" tanong ni Ace. Tumango-tango ako.

"Andito si nanay Lorraine?" tanong ni Zoe.

Tumango-tango ako at itinuro si nanay Lorraine. Nanlaki ang mga mata nila. At iisang kilos na nagsitabihan sila. Dumikit sila sa mga dingding. Nabigyan ng daan si nanay Lorraine. Dinala ito ng hangin papasok.

"Miles, kausapin mo siya." sabi ni Jem.

Umiling-iling ako. At ngumawa ng walang sound. Kung may sound siguro mas malakas pa. Nanatili akong nakasalampak at itinuturo si nanay Lorraine. Sinusundan naman nila ang pointer finger ko.

"Miles, sundan mo siya. Ikaw lang nakakakita sa kanya." sabi ni Neo. 'Tangnang 'to. Siya kaya ang gumawa. Maiihi na ako sa pantalon ko. Umiling-iling ako.

"Miles, sige na." magkapanabay na sabi ni tatay Ben at Neil. Muli akong umiling-iling. Pumasok sa isang kwarto si nanay Lorraine.

"Miles!" sabay-sabay na sabi ng grupo. Umiling-iling ulit ako.

"Miles, sundan mo siya at kausapin." may diin na sabi ni Nina.

"S-sabi ko nga, s-susundan ko siya at k-kakausapin." sabi ko.

Automatic na napatayo ako. Sumeryoso at inayos ang sarili ko. 'Tangna ulit, bakit kasi hindi ko siya mapahindian. Lumunok muna ako ng maraming laway. Sinuntok-suntok ko rin ang dibdib ko.

Dahan-dahan akong lumakad. Gumalaw sila at nagsisunuran sa likod ko. Pumasok kami sa kwartong pinasukan ni nanay Lorraine. Naroroon pa sa kisame ang taling ginamit niya sa pagbigti.

Para naman kaming hinintay ni nanay Lorraine. Nang makapasok na ang lahat. Dinala ulit siya ng hangin sa isang sulok ng kwarto. Sumunod ako, tahimik na nagsisunuran ang lahat.

Lumuhod si nanay Lorraine. Lumuhod ako, lumuhod din ang lahat. Pero bakas sa mukha ang pinaghalo-halong takot, kaba, pagkalito at hindi pagkaintindi sa mga nangyayari.

"Nakikita niyo na ba siya?" mahinang tanong ko. Iisang kilos na umiling sila. Napapikit ako.

Masuyong hinaplos-haplos ni nanay Lorraine ang sahig. Pagkuwa'y yumuko siya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Hinalikan niya ang sahig. Napakunot noo ako. Inulit-ulit ni nanay Lorraine ang ginawa.

"Tatay Ben, pumunta kayo dito sa tabi ko." mahinang sabi ko. Ayaw kong mabulabog si nanay Lorraine sa ginagawa nito. Dahan-dahan namang pumunta si tatay Ben sa tabi ko.

"May importanteng bagay na nasa ilalim ng sahig. Mistulang mahalaga ito kay nanay Lorraine." mahinang sabi ko.

Akmang susunggaban na ni tatay Ben ang kahoy sa sahig ng pigilin ko siya. Napatingin siya sa 'kin. Umiling ako. Umusog naman si nanay Lorraine para magawa ni tatay Ben ang dapat gawin.

"Sige na, po." sabi ko sabay lingon at tango kay tatay Ben.

Tumango din siya. At dahan-dahang inalis ang mga kahoy. Naalis na niya ang apat na kahoy nang tumambad sa amin ang isang bagay na nababalutan ng puting tela. Nagkatinginan ang grupo.

Napatingin ako kay nanay Lorraine. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin din siya sa 'kin. Sa isang kisap mata ko, nagbago ang anyo niya. Mula sa duguang bangkay. Naging isang magandang babae siya.

"Ang anak ni Lorraine!" umiiyak na bulalas ni tatay Ben.

"Huwag kang mag-alala, Lorraine. Isasama ko siya sa himlayan niyo ng nanay mo." muling sabi ni tatay Ben.

Naalis na niya ang pagkakabalot nito. Napatingin ako sa sanggol. Kusang tumulo ang mga luha ko at nakipagsabayan akong umiyak sa grupo. Napatingin ako kay nanay Lorraine. Karga niya ang espirito ng sanggol.

"Tatay Ben, 'akina ang manika." sabi ko.

Inabot naman niya sa 'kin. Dahan-dahan kong iniabot kay nanay Lorraine. Ngumiti siya habang iniaabot ang manika. Ibinigay niya ito sa tuwang-tuwang sanggol.

"Maraming salamat. Matatahimik na kami." sabi ni nanay Lorraine sa isip ko. Hanggang sa unti-unti na silang maglaho.

"Wala na sila. Masaya na sila at matatahimik na sila." sabi ko sabay punas ng mga luha ko.

"Ang galing mo, Miles!" malakas na sigaw ni Jem sabay yakap sa akin.

Automatic na napatingin ako kay Nina. Nakangiti naman siyang nakatingin sa 'kin. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Jem. At nauna nang lumabas ng bahay. Tapos na ang trabaho ko. Napahinto ako nang may humila sa likod ng laylayan ng t-shirt ko. Paglingon ko...

"Kailan mo sasabihin sa 'kin?" seryosong tanong ni Nina. Bumuntong hininga ako muna ako bago humarap sa kanya.

"Sasabihin ko rin naman sa 'yo, eh." sabi ko.

"Kailan pa!" nagtatampong sabi niya.

"Nina, maililihim ko sa lahat. Pero sa 'yo... sasabihin ko naman talaga, eh. N-naghahanap lang ako ng tamang tyempo." sabi ko.

"Nakakainis lang kasi. Ako ang malapit sa 'yo. Tapos, wala akong kaalam-alam na may power kang ganyan." sabi niyang nanghahaba ang nguso. 'Napangiti ako para pagtakpan na gusto ko siyang halikan.'

"Anong power?" natatawang tanong ko.

"Yong ganyan, may kakayahan kang makakita at makipag-usap sa mga kaluluwa." sabi niya. Nawala ang ngiti ko.

"Akala mo ba madali para sa 'kin 'to. Hindi nakakatuwa na magkaroon ng ganito. Kung pwede ko nga lang alisin 'to sa katawan ko, eh. Matagal ko nang ginawa." seryosong sabi ko.

"H-hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin... Ok. Sorry. I'm sorry." seryosong sabi niya. Hindi naman ako galit. Dahil kahit kailan, hindi ko kayang magalit sa kanya.

"Hindi ako galit. Sasabihin ko rin naman sa 'yo ang lahat." sabi ko sabay ngiti at niyakap siya. Kung pwede nga lang pati nararamdaman ko para sa 'yo masabi ko, eh. Kasi ang hirap ng ganito. Nakakabaliw. Nakakawala ng kagwapuhan.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon