Kinaumagahan, sa PAC office...
Nagtipon kaming buong tropa para pag-usapan ang tungkol sa kumakalat na balitang may isang babaeng estudyante ang nagpakamatay sa loob ng campus. Natuwa naman sila 'nong malaman nila ang desisyon ko. Pero kung alam lang nila...
"San tayo mag-uumpisa?" tanong ni Ace. Napatingin ang lahat sa kanya.
"Miles!?" sabi ni Nina.
Napatingin ako sa kanya. Nabaling ang tingin ng lahat sa 'kin. Napatingin ulit ako kay Ace. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. 'This is it. Wala nang urungan 'to.' Nasabi ko sa isip ko. Bumuntong-hininga ako nang malalim.
"Ok, girls. Alamin ninyo kung sino ang estudyanteng 'yon." sabi ko.
"You mean... sa registrar!?" tanong ni Nina. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Aye, aye, Captain." nakangiting sabi ni Zoe sabay saludo pa.
"No problemo." sabi naman ni Jem.
"At tayong mga boys, kukuha naman tayo ng impormasyon tungkol sa estudyanteng 'yon." sabi ko.
"You mean... you mean... you mean..." kunot-noong sabi ni Neo.
"Tang ina, Neo. Ibig sabihin magtatanong-tanong tayo sa mga estudyante kung may kakilala silang nawawala." sabi ni Ace.
"Aaaaahhh, ok. Nagets ko na, bro." sabi ni Neo.
"So, magklase muna tayong lahat then sa free time 'don tayo kumilos. Please be vigilant and secretive... Tayo, ang PAC group at si Dean Francisco lang ang may alam na mag-iimbestiga tayo dahil ayaw niyang kumalat 'to. Hangga't wala tayong hawak na matibay na ebidensya. Mananatiling sarado ang mga bibig nating lahat." sabi ni Ace.
Sabay-sabay kaming tumango. Pagkatapos, kanya-kanyang kuha ng mga bag at isa-isang lumabas ng PAC office. Sumusunod ako kay Nina. Kaya paglabas ko nabunggo ako sa likod niya.
Pero laking gulat ko dahil nasa harap si Mr. Ricaforte. Hinawakan ko sa kamay si Nina at marahang hinila sa likuran ko. Napalunok ako ng laway bago...
"Good morning, Sir." sabay na bati namin ni Nina at pareho kaming bahagyang yumuko.
"Mornin', Nina, Miles..." nakangiti pero hindi abot sa mga matang sabi niya. Mataman niya akong tinititigan. At alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Ahm, Sir. 'Yong nangyari sa party ng PAC... 'Yong mga nasabi ko... Huwag kayong mag-alala... Tutuparin ko lahat 'yon." sabi ko. Ramdam ko ang paghigpit nang hawak ni Nina sa kamay ko.
"Aasahan ko, Miles. At huwag kang mag-alala. May isang salita ako." sabi niya saka tumalikod at umalis. Nakahinga ako nang maluwag.
"Miles..." sabi ni Nina. Humarap ako sa kanya.
"Ssssshhh... Huwag mo nang problemahin 'yong tungkol 'don. Ako na ang bahala." sabi ko.
'Ayokong pati siya madamay pa 'don. Hindi ko alam pero nag-iiba ang pakiramdam ko kapag 'yong tungkol sa anak ni Mr. Ricaforte ang pinag-uusapan.' Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
"Halika na nga, hahatid na kita sa classroom mo." sabi ko sabay hila sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa 'kin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng klase. Nagkita-kita ang mga girls at pumunta sa registration office.
"Good afternoon po, Ma'am." sabay-sabay na bati nilang tatlo.
"Good afternoon. How can i help you?" sabi ng registrar. Nagkatinginan silang tatlo. Nagturuan...
"Ikaw na, Zoe. Tutal ikaw naman pinakamatanda sa 'ting tatlo." sabi ni Jem kay Zoe.
"O, anong kinalaman 'non. Ikaw na kasi." sabi ni Zoe kay Jem.
"Ikaw na..." sabi ni Jem.
"Ikaw na kasi..." sabi ni Zoe.
"Guys..." mariing pigil ni Nina sa kanilang dalawa.
"Ako na... Ako na... Tumigil na kayo." iritadong sabi ni Nina. Natahimik ang dalawa. Nakangiting bumaling si Nina sa registrar.
"Ahm, Ma'am. May research po kasi kami sa Statistics. Ahm, tungkol po sa bilang kung ilan lahat ang enrollees nitong eskwelahan. Ahm, pwede po bang makita ang record niyo?" sabi ni Nina.
"No. We don't give records to students. It's a private property of our school." mataray na sabi ng registrar.
"Ahm, Ma'am. Can you atleast give us how many students you have in this university." sabi ni Nina.
"No. I can't give that either." mataray pa ring sabi ng registrar.
"But, we need it..." malakas na sabi ni Jem. Napatingin ang registrar sa kanya.
"Yes, we need it for our research in Statistics, po." hinging-paumanhin na sabi ni Zoe.
"You can look at the library. Use computers... Excuse me. I have more important things to do." hindi ngumingiting sabi ng registrar sabay talikod.
Laylay ang balikat at walang nagawa ang tatlo kundi lumabas ng pintuan. Hindi nila napansin na sumunod na pumasok si Mr. Ricaforte sa pinanggalingan nilang registration office. Bahagya pang nagulat ang registrar.
"Good afternoon, Sir." bati nito.
"Afternoon." balik-bati ni Mr. Ricaforte.
"How can i help you, Sir?" tanong ng registrar.
"Anong kailangan ng mga estudyante?" tanong ni Mr. Ricaforte.
"Ahm, may research daw po sila sa Statistics." sabi ng registrar. Palihim na tinignan ni Mr. Ricaforte ang papalayong sina Nina, Zoe at Jem. 'May hindi 'ata siya nalalaman.' nasabi niya sa isip.
Samantala...
Ang mga boys naman ay kanyang-kanyang tanong sa mga kaibigan, kaklase, kakilala at sa halos lahat ng estudyante ng paaralan. Pero iisa lamang ang sinasabi ng mga 'to.
"May isang babaeng estudyante ang nagpakamatay. Sa pamamagitan nang pagtalon mula sa rooftop ng isang limang palapag na building ng paaralan. Walang nakakita ng actual na pangyayari. Walang nakakakilala sa babae. At ang nakapagtataka, walang nakakaalam kung 'san nagsimula ang balita. Basta na lang kumalat ang balita."
At sa bawat puntahan ng bawat isa sa PAC group. Mapapansing laging nagmamasid si Mr. Ricaforte. Pinanonood niya ang lahat nang galaw ng bawat miyembro.
PAC office... Muli kaming nagtipon para muling pag-usapan ang mga nakuhang impormasyon.
"So, girls. Ano balita?" tanong ni Ace sa tatlong babae. Nagtinginan ang mga 'to. Nagturuan...
"Ikaw na, Zoe. Tutal ikaw naman pinakamatanda sa 'ting tatlo." sabi ni Jem.
"Kanina ka pa, ah. Ano bang connect, ha. Namumuro ka na sa 'kin, Jem." asar na sabi ni Zoe kay Jem.
"Sorry naman." sabi ni Jem.
"Ako na, ok." asar rin na sabi ni Nina sa dalawa.
"Go, Nina." sabi ni Neo.
"Wala kaming nakuha." sabi ni Nina. Napanganga kaming napatingin sa kanya.
"Wala?" tanong ni Neo.
"Wala! Kasi ayaw ibigay ng registrar ang mga records ng estudyante. Maski nga bilang ng mga estudyante, ayaw ibigay eh." sabi ni Nina.
"Sabi ng registrar, magpunta kami sa library. Gumamit ng computer at mag-research." sabi ni Zoe.
"Ginawa naman namin. Pero... Walang lumalabas... Naka-private ang records ng school." sabi ni Jem.
"Kayo ba?" tanong ni Nina sa 'ming mga boys.
"Iisa at pare-pareho ang sinasabi ng mga estudyante. Na may babaeng nagpakamatay. Pero walang makapagsabi kung sino 'to. At ang mas malala, walang makapagsabi kung 'san 'to nagmula o nagsimula." sabi ni Ace.
"Isa lang ibig sabihin 'non." sabi ko. Napatingin silang lahat sa 'kin.
"May alam sila." sabi ko.
BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Mystère / ThrillerKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.