Chapter Fifteen

53 12 0
                                    

Napadpad kami sa tabing ilog. Halos sabay-sabay kaming naupo sa sementadong kalsada. Mula sa kinauupuan namin pa-slide pababa, ang kababagsakan mo ay mismong ilog.

Pare-pareho kaming wala sa sarili. Malalim ang mga iniisip. Pare-parehong may takot na nararamdaman. Pero mas nananaig ang galit na nararamdaman ko.

Hindi kaya ang lalaking nasa pintuang salamin kanina. At ang nagpapadala ng mga nakakapangilabot na bagay kay Nina ay iisa? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Dumagdag pa 'yong tungkol sa anak ni Mr. Ricaforte.

"MILES!" mga sigaw mula sa likuran.

At kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino-sino ang mga paparating. At kilala ko rin ang salarin kung bakit kami nahanap. Sinamaan ko nang tingin si Zoe. Nagpeace sign lang siya at 'yong ngiting niyang parang baliw.

Tumayo sina Nina at Zoe para salubungin ang grupo. At nagbulungan sila sa likuran ko. Tsaka, dahan-dahang lumapit at naupo sa tabi ko si Jem. Pinarinig pa sa 'kin ang malakas at malalim niyang buntong-hininga.

"Miles, ok ka lang?" sincere na tanong niya. Hindi ako umimik, nananatiling nasa ilog ang tingin ko.

"Naiintindihan namin ang rason at sitwasyon mo. Pero kailangan ka namin. Ikaw lang ang alam naming makakalutas sa lahat. Masyado mong napaniwala si Mr. Ricaforte na matutulungan mo ang anak niya." sabi niya.

Hindi ako umimik. Tinapik niya ako sa balikat at saka siya tumayo. Sumunod na umupo at tumabi sa 'kin si Ace. Pinarinig din sa 'kin ang malakas at malalim niyang buntong-hininga.

"Bro, alam ko hindi na namin dapat sabihin sa 'yo 'to. Pero may bagong problema tayong PAC group..." sabi niya. Kunot-noong napatingin ako sa kanya.

"A-ano... k-kasi..." utal na sabi niya.

"ANO? KASI?" asar na tanong ko.

"Hindi namin alam kung 'san nanggaling ang balita. Pero, bro. Kalat sa buong campus ngayon ang tungkol sa isang babaeng estudyanteng nagpakamatay 'nong first day of classes." sabi niya.

"A-ano?" tanong ko. Nakuha niya ang buong atensyon ko. Isa pa 'yon...

"Ngayon, ibinigay 'to ni Dean Francisco sa PAC group para imbestigahan." sabi niya.

"Bakit sa 'tin? Bakit sa PAC group? Hindi ba dapat sa pulis!" asar na sabi ko.

"Ayaw niyang ilabas 'to sa publiko. Dahil hanggang ngayon hindi pa nakikita ang katawan ng babae. Ayaw niyang masira ang pangalan at imahe ng school." sabi niya.

"'Papano nila nalamang may nagpakamatay? May magulang ba na naghahanap ng anak?" tanong ko.

"'Yon nga ang gustong malaman ni Dean dahil wala namang magulang na naghahanap ng anak. Pero, may isang estudyante daw na hindi pumapasok ang nakalista sa registrar. Pero pwedeng nag-enrol naman 'to sa ibang school. Kaya gusto niyang malaman kung 'san 'to nag-umpisa." sabi niya.

Natahimik ako... Hindi kaya ang tinutukoy nila ay ang babae sa premonition ko na tumalon sa building. Premonition nga ba 'yon o totoong nangyari? Napailing ako.

"Bro, nakikiusap ako. Kailangan ka ng grupo ngayon. Kailangan ka namin." sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

"MILES, PUMAYAG KA NA!" sigaw ni Neo. Narinig ko ang mabigat niyang hakbang na mukhang tumatakbo. Nang...

"AAAAAHHH!" sigaw niyang muli kasabay ng malakas na pag-splash ng tubig.

"NEO!" sigaw ng tatlong babae.

Sabay naman kaming napatingin ni Ace sa baba. Nanlaki ang mga mata namin. Nagkatinginan kaming dalawa, halata sa mga mukha namin ang pagpipigil na humagalpak ng tawa. Si Neo, pilit na umahon sa ilog pero dahil pa-slide ang sementadong daan. Dumulas lang siya at bumabalik sa ilog.

"Putang 'na, bro. Pumayag ka na, ha!" galit na sabi niya sabay turo sa 'kin.

Pinipilit pa rin niyang tumaas. Tumayo naman si Ace para ibalance ang sarili para hilahin si Neo pataas. Napilitan akong tumayo at hinawakan si Ace sa kamay. Nagpadausdos nang kaunti si Ace para maabot si Neo. Naghawak-kamay sila tsaka ko sila hinila pataas.

"Putang 'na naman, oh. Basang-basa ako." malakas na sabi ni Neo.

"Halika na sa office para makapaligo at makapagpalit ka." sabi ni Jem.

"Bro..." baling sa 'kin ni Neo sabay turo ng dalawang daliri sa mga mata at saka itinuro sa mga mata ko tsaka ibinalik sa mga mata niya.

"Bro, alis muna kami samahan namin si Neo." sabi ni Ace.

Tumango ako. At bumalik sa pagkakaupo. Marahan namang umupo sa right side ko si Nina. Dahan-dahan namang umupo sa left side ko si Zoe. Napatingin ako sa kanya. Nagpeace at 'yong ngiti niyang parang baliw.

"Zoe, sasama ka sa 'min, diba." biglang sabi ni Ace. Siguro bumalik dahil hindi sumama si Zoe.

"Ah, hindi. Dito muna ako." nakangiting sabi ni Zoe.

"Sasama ka sa 'min." mariing sabi ni Ace sabay hawak sa kamay ni Zoe at hinila siya patayo. Napilitan nang sumama si Zoe dahil wala 'atang balak bitawan ni Ace ang kamay niya.

"May mga taong ayaw na mabuksan ang third eye nila dahil sa takot. Meron namang gusto nilang mabuksan 'to para sa panibagong experience na haharapin nila o hinahanap nila. Meron namang kahit gusto nilang mabuksan kung hindi naman kaloob na mabuksan wala talaga. Meron namang kahit ayaw nila pero kung ipinagkaloob na mabuksan 'to wala silang magagawa kung hindi harapin 'to. Tulad mo... kahit ayaw mo... kahit hindi mo gusto. Pero pinagkaloob na mabuksan ang third eye mo." sabi ni Nina. Nanatiling nasa ilog ang tingin ko pero nasa kanya ang atensyon ko.

"Meron namang kahit bukas na... takot silang gamitin. Itatago na lang sa sarili. Itatago sa lahat na parang wala lang. Meron namang sakim na gagamitin 'to para sa masasamang hangarin. At meron ding iba na gagamitin 'to sa kabutihan. Sa pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit." sabi niya.

"Saan ka 'don, Miles?" pagpapatuloy niya. Napatingin ako sa kanya. 'San nga ba ako?'

"Hindi ba masaya na kahit bukas ang third eye mo maraming kang natutulungan? Tulad ni Niel, ni tatay Ben, ni nanay Lorraine, Lola Lena at ang baby. Hindi ba nakakatuwa na dati nasa dilim sila ngayon nasa liwanag na? Miles, tulad din sila ni Mr. Ricaforte, ni Daisy at ng babaeng tinutukoy nila na nagpakamatay..." sabi niya.

'Tulad mo...' sabi ko sa isip ko.

"Kailangan nila nang tulong mo..." sabi niya.

'At kailangan mo nang tulong ko...' sabi ko ulit sa isip ko habang masuyo kong tinitignan ang buong mukha niya.

'Ikaw ang gusto kong unahing tulungan, Nina. Hindi mo alam kung anong takot ang nararamdaman ko. Sobra-sobra. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko sakaling may mangyaring masama sa 'yo. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.'

"Anong plano mo." pagkuwa'y tanong niya. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa ilog. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako 'don.

"Kung anuman maging desisyon mo. Nasa likod mo 'ko. Pero sana bago ka magdesisyon, pag-isipan mo munang mabuti ang lahat. Miles, siguro may plano ang Diyos kung bakit ka binigyan ng kapangyarihang hindi sakop ng ordinaryong taong katulad ko. Marami kang matutulungan kung palalawakin mo lang ang pang-unawa mo. Dahil marami ang nangangailangan nang tulong mo..." sabi niya.

'Oo at isa ka 'don.' gusto kong sabihin pero sa nanatiling nasa isip ko.

"Payag na 'ko." sabi ko sabay tingin sa kanya. Maluha-luha siyang napangiti. Napaiyak ako... gusto kong sabihing...

'Wala akong ibang choice, kung ito lang ang paraan para maprotektahan kita... gagawin ko. Kung ito lang ang tanging paraan para makita at makasama ka buong maghapon at magdamag... pumapayag ako. Alam kong bawal, alam kong masama pero kahit anong iwas at gawin ko... hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin ka, Nina. Nang higit pa sa pinsan. Mahal na mahal, kita.' pero tanging isip ko lamang ang nagsalita.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon