"Tita, i will go to school. Hahanapin ko po si Miles. I just can't wait to see him." excited na sabi ko.
Yes, 'andito na kami sa Pilipinas. Hindi alam ni Miles na dadating kami. It will be a big SURPRISE. At wala nga si Miles sa bahay nang dumating kami. Pumasok daw sa school sabi ni Tita.
"Baby, hintayin mo na lang siya dito sa bahay." sabi ni Tita. Nalungkot ako.
"Gusto ko na siyang makita. And besides, gusto ring makita ang mga kaibigan namin. Please, payagan niyo na 'ko. Mommy, Tita." pagmamakaawa ko. Nagkatinginan sila at tumango si Mommy.
"Ano pa bang magagawa ko pumayag na ang Mommy mo." nakangiting sabi ni Tita. Lumapit si Mommy sa 'kin.
"Gusto mong ihatid kita." nakangiting sabi ni Mommy.
"No." nakangiting sabi ko.
"Okay. But promise me, mag-iingat ka. Hindi ka pa totally magaling. And, sabay kayong uuwi ni Miles." sabi ni Mommy. Tumango ako.
"Thank you so much, Mommy." sabi ko sabay yakap sa kanya. Lumabas na ako ng bahay at nagpara ng taxi.
"Take care! I love you!" pahabol na sigaw ni Mommy nang papasok na 'ko ng taxi. Ngumiti ako, kumaway and i mouthed the word i love you, too.
Pagdating sa school. Agad kong hinanap si Miles. Pero hindi ko siya makita kaya nagpagpasyahan kong pumunta sa PAC office. Baka 'andon siya o any member of the group.
Nagtaka ako, sarado din ang PAC office. Hindi naman nila sinasara 'to. Meron at meron isang tumatao dito, just incase na may mag-inquire or manghingi nang tulong.
Naglakad ako hanggang mapadpad ako sa tabing-ilog kung saan ang pa-slide pababa ang sementadong tagiliran ng kalsada. May isang bulto ng tao sa di-kalayuan. Nakatuon ang tingin sa ilog, nasa tabi niya ang motorbike.
Lumapit ako. Tumigil ang mundo at paghinga ko nang mapagsino ko kung sino 'yon. Kusang pumatak ang mga luha ko. Gusto ko tumakbo palapit sa kanya. Yakapin at paliguan siya ng halik.
"M-miles!" tawag ko sa kanya.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon. Nanlaki ang mga mata niya. Rumehistro ang saya sa mukha niya, pero agad ding napalitan ng lungkot. Nangunot ang noo niya at 'tinignan niya ako.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong niya. Lamig na tumagos sa puso ko. Kasabay ng malamig na hanging bumalot sa 'kin.
"I-i'm b-back..." naguguluhang sabi ko.
"I can see that." sabi niya. Pinipigilan kong mapaiyak.
"A-aren't you happy?" naiiyak nang tanong ko. Kasabay nang pandidilim ng langit. Nagbababadyang bumagsak ang malakas na ulan.
"Are you happy?" balik tanong niya sa 'kin.
"Yes, kasi 'andito na 'ko. Kasi nakita na kita." napaiyak nang sabi ko.
"Nakita mo na 'ko. Go home." sabi niya sabay talikod sa 'kin.
"Why are you like that?" umiiyak na tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa 'kin.
"Don't ask me stupid questions na hindi ko alam kung 'pano ko sasagutin." pagalit na sabi niya.
"I thought you love me?" tanong ko.
"That will never change anything." sabi niya.
"Kaya nga 'ko nandito. Everything's already change. All you have to do is listen to me." umiiyak na sabi ko. Nag-ring ang phone niya. Dinukot niya sa bulsa, tinignan, pinatay at ibinalik sa bulsa.
"I don't have time for this. May pupuntahan pa 'ko. And please, Nina. Go home." sabi niya sabay sakay sa motorbike niya.
Tumigil siya muna siya ng ilang minuto. Umaasa akong baba siya and mag-uusap kami. Nag-ring ulit ang phone. Pero hindi na niya pinagkaabalahang tignan. Saka niya pinaharurot ang motorbike.
Nanghina ako kaya napaupo ako. Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Saka ako napahagulgol nang malakas. Inilabas ko ang lahat ng luhang kanina pa gustong kumawala.
Kasabay nang pagbagsak nang malakas na ulan. Nakikidalamhati sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Masakit na masakit. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal sa ulan.
Basta alam ko nanghihina na 'ko. Nanlalabo na ang mga mata ko at nanginginig na ang buong katawan ko sa lamig.
Bibigay na 'ko ng isang bulto ng lalaki ang lumapit at lumuhod sa harap ko. Pinangko niya ako. Pilit kong inaninag ang mukha ng lalaki. Si....."M-miles..." sabi ko sa nangangatal na labi. At nagdilim ang lahat sa 'kin. Nawalan na ako ng malay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Miles Villaverde
Gusto kong balikan si Nina. Gusto ko siyang suyuin. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto ko siyang paliguan ng mga halik. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Pagsakay ng motorbike ko. Pinaandar ko pero huminto ako sa hindi kalayuan at pinakawalan ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Luha ng saya, dahil nagbalik ang buhay ko.
Pero saka ko na aayusin ang tungkol sa 'min. Madali na 'yon, tutal, 'andito na siya. Mas importante ang kailangan kong gawin. Si Ace ang tumatawag at may lead na sila sa assignment namin. Kailangang ito ang unahin ko.
Pero hindi kami natuloy dahil sa lakas ng ulan. Dahil sa kabilang bayan pa naroon ang novelty shop kung saan nanggagaling ang mga pinapadala kay Nina.
Pagkatapos naming magkita ni Ace. Five na ng hapon. Two kami nagkausap ni Nina. Dumiretso na 'ko ng uwi. Masaya ako kasi may lead na kami. At mas masaya dahil makakausap ko na si Nina.
Aayusin ko na 'to. Pangako! Gagawin ko lahat hanggang patawarin niya ako. Hindi-hinding ko siya titigilan hanggang mapangiti ko siya. Bumili pa nga ako ng isang bungkos ng mga red roses.
Hindi pa rin tumitigil ang ulan, pero mahina na. Pagdating sa bahay, nakangiting mukha ni Tita at Mama ang sumalubong sa 'kin. Pero biglang nabalot nang pag-aalala ang mga mukha nila ng hindi nakita si Nina.
"Where's Nina?" agad na tanong ni Tita. Inalis ko ang medyo basang jacket ko. Lumabas pa siya ng bahay saka mabilis na bumalik sa loob.
"Miles, 'asan si Nina." nag-aalalang tanong ni Mama.
"A-akala ko po, 'andito na. Kanina pa kaming two nagkita. At pina-uwi ko na po siya." sabi ko. Binalot na rin nang pag-aalala ang buong katawan ko.
"Two... anong oras na? Five na! Three hours na siyang hindi umuuwi. And it's still raining... At wala siyang dalang payong." umiiyak ng sabi ni Tita.
"What's gotten into you? Bakit hindi mo sinamahang umuwi si Nina? Alam mong kagagaling lang niya sa sakit." umiiyak na rin na sabi ni Mama.
"S-sakit? Anong sakit?" naiiyak na sabi ko.
"For months, hindi kumain si Nina. Dextrose is the only remedy. She gone through emotional and physical depression." sabi ni Tita.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin, Ma. All this time, alam mo kung anong nangyayari kay Nina. Hindi ko alam, wala akong alam. Ginawa mo 'kong tanga. Hinayaan mong tumigas ang damdamin ko." umiiyak ng sabi ko.
"Patawarin mo 'ko. Akala 'yon ang makakabuti sa inyong dalawa..." sabi ni Mama.
"Makakabuti! You only made it worst..." sabi ko.
"Shut the hell up, both of you!" sigaw ni Tita. Natahimik kami ni mama. Hinablot ko ang jacket na hinubad ko kanina at mabilis akong lumabas ng bahay.
"Hahanapin ko si Nina. Tumawag kayo ng pulis." sabi ko at pinaharurot ang motorbike ko.
Kakaibang kilabot, kaba at takot ang nararamdaman ko. Huwag naman sana. Hindi pa sana huli ang lahat. Dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sakaling may mangyaring masama kay Nina.
BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Misteri / ThrillerKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.