Chapter Four

113 57 0
                                    

Hangos akong dumiretso sa faculty room. Naka-upo si Mr. Ricaforte sa harap ng table niya. Kumatok ako kahit bukas ang pinto. Ni hindi man lang siya nag-abalang tumingin.

Lumapit ako sa table niya. Nakita kong tsini-check na niya ang mga report paper ng mga kaklase ko. Napalunok ako ng laway. Tumikhim ako. Pero hindi niya ako tinignan.

"Ahm, sir. Eto po 'yong report ko." sabi ko sabay abot ng papel ko.

"Late. Hindi ko na tatanggapin 'yan." malamig na sabi niya na hindi man lang sumulyap.

"Ahm, s-sorry po. A-ano po. K-kasi po..." nauutal na sabi ko.

"Kasi natutulog ka sa klase ko. Kaya hindi mo naipasa kanina." sabi niya nanatiling nakatingin sa mga papel na tsini-checkan.

"N-napuyat po kasi ako kagabi. Ginawa ko po 'to." sabi ko.

"That's not a reason. Zero ka na." malamig pa ring sabi niya.

"Sir, please naman po. Kahit anong sabihin niyo o kahit anong ipagawa niyo sa 'kin gagawin ko. Huwag niyo naman po akong izero." sabi ko. Importante sa 'kin ang pag-aaral.

Tumigil siya sa ginagawa. Ibinaba ang ballpen. Tinanggal ang suot na salamin at ibinaba. Diretsong tumingin sa 'kin. Pero may kinuha ang isang kamay niya. Isang makapal na libro at iniabot sa 'kin.

"Summarize this book in twenty pages, within five days. Now out!" sabi niyang ni hindi kumurap.

Maluha-luha namang tinanggap ko ang libro. Halos maihulog ko pa 'to sa sobrang bigat. 'Taenang teacher 'to. Siya kaya gumawa para alam niya. Ang kapal-kapal nito tapos summarize in twenty pages in five days pa.

Nanghihina at nanlulumo akong lumabas ng faculty room. Parang wala ako sa sariling naglalakad. Nang mapadaan ako sa lugar. Paranormal Activity Club Office. Nagdalawang beses pa ako nang tingin.

Naalala ko ang meeting. Tinignan ko ang relo ko. Twelve na, lunch time na. Hindi ko alam kung kakatok ako o aalis na lang. Nang may isang lalaki ang humahangos na paparating. Tinignan ako at nginitian.

"Ikaw si Miles?" tanong niya.

"O-oo." sabi ko.

"Ako si Neo. Halika na sa loob." sabi niya.

Nauna na siyang pumasok. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Nakita na 'ko eh. May isang lalaki na kasing-edad namin ang naka-upo sa isang swivel chair. Parang boss kung maka-asta.

"Ace si Miles. Miles si Ace." pagpapakilalang sabi ni Neo.

Nagtanguan lang kaming dalawa. Wala pa si Nina at ang dalawang kasama. Umupo ako sa sopang naroon. Tumabi naman sa 'kin si Neo. Parang bata namang pinaikot-ikot ni Ace ang upuan niya.

"Andito na kami." sabi ng isang boses babae kasabay nang pagpasok ng tatlo kabilang si Nina. May dala-dala silang mga plastic bag. Inayos nila sa mesa, mga pagkain.

"Ang tagal niyo, gutom na kami." sabi ni Neo na hinihimas pa ang tyan. Nagkatinginan kami ni Nina. Nagngitian. Kaya 'ayan na naman ang pasaway kong puso, ang lakas nang kabog.

"Eto na nga oh. Tumayo na kayo dyan at kumain na tayo." sabi ng isang babaeng maikli ang buhok.

"Nga pala, Miles si Zoe at si Jem. Zoe si Miles. Jem si Miles." pagpapakilala sa 'min ni Ace. Si Ace at Zoe ay third year na. Samantalang si Neo at Jem ay pareho kong second year. Si Nina lang ang first year.

"Ang saya kompleto na tayo." sabi ni Zoe.

"Kumain na tayo." sabi ni Ace. Nagpunta ako sa tabi ni Nina at naupo.

"Nga pala, Ace. Ano bang pagmimitingan natin?" sabi ni Jem. Napatingin lahat kay Ace.

"May assignment tayo." seryosong sabi niya. Muntik akong mapa-iyak. Isa pang 'taenang 'to. Pinaalala pa 'yong pinapagawa ni Mr. Ricaforte sa 'kin.

"Talaga, agad-agad." sabi ni Zoe.

"Ano naman?" kunot noong tanong ni Neo.

"Kumain muna tayo saka natin pag-usapan. Isa may hinihintay pa akong tao." sabi ni Ace.

"B-bagong miyembro?" tanong ni Nina. Tumingin si Ace kay Nina, ngumiti. Naningkit naman ang mga mata ko.

"Hindi." sabi niya at itinuloy ang pagkain.

Wala nang nagsalita, gutom lahat eh. Away-away muna. Tapos na kaming kumain at nagpapahinga. Nang may kumatok.

"Pasok!" sabi ni Ace.

"Magandang hapon sa inyong lahat." bungad bati ng isang lalaking marahil matanda sa 'min ng dalawang taon.

"Magandang hapon. Halika, pumasok ka." sabi ni Ace.

"Eto ang sinasabi ko sa 'yo." sabi agad ng lalaki pagkalapit nito kay Ace.

Agad na naglabas ng mga pictures. Nanlaki ang mga mata ko. Kitang-kita ko ang imahe ng isang babae. Pero ulo lang.

"Sandali, sandali lang." sabi ni Ace. Kinuha lahat ng pictures at hinawakan.

"Guys, si Neil. Neil, ito naman ang paranormal activity group, Nina, Miles, Jem, Neo, Zoe." pagpapakilala ni Ace sa aming lahat. Nagkamayan at nagtanguan.

"Yan ang sinasabi ko sa 'yo." sabi ni Neil sabay turo sa hawak na mga pictures ni Ace.

Isa-isang nilatag ni Ace ang mga pictures sa mesa. Isa-isa namang nagsikuha ang mga kasama ko. Lahat sila nakakunot ang noo habang tinitigan at binabaligtad-baligtad ang mga pictures.

"A-anong m-meron?" utal na tanong ni Neo.

"Babae." sabi ni Neil.

"Aaahh, babae." sabay-sabay na sabi ng tatlong babae.

"Asan?" tanong ni Neo.

Binabaligtad-baligtad pa rin ang hawak na picture. 'Ganon din ang ginagawa ng mga babae maging si Ace. Hindi ba nila nakikita. Samantalang ako kitang-kita ko.

"Eh dumi 'tong nakikita ko eh." sabi ni Neo. Pilit pang kinikiskis sa picture ang daliri.

"Hindi dumi 'yan. 'Tignan mong mabuti. Babae 'yan. Imahe ng babae sa dingding ng bahay na inuupahan ko." sabi ni Neil.

Malamang sa ordinaryong taong tulad nila. Dumi lang ang nakikita nila sa picture. Kung saan puti ang buong background at mistulang dumi ang itim na ulo ng imahe ng babae.

"Alam ko nang gagawin natin." sabi ni Ace sabay kuha ng jacket niya at isinuot ito.

"Ano?" sabay-sabay na sabi namin.

"Pupuntahan natin ang bahay na inuupahan ni Neil. At 'don tayo kukuha ng information!" malakas na sabi ni Ace.

Iba ang pakiramdam ko dito. Napatingin ako kay Nina. Katulad ng iba, nagniningning din ang mga mata niya. Lahat sila excited. Ako lang 'ata ang kinakabahan. 'Taena, kasing third eye 'to.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon