Chapter Twenty

32 10 0
                                    

"Miles!" sigaw ni Nina.

Muling nagpabalik sa akin sa realidad. Bumagsak ako paupo. Agad namang lumapit sa akin si Nina. Na siya niyang pagkakamali. Tinignan siya ni Daisy. Mabilis itong tumayo at hinablot si Nina. Agad nitong niyakap si Nina. Tumagos ito at sabay silang bumagsak ni Nina sa sahig.

"Nina!" sabay-sabay na sigaw namin ng grupo. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinarga ang itaas na bahagi ng katawan niya.

Nagising si Nina at dahan-dahang tumayo. Tinignan ang damit at hinaplos ang mga braso. Mabilis na lumapit sa salaming bintana at tinitigan ang sarili. Dahan-dahan hinaplos ang buhok papunta sa mukha.

"Nina." tawag ko sabay lapit sa kanya.

"Nina." sabay-sabay din na tawag nina Ace, Zoe, Neo at Jem.

"Hahaha." tawa ni Nina pero hindi niya boses.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Napamura si Ace at Neo. Naluluhang napatakip ng kanilang bibig gamit ang kanilang mga kamay sina Zoe at Jem. Tinutulungan naman ni Mr. Ricaforte ang anak na nagkamalay.

Nabaling ang tingin ko kay Nina. Kusang tumulo ang mga luha ko. Gandang-ganda siya sa sarili. Panay ang haplos sa mukha, buhok, mga braso maging sa mga binti. At wala sa sariling nakangiti.

'Hindi. Hindi ikaw si Nina. Hindi ikaw ang mahal ko.'

Mabilis akong tumayo. Malakas kong sinipa ang isang upuan. At hinarap si Nina o kung sinuman 'tong pumasok sa katawan niya. Babawiin ko si Nina. Babawiin ko ang mundo ko.

"Umalis ka!" tiimbaga, mariin at galit na sabi ko. Umiwas siya. Pero, hinarangan ko siya.

"Ano ba?" galit na sabi ni Nina pero hindi niya talaga boses.

"Umalis ka!" tiimbaga, mariin at galit na pang-uulit ko.

"Hahaha. Bakit ako aalis. Ang ganda ko. Ang linis ko. Ang bango ko. Ang lambot at ang kinis ng balat ko. At nakabibighani ang inosenteng ganda ng mukha ko. Marami na naman ang hahanga sa akin." sabi nito.

"Hahanga?... Talaga?... Sikat?... Maganda?... Matalino?... Mayaman?... Hindi 'yon totoo. Dahil lahat 'yon puro kasinungalingan. Dahil lahat 'yon hinangad mo. Lahat 'yon ilusyon na naglaro sa utak mo. Matagal kang nabuhay sa isang mundo ng pantasya. Na lahat ng tao inaakala mong may gusto sa 'yo. Na kahit minsan hindi mo inakala na makikita mo ang katotohanan." galit na sabi ko.

"Ha?" sabi nito.

"Pero 'nong sabihin mo 'don sa lalaki na boyfriend pala ni Daisy ang nararamdaman mo. Tinanggihan ka at pinagtawanan. 'Don ka nagising sa katotohanan. Galit ka sa 'itsura mo. Bagsak ka sa entrance exam. Kaya ka nagpakamatay." sabi ko.

"Tumigil ka! Hindi ko na kasalanan kung akin na ang katawan na ito. Ang mga taong katulad niyo kahit kailan hindi niyo maiintindihan. Mukha, dibdib at likod na punong-puno ng pimple. Sakit ng ulo at ngipin. Nabubuhay sa matabang katawan. Walang saya. Kaya nang mawala iyon, nakaramdam ako nang malaking tuwa." sabi nito.

"Tumigil ka. Walang katuturan ang mga pinagsasabi mo." galit na sabi ko.

"Ano?" tanong nito.

"Lahat ng tao sa mundong 'to. May problemang kinakaharap sa buhay. Ako! May sarili ring problema na kinakaharap. Pero, ang pagtakbo, pag-iwas at pagtalikod sa problema ay hindi makakatulong. Kailangan mo 'tong harapin at hanapan ng solusyon. Isang araw makakahanap ka ng isang tao. Na magiging dahilan para magpasalamat ka araw-araw na ikaw ay buhay. Hindi ka ba masaya na ikaw ay nabuhay? 'Ganon ba kadilim ang buhay mo?" sabi ko.

"Hindi mo naiintindihan! Pero ngayon, ipapakita ko sa iyo kung gaano kasaya mabuhay sa katawang ito." sabi nito

"At sa tingin mo papayag ako." galit na sabi ko. Umiwas siya pero hinarangan ko ulit.

"Umalis ka sa daraanan ko. Wala kang magagawa. Akin na ang katawan na ito." sabi nito.

"Hindi ako papayag. Guguluhin ko ang buhay mo." mariing sabi ko.

"Hahahahaha." tawa nito.

"Hindi ako nagbibiro. Kahit saan ka magpunta, susundan kita. Kahit saan ka magtago, hahanapin kita. Kahit saan ka tumakbo, hahabulin kita. Hanggang sa huling patak ng dugo ko." tiim bagang sabi ko.

"Nakakabwisit ka!" sigaw nito.

"Oo, nakakabwisit ako. At wala akong pakialam kung nakakabwisit ako o nabwibwisit ka sa 'kin. Isa akong stalker. At ako ay mayroong unrequited love." sabi ko.

'One sided love. Hindi alam ni Nina kung gaano ko siya kamahal. I have a deep and strong romantic affection for her.'

"At hangga't nasa loob ka ng katawan niya, hindi ako titigil. Kahit saan ka pumunta, saan ka magtago, saan ka tumakbo. It will be hell! Susundan kita hanggang maramdaman mong hindi mo na kayang dalhin." sabi ko. Pilit siyang lumalayo at umiiwas. Lalo naman akong lumalapit at humaharang sa kanya.

"Huwag kang lumapit!" sigaw nito.

"Makinig ka! Hahadlangan ko lahat nang gagawin mo. 'Andon ako sa lahat nang pupuntahan mo. Hindi ka matatahimik dahil lagi mo 'kong makikita. Gagawin ko ang lahat para pagsisihan mo ang pag-angkin sa katawan ni Nina. At siyempre, hindi ko papayagan na lumapit ka sa kahit kanino lalo na sa mga lalaki. Itaga mo sa bato!" galit na sabi ko.

"Sinabi kong huwag kang lumapit! Ano bang problema mo? Ano bang nangyayari sa iyo?" sigaw nito.

Kinorner ko siya sa isang pader. Ikinulong ko siya gamit ang dalawa kong kamay. Mabigat ang paghinga ko. Kusang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit sa dibdib.

"Dahil mahal ko ang may-ari ng katawan na 'yan. Siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Kaya lumabas ka sa katawan niya ngayon din!"  umiiyak na sigaw ko.

Natahimik siya. Mataman niya akong tinitigan sa mukha. Nawala ang galit, inis o asar na nakarehistro sa mukha niya kanina. Lumamlam ang kaniyang mga mata. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Miles." mahinang bigkas niya pero sigurado ako boses ni Nina. Bigla siyang nawalan nang malay kaya mabilis ko siyang sinalo kaya napaupo ako. May lumabas na maitim na usok sa katawan niya.

"Lumabas na!" malakas na sigaw ni Neo.

"Ace, bilisan mo. Igoodbye mo at itaob mo ang ouija board!" malakas na sigaw ko.

Dumiretso ang makapal na usok sa ouija board at pumasok sa planchette. Mabilis na hinawakan ni Ace ang planchette at pilit na inilalagay sa goodbye. Pero kumukontra ang planchette.

"Neo!" sigaw ni Ace, humihingi nang tulong.

Agad namang lumapit si Neo at pilit nilang inilagay sa goodbye ang planchette kasabay nang pagsigaw ng 'goodbye' at mabilis nilang itinaob ang ouija board. Kasabay nang pagkamalay ni Nina.

"Nina." sabi ko at inalalayan ko siyang makatayo. Nagsilapitan naman ang buong PAC group.

"A-anong n-nangyari?" nanghihina pang sabi ni Nina.

"H-hindi mo alam?" sabi ni Zoe. Kunot-noong napatingin si Nina sa kanya.

"Ang alin?" tanong ni Nina.

"Ang mga nangyari." sabi ni Jem. Kunot-noong napatingin rin si Nina sa kanya.

"Ang huling natatandaan ko ay 'nong mapaupo si Miles. Ang alam ko nilapitan ko siya... Tapos, hindi ko na alam kung ano ang iba pang nangyari?" naguguluhang sabi ni Nina sabay iling. Nagtinginan kaming lahat.

"Umuwi na tayo. Para makapagpahinga tayong lahat. Zoe, sumabay ka sa 'kin. Neo, ikaw na ang bahala kay Jem. Miles, alagaan mo si Nina. Huwag mo siyang pababayaan." sabi ni Ace. Tumango ako.

Nagpaalam na kami kay Mr. Ricaforte at kay Daisy. Maayos na 'to. Nahihiyang humarap sa 'min dahil siguro sa 'itsura at amoy nito. Pero balewala sa grupo. Ang importante may natulungan na naman kami.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon