Paglabas namin ng PAC office. Nasalubong namin si Mr.Ricaforte. Tumigil siya sa tapat namin. Nagbigay galang naman kami sa kanya. Pormal ang mukha niya.
"Good morning, Sir." sabay-sabay na bati naming anim.
"Mornin'." ganting bati niya sa 'min.
"Kumusta na po si Daisy." lakas-loob na tanong ko.
"Ok!" sabi niyang hindi ngumingiti.
"Mabuti naman po kung 'ganon." sabi ko.
"Salamat!" sabi niya. Nanlaki ang mga mata namin sabay ngiti.
"Walang anuman po, sir." sabay-sabay na sabi namin.
"Ahm, sir. Sorry po. Ibinabalik na po namin 'to." sabi ni Zoe sabay abot ng record file na kinuha namin.
"Kaya pala nawawala..." sabi ni Mr. Ricaforte.Kinuha ang file at inipit sa kilikili niya.
"Papa!" tawag nang humahangos na si Daisy.
Lumapit ito sa 'min at tumabi kay Mr. Ricaforte. Ibang-iba ang 'itsura niya kumpara kagabi. Malinis, mabango at maaliwalas ang makinis na mukha. Ngumiti ito sa 'min.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Magaling na 'ko. Makakapag-aral na 'ko." sabi ni Daisy.
"Mission namin ang tumulong sa mga nangangailangan." seryosong sabi ni Neo. Napatingin kaming lahat sa kanya. Pinanlakihan lang niya kami ng mga mata.
"Daisy." sabi ni Mr. Ricaforte sabay talikod at naglakad. Pero tumigil sa pangatlong hakbang.
"Miles!" sabi niya.
"Sir!?" sabi ko.
"May isang salita ako. Ibalik mo ang libro at gragraduhan ko ang report na una mong ipinasa." sabi niya.
"Yes, sir." nakangiting sabi ko.
"Pero hindi ibig sabihin na naniniwala na ako sa paranormal." seryosong sabi niya.
"Papa! Halika na nga." sabi ni Daisy. Umabrisyete sa ama. Lumingon sa 'min, ngumiti at kumaway. Sabay na silang naglakad na mag-ama.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lumipas ang isang buwan. Balik na sa normal ang takbo ng lahat. Maliban sa 'min ni Nina. Na habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagtitinginan namin sa isa't-isa. Lalo kaming naging close.
Sabay sa lahat... pagpasok sa school... pagkakain... pagpunta sa library... hanggang pag-uwi sa bahay. Magkasama kami sa lahat. Alam ko may idea na ang grupo tungkol sa 'min ni Nina. Wala lang maglakas-loob na magtanong.
Akala ko, matagal naming maitatago ang relasyon namin. Akala ko, maipapakita ko nang matagal ang pagmamahal ko sa kanya. Akala ko magtatagal ang kaligayahang tinatamasa ko ngayon. Akala ko lang pala... dahil...
Isang sabado...
Maagang umalis si Mama. Naiwan kami ni Nina sa bahay. At dahil sabado, hindi ako maagang gumising. Katulad ng dati, ang mabango niyang hininga ang nagpagising sa 'kin.
Pero hindi na katulad ng dati na itutulak ko siya at tatakbo ako sa banyo. Agad ko siyang niyakap, pilit siyang kumakawala. Hanggang baligtarin ko ang posisyon naming dalawa. Siya sa ilalim at ako sa ibabaw niya.
Hinaplos ko ang buhok niya pababa sa mukha hanggang sa mga nang-aakit niyang mga labi. Nagkatitigan kami. Unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kanya. Kusang pumikit ang kanyang mga mata.
Hanggang magdikit ang mga labi namin. Una banayad lang na halikan hanggang sa lumalim. Hindi ko na rin alam kong 'san ko nakuhang haplos-haplusin ang bawat parte ng katawan ni Nina.
Adik ako sa kanya. At lalo akong nahihigh sa bawat halik, bawat haplos ko sa malambot at makinis niya balat. Bawat yakap niya sa 'kin. Bawat mahinang ungol na lumalabas mula sa kanyang mga labi.
Palitan kong sinisiil nang halik ang itaas at ibabang labi niya. At sa bawat bitaw ay may kasamang sipsip. Bumaba ang halik ko sa baba niya, sa panga, sa tenga hanggang makarating ako sa kanyang leeg.
Bawat halik ay nagsisilbing marka na pag-aari ko si Nina. Kusang lumapat ang kamay ko sa kanyang dibdib. At dahan-dahan ko 'tong pinisil-pisil. Mahinang ungol ang narinig ko kay Nina.
Kaya naglakas-loob akong hubarin ang kanyang suot na t-shirt. Pero bago ko pa man maalis, pinigilan ni Nina ang mga kamay ko. Marahan niya akong itinulak at umupo sa gilid ng kama.
"Mali 'to." mahinang sabi niya.
"Akala ko ba mahal mo 'ko." paos at mabigat ang paghinga na sabi ko.
"Mahal kita, pero hindi sapat na batayan na gawin natin 'to. Mahal kita, Miles... Na hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pinigilan. Hindi ko alam kung bakit hinayaan kong lumalim ng ganito." umiiyak na sabi ni Nina. Napaiyak ako...
"Mahal kita. Mahal na mahal kita." sabi ko sabay yakap sa likod niya.
"ANONG IBIG SABIHIN NITO! MY GOODNESS!" bungad sigaw ni Mama. Sabay kaming napatayo ni Nina sa gulat.
"Ma, please. Calm down..." sabi ko sabay lapit kay Mama para yakapin siya. Pero sinampal niya ako. Naitakip ni Nina ang palad sa bibig sabay hagulgol.
"CALM DOWN? HOW DARE YOU!" sigaw muli ni Mama sabay duro sa 'kin. Umiiyak na rin siya. Nanginginig siya sa sobrang galit.
"Ma, please. Let me explain." umiiyak na sabi ko.
"ANO PANG IPAPALIWANAG MO, MILES. NARINIG KO NA ANG LAHAT!" sigaw ni Mama.
"No, Ma. Hindi mo naiintindihan... hindi mo alam..." sabi ko.
"WHAT? THIS IS INSANE! THIS IS INCEST!" sigaw ni Mama.
"STOP! STOP! STOP!" sigaw ni Nina sabay takbo palabas ng kwarto ko.
"NINA!" sigaw ko at hahabulin ko sana siya...
"DON'T YOU DARE DO THAT!" tiim-baga at mariing sabi ni Mama.
"Mama, please..." pagmamakaawa ko sabay luhod.
"NO! MAGMULA NGAYON PINAGBABAWALAN KONG MAGKITA, MAG-USAP O MAGSAMA KAYONG DALAWA. AND THAT'S FINAL. I'M SO DISAPPOINTED IN YOU, MILES!" sigaw ni Mama sabay labas.
At alam kong narinig lahat ni Nina. Dahil pagkatapos sabihin ni Mama 'non ay ang malakas na kalabog ng pintuan. Nanghihinang napayuko ako sabay hagulgol. Hindi ko alam ang gagawin. Ang sakit. Sobrang sakit.
Hindi ko alam kung ilang oras sa ganong posisyon. Hindi ko rin alam kung 'pano ako nakaupo. At hindi ko rin alam kung ilang oras din ako sa ganitong posisyon.
Hanggang pumasok si Mama na may dalang pagkain. Inilapag niya ang tray sa drawer na nasa side ng kama. Lalabas na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya.
"Ma, please. Let me explain everything." umiiyak na sabi ko.
"Hindi pa ako handang makinig, Miles." mariin at nanginginig na sabi ni Mama.
"Mama....." pagmamakaawa ko.
Pumikit si Mama nang mariin. Pinipigilan niyang umiyak. Marahan niyang inalis ang kamay ko sa kamay niya. Saka walang lingon-likod na lumabas. Muli akong napaiyak. 'Bakit ganito ang nangyari? Ito ba ang kabayaran sa kasalanang nagawa ko? Namin ni Nina?
BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Mystery / ThrillerKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.