Wala akong nagawa kundi ipinagpatuloy ang kumain. Natahimik din ang lahat at nagconcentrate na kumain. Pero pansin kong panaka-naka ang sulyap nila sa 'kin. At alam kong nagtatanong ang kanilang mga mata.
Pagkatapos kumain. Pinagtulungan muna naming linisin ang mga pinagkainan namin. Saka kami isa-isang bumalik sa kanya-kanyang upuan. Tahimik na nagtitinginan...
"Bro, 'papanong wala kang naaalala. Eh, pare-pareho naman ang mga ininom natin kagabi." kunot-noong sabi ni Ace.
"Hindi ko nga alam at hindi ko maintindihan kung bakit ako lang ang walang naaalala sa mga nangyari kagabi. Ni hindi ko nga alam kung bakit suot ko 'yong hawaiian polo na 'yon. Hindi naman akin 'yon lalong hindi ako nagsusuot ng 'ganon." mahabang sabi ko.
"Seryoso?" tanong ni Zoe.
"Seryoso nga." tiimbagang sagot ko. 'Bakit ba hindi sila naniniwala? Hindi naman siguro ako magtatanong kung alam ko lahat nang nangyari kagabi.'
"Tama si Neo kanina, bro. Wala ka namang ginawa pero..." sabi ni Ace.
"Pero? Ano? Bro...?" tanong ko kay Ace.
"May mga sinabi ka lang naman." sabi ni Zoe.
"S-sinabi? A-ano?" tanong ko.
"Bro, hindi ano kundi kanino." sabi ni Neo.
"M-may sinabi ako. K-kanino?" tanong ko.
"Seryoso, Miles. Hindi mo rin alam ang mga sinabi mo kay Mr. Ricaforte?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jem.
"H-hindi! T-teka, M-Mr. Ri-ricaforte? As in Mr. Ricaforte?" nanlalaki rin ang mga matang sabi ko.
"Iisa lang naman ang kilala nating Mr. Ricaforte." sabi ni Jem. Napakurap-kurap ako.
"A-anong sinabi ko kay M-Mr. Ricaforte?" tanong ko sabay palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"Ikaw na magsabi, Nina." sabi ni Zoe. Napatingin ako kay Nina.
"Nina! Ano...?" tanong ko.
"Miles, 'yong hawaiian polo... Kay Mr. Ricaforte 'yon. Suot niya 'yon kahapon, hindi mo ba maalala? Ibinigay niya sa 'yo kasi... kasi... kasi..." nagaalanganing sabi ni Nina.
"Kasi...." sabi ko.
"Kasi, nangakokangtutulunganmosiyasaproblemanganakniya." mabilis na sabi ni Nina.
"Ano!" malakas na sabi ko.
"NANGAKO KANG TUTULUNGAN MO SIYA SA PROBLEMA NG ANAK NIYA." malakas at sabay-sabay na sabi ng buong grupo.
"H-hindi!" malakas na sabi ko.
"Pero, bro. Ikaw mismo ang kumausap kay Mr. Ricaforte." sabi ni Ace.
"Bro, sinabi mo na kilala mo ang anak niya. Si Daisy." sabi ni Neo.
"D-daisy." ulit ko.
"At sinabi mong alam mo na may problema si Daisy at handa kang tulungan ito." sabi ni Zoe.
"Kapalit ng dalawang kondisyon mo." sabi ni Jem.
"K-kondisyon?" tanong ko.
"Una, tatanggapin niya ang unang report mo at bibigyan ng tamang grades. At ang huli, hindi na siya makikialam anuman ang gawin natin... ng Paranormal Activity Club." sabi ni Nina.
"H-hindi." sabi ko sabay iling.
"Miles, sinabi mo lahat 'yon. Totoo, lahat 'yon." sabi ni Nina.
"Hindi!" malakas na sabi ko sabay tayo. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas ng PAC office.
"MILES!" rinig ko ang sabay-sabay na pagtawag nila sa 'kin. Pero mabilis na akong tumakbo palayo sa lugar na 'yon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nina Villaverde
Nanghihinang napaupo kaming lahat matapos naming tumayo nang sabay-sabay at tawagin si Miles. Pero hindi niya kami pinakinggan. Pare-pareho kaming nagtitinginan at mabibigat ang mga buntong-hiningang pinakakawalan.
"Bigyan muna natin siya ng time para maprocess niya lahat nang sinabi natin." sabi ni Ace, tinutukoy si Miles.
"Nakapagtataka, siya naman ang kumausap kay Mr. Ricaforte kagabi pero bakit 'ganon na lang ang reaksyon niya sa mga sinabi natin." sabi ni Neo, tinutukoy si Miles.
"Guys, sa tingin ko parang may sapi si Miles eh..." sabi ni Jem.
"Jem!" saway sa kanya ni Zoe.
"O hindi ba. Look, hindi niya maalala ang mga sinabi niya kagabi. Tapos, kagabi. Hindi niyo ba napansin. Bakla siya kagabi." sabi ni Jem, tinutukoy si Miles.
"Boses bakla." pagtatama ni Zoe.
"Hindi rin, aminin na natin. Bakla kumilos si Miles kagabi. Para ngang... may... sapi..." sabi ni Neo.
"Neo!" saway sa kanya ni Zoe.
"Zoe, tama sila. Ako man, naiisip ko rin 'yan." sabi ko.
"Nina!" saway ni Zoe sa 'kin.
"Sige nga, 'pano mo ipapaliwanag na wala siyang alam sa mga nangyari kagabi. Eh, siya mismo ang nagsalita at kumausap kay Mr. Ricaforte." sabi ko kay Zoe.
"Hang-over!" sabi ni Zoe.
"Zoe, iba ang may hang-over sa may amnesia." sabi ni Neo.
"Walang amnesia si Miles." sabi ni Zoe.
"Ok wala. Pero ang may hang-over kahit masakit ang ulo maaalala pa rin nito ang ginawa o nangyari sa nagdaang gabi." sabi ni Neo.
"Guys, walang mali o tama sa inyo. Let's give Miles a break. Siguro napagod lang siya sa kaso natin tungkol kay nanay Lorraine. Siguro, he just needs time para matanggap niya ang lahat." sabi ni Ace.
"Anong gagawin natin kung ayaw niya at hindi siya pumayag sa kasunduang siya mismo ang gumawa." tanong ni Jem.
"Kaya nga bibigyan natin siya ng time. At wala tayong gagawin kundi ang kausapin siya nang masinsinan para ipaintindi sa kanya ang mga sinabi niya kay Mr. Ricaforte." sabi ni Ace.
"Bakit alam ni Miles ang tungkol sa anak ni Mr. Ricaforte? Gayong, sinabi ni Mr. Ricaforte na walang nakakaalam kung anong nangyayari sa anak niya. Tanging siya lang." sabi ni Jem.
"Naiisip ko rin 'yan." sabi ni Zoe.
"Ako rin." sabi ni Neo.
"Guys, may power si Miles. Aminin na nating lahat. Dahil hindi natin masosolve ang kaso ni nanay Lorraine kung hindi dahil kay Miles." sabi ni Ace.
"At hindi na nakapagtataka na alam niya ang tungkol sa anak ni Mr. Ricaforte." sabi ko.
"Pero bakit nga hindi niya maalala?" kulit na tanong ni Neo.
"Guys, maraming bagay na hindi kayang ipaliwanag ng mga ordinaryong taong tulad natin ang mundo ng paranormal. Dahil magkaiba ang mundong ginagalawan ng mga elemento sa paranormal at mundo ng tulad nating mga ordinaryong tao. At sa tingin ko, hindi basta-basta ordinaryong tao si Miles. Kaya nakakaya niyang makiconnect sa mga elemento ng paranormal. Para siyang....." mahabang sabi ni Ace.
"Wizard?" tanong ni Neo.
"Magician?" tanong ni Jem.
"Sorcerer?" tanong ni Zoe.
"Paranormal expert!" sabi ko.
"Tama si Nina. Malakas ang power ni Miles. At kailangan ipaintindi sa kanya 'yon." sabi ni Ace. Nagkatinginan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/91566542-288-k733343.jpg)
BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Misterio / SuspensoKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.