Chapter Ten

113 50 0
                                    

"Uuwi na kami!" marahas na sabi ko sabay hawak nang mahigpit sa kamay ni Nina.

Kung sino man 'yong nagpadala ng mga black roses. Baka nasa paligid lang. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng may kumatok. Galit na binuksan ko at inambahan ko nang suntok ang nagulat na delivery boy ng pagkain.

"Bro, easy ka lang." sabi ni Neo sabay dahan-dahang baba sa kamay ko na nakakuyom. Hinila naman ako ni Nina papasok.

"Sorry ha." rinig kong sabi ni Neo sa nagdala ng pagkain. At ipinasok niya ang mga pagkain sa loob.

"Salamat, boy." narinig naming sabi ni Neil.

"Neil!" sabay-sabay na sabi ng grupo ng pumasok si Neil.

"Makikiparty din ako, pwede... Ay shit! Ano 'yan?" nabiglang sabi niya pagkakita sa mga roses.

"A-ahm, p-project namin. D-diba, Jem." sabi ni Zoe sabay balik ng takip sa mga roses.

"O-oo. Neo, pakilabas muna ang mga 'yan." sabi ni Jem. Agad namang binuhat ni Neo ang kahon ng mga itim na rosas at inilabas.

"Kakaiba naman ang project niyo. Itim na roses talaga." sabi ni Neil.

"Huwag na natin pag-usapan 'yan. Kumain na tayo, Miles, Nina." sabi ni Ace sabay tingin sa amin ni Nina.

"O-oo." sabi ko.

Iginiya ko si Nina para lumapit sa kanila. Napatingin siya sa 'kin. Ngumiti ako sabay tango sa kanya. Para iparating sa kanyang 'magiging ok ang lahat'. Pilit naman siyang ngumiti pabalik.

Magtitext sana ako kay mama na gagabihin kami ni Nina ng uwi. Pero pagbukas ng cellphone ko. Text ni mama ang bumungad sa 'kin. Nagkaroon daw ng biglaang seminar ang kompanya. At two days siyang mawawala.

Itinago ko ang cellphone ko. At kahit nagngingit pa rin ang kalooban ko kapag naalala ko ang mga itim na rosas. Naengganyo na rin akong makipagsaya sa grupo. No doubt masaya naman silang kasama.

Inilabas ni Neil ang laman ng backpack niya. Tatlong mamahaling alak na nakakahon pa. Laking tuwa ng grupo. May cd player dito sa office kaya naman para na rin kaming nasa isang resto bar.

Malalakas ang dalang alak ni Neil. Agad kaming natamaan ng kalasingan. Nang may malalakas na katok sa pintuan. Hindi namin napansin o hindi namin pinansin. Kaya kinalabog ang pintuan ng office namin. Walang anu-ano'y bumukas pabalibag ang pintuan kasabay nang pagpasok ni Mr. Ricaforte.

Nanigas at natahimik kami dahil ang galit at seryosong mukha niya ang bumungad sa 'min. Agad pinatay ni Neo ang cd player tapos bumalik sa paninigas at pananahimik. Pero bakas sa lahat ang tinitimping mga ngiti.

"Hindi pinahihintulutan ng paaralang ito ang ganitong pangyayari!" malakas at dumadagundong ang boses na sabi niya.

"Ahm, alis na po ako. Hindi ako kabilang sa grupo at hindi ako estudyante dito." pagkuwa'y sabi ni Neil at umalis.

"Sor..." sorry sasabihin sana ng lahat nang pinutol ko ang sasabihin nila.

"Mr. Ricaforte!" malakas at matinis na sigaw ko.

Boses bakla. Nagulat silang lahat lalo na si Mr. Ricaforte. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa 'kin. Nanlalaki rin ang mga mata ng grupo na napatingin sa 'kin.

"Alam niyo kasi, nagkakasiyahan lang kami. Kasi success ang unang mission namin. Huwag kayong magalit. Natural lang sa mga kabataang tulad namin ang magsaya. Para hindi kami matulad sa inyong masungit." astang baklang sabi ko sabay inakbayan ko pa siya.

Lalong nagdilim ang mukha niya sa galit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa galit. Hindi ko naman maipinta ang mukha ng mga kasama ko. Magsasalita na sana si Mr. Ricaforte ng...

"Hep, hep, hep... Kasasabi ko lang, huwag kayong magalit. Alam ko ang sikreto niyo!" bakla pa rin na sabi ko. Napakunot noo siyang napatingin sa 'kin. Napakunot noo at napatingin rin sa akin ang grupo.

"A-anong sinasabi mo?" galit at may diing tanong niya. Palitan kaming pinanonood ng grupo.

"Anak niyo si Daisy. Hindi ba?" sabi kong itinikwas ko pa ang mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga. Nanlalaki ang mga mata at napanganga rin ang grupo.

"Papano mo siyang nakilala?" maang na tanong niya. Maang din tumango ang grupo.

"Hindi ko lang siya kilala, Mr. Ricaforte. Alam ko ang pinagdadaanan ng anak niyo." malanding sabi ko.

"W-wala kang alam! Wala! Walang sinuman ang nakakaalam nang pinagdadaanan ng anak ko. Tanging ako lang, naiintindihan mo." galit at medyo malakas na sabi niya.

"Marami akong alam, Mr. Ricaforte. Higit pa sa mga nalalaman niyo. Gusto niyong isa-isahin ko." baklang sabi ko.

"Gusto mong isuspinde kita o ipakick out sa eskwelahang 'to." matapang na sabi niya.

"Ahm, hindi niyo magagawa 'yan dahil wala naman akong ginagawang masama." malanding sabi ko. Tumango-tango ang grupo.

"Paglabag sa palatuntunan ng eskwelahan ang ginagawa niyong 'to." galit na sabi niya.

"Wala kaming nilalabag na anumang school rules. Dahil unang-una, registered ang club na 'to. Legal dahil ang school mismo ang nagtayo ng club na 'to. Kami lang ang mga miyembro. Pangalawa, tapos na ang school hours. Kaya anumang gawin namin hindi na sakop ng mga school rules." baklang sabi ko.

"Pero, nasa vicinity pa rin ng paaralan ang office ng club na 'to." sabi niya.

"Mr. Ricaforte!" malakas at matinis na sigaw kong muli. Napalingon siya sa 'kin dahil akbay ko pa rin siya. Nanlaki na naman ang mga mata niya sa gulat. Nanlaki rin ang mga mata ng grupo sa gulat.

"Tutulungan ko kayo. Tutulungan ko ang anak niyo. Tutulungan namin kayo ng Paranormal Activity Club na 'to. Pero sa mga kondisyong sasabihin ko." malanding sabi ko.

"A-anong sinasabi mo?" pilit pa rin niyang iwinawala ang usapan.

"Hindi ko kayo ginagago. Malaki ang respeto ko sa inyo. At totoo ang sinasabi ko. Kilala ko ang anak niyo. May pinagdadaanan siya. Matutulungan ko siya." pabaklang sabi ko pero seryoso.

"Sige, papayag ako. Pero sabihin mo muna kung ano ang nalalaman mo tungkol sa anak ko. Para alam ko kung totoo o hindi ang mga nalalaman mo tungkol sa kanya. Tignan natin." seryosong sabi niya.

"Gusto ko munang sabihin ang mga kondisyon ko. Kapag totoo lahat ng sinabi ko tungkol sa anak niyo. Unang-una niyong gagawin. Tatanggapin niyo ang unang report ko at bibigyan niyo ng tamang grades ayon sa pagkakagawa ko. At hindi niyo na ipapagawa sa 'kin ang pagsasummarize sa librong makapal. At ang huli, hindi na ninyo pakikialaman anuman ang gawin ng club na 'to." malanding sabi ko.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon