Chapter Thirteen

47 12 0
                                    

Miles Villaverde

Hindi ako makapaniwalang nagawa o mas tamang sabihing nasabi ko kay Mr. Ricaforte ang mga sinabi ng grupo. Bakit wala akong maalala. Hindi ko namalayang napadpad ako sa bandang likuran ng campus sa katatakbo.

At sa hindi maintindihang dahilan. Bumigat ang pakiramdam ko. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nanlalaki rin ang ulo ko. Mabigat ang pinakakawalan kong paghinga.

Sa isang kisap matang pagpikit ko at pagmulat ng mga mata ko. Napaigtad ako sa gulat at nanlaki ang mga mata ko. Dahil dumaan sa mismong harap ko ang isang babaeng may katabaan at puno ng pimples ang mukha.

Parang wala ito sa sarili at bubulong-bulong nang mahina. Diretso ito sa pagtaas sa fire exit na hagdang bakal. Napalingon ako sa maraming estudyanteng nagkakagulo sa harap ng malalaking bulletin boards.

Walang nakakapansin o mas tamang sabihing walang mag-abalang pumansin sa babae. Hinanap ko ang babae, napatingala ako at halos madoble ang gulat ko dahil halos nasa kalahati na siya ng hagdan.

"MISS!" sigaw ko.

At dali-dali akong tumakbo para sundan ito. Pero sa isang kisap-mata, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa rooftop ng five storey building. At halos lumuwa na ang mga mata ko dahil ang babae nakatayo sa mismong gilid ng building.

"HUWAG!" malakas na sigaw ko kasabay nang pagtalon nito mula sa building.

Napapikit ako. At muli sa isang kisap-mata. Pagmulat ko ng mga mata ko. Takot at pagkabigla ang bumalot sa 'kin. Ang babae, dilat ang mga mata. Nakahandusay sa lupa at maraming dugo ang umaagos mula sa katawan nito.

"Aaaaaaaaaahhhhh!" malakas na sigaw ko kasabay nang pagtakbo palayo sa lugar na 'yon.

Sa katatakbo nakarating ako sa school canteen. Wala sa sariling napaupo ako sa isang silya sa harap ng isang mesa. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nang isang baso ng ice tea ang inilapag sa mesa.

Napatingin ako 'don at dahan-dahan hanggang sa kamay hanggang sa braso hanggang sa dibdib hanggang sa leeg hanggang sa mukha. Alanganin ang ngiti niya.

"Ok ka lang. Para kang hinahabol ng multo ah." sabi ni George ang waiter dito sa canteen.

"O-oo." mahinang sabi ko.

Napatingin ako sa bintana at nanlaki ang mga mata ko. Dumaan si Zoe at tumigil. Tumingin sa loob mula sa labas. Inilagay pa ang dalawang kamay at idinikit ang mukha sa salamin na parang may inaaninag o sinisilip nang makita niya ako.

"MILES!" malakas na sigaw nito mula sa labas.

"Siya ba humahabol sa 'yo?" tanong ni George.

"MILES!" sigaw muli ni Zoe sabay kalampag sa salaming bintana.

"Oo at hindi mo ako nakita!" sabi ko sabay hablot sa bag ko at tumakbo palabas sa canteen.

"HOY! MILES!" narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Zoe.

Sa katatakbo nakarating ako sa isang building. Tumaas ako sa second floor at naupo sa pasimano ng bintana. Nang isang grupo ng mga kalalakihan ang lumabas sa isang classroom. At nanlaki ang mga mata ko dahil nangunguna si Neo.

Sakto rin naman napatingin siya sa 'kin. Nanlaki rin ang kanyang mga mata at walang salitang itinuro ako gamit ang point finger niya. Akma niya akong lalapitan. Pero mabilis kong dinampot ang bag ko at muling tumakbo. Hinabol niya ako.

"BRO!" malakas na sigaw ni Neo.

"MILES!" sigaw ulit niya.

"MILES! BRO! SANDALI LANG!" patuloy siya sa pagsigaw at paghabol sa 'kin. Pero hindi ko na siya pinakinggan o nilingon man lang. Patuloy ako sa pagtakbo palayo sa kanya.

Sa katatakbo nakarating ako sa library. Nakahinga ako nang maluwag. Wala naman siguro sila dito. Pero hindi pa man sumasayad ang puwet ko sa upuan.....

"BRO!" malakas na sigaw ni Ace. Nanlaki ang mga mata ko. Akma na akong lalabas ng library.

"SSSSSHHH!" malakas na senyas ng librarian kay Ace.

"Bro, sandali hintayin mo 'ko." sabi ni Ace sa 'kin.

"Mister, what's your name?" What's the rule inside the library?" masungit na sabi ng librarian kay Ace.

"Ma'am, i'm very sorry. This is important." pagmamakaawa ni Ace.

"No! You're not going anywhere young man hangga't hindi ka nadidisiplina." sabi ng librarian. Dinampot ko ang bag ko. Ngumiti kay Ace at sumaludo pa. Tsaka ako unti-unting lumabas ng library.

"BRO! MILES!" rinig ko pang sigaw ni Ace.

Sa katatakbo napunta ako sa lover's lane. Mabuti at walang mga magsyotang nagpapalipas ng oras dito. Dahil kung meron hindi ko na alam kung 'san ako pupunta para maiwasan ang mga PAC group. Napasalampak ako nang upo. Tumingala sa langit, 'kelan ba matatapos 'to.' Pumikit ako para magpahinga.

Pinanonood ko si Nina na nagdidilig ng mga bulaklak sa campus garden. Nasa ikalawang palapag ako ng gusaling pinapasukan ko. Nakangiti at aliw na aliw akong pinagmamasdan lahat nang galaw niya.

Nang walang anu-ano'y isang itim at makapal na usok ang nagsimulang lumabas sa pintuan ng bodega. Kung saan inilalagay lahat ng gamit para sa paglilinis ng campus.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi nakikita ni Nina ang usok dahil nakatalikod siya. Dahan-dahang lumalapit ang usok sa likod ni Nina. Napasigaw ako...

"NINA!"

Gulat namang napatingin sa akin si Nina. Agad kong itinuro ang usok sa likuran niya. Nilingon niya pero parang wala siyang nakita dahil pagbaling nang tingin niya sa 'kin. Kunot-noo at nagtatanong ang kanyang mga mata.

Mabilis akong tumalikod at tumakbo pababa ng hagdan. Nagtatakang tingin ni Nina ang sumusunod sa 'kin. Agad kong isinara ang pintuan ng bodega. Pero paglingon ko kay Nina.

Muling nanlaki at nadoble ang panlalaki ng mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Kusang tumulo ang mga luha ko at sobrang sakit nang nararamdaman ko sa puso at dibdib ko. Dahil si Nina, binalot ng makapal at maitim na usok. Itinaas sa hangin at inilipad palayo sa 'kin.

"MILES!" sigaw ni Nina na humihingi ng tulong sa 'kin. Pero wala akong nagawa. Kundi umiyak dahil hindi ako makagalaw.

"MILES!"

"MILES!" paulit-ulit na sigaw ni Nina.

"MILES!" sigaw muli.

Pero may kasamang pagsampal sa 'kin. Nagising ako mula sa isang masamang panaginip. Napa-ayos ako nang upo at napatingin sa salbaheng nanampal sa 'kin pero nagligtas sa 'kin sa pagkabangungot.

"MILES!" sigaw muli ni Jem at muli sanang sasampalin ako pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Gising na 'ko." nanlalaki ang mga matang sabi ko sa kanya.

"Ay, sorry naman. Sinisiguro ko lang na gising ka. Kanina pa kasi kita ginigising kaso puro ungol at hikbi ka lang." sabi ni Jem.

"Ok na 'ko. Iwan mo na 'ko." sabi ko.

"Miles, 'yong napag-usapan..." sabi ni Jem.

"Sinabi ko ng ayoko. A.YO.KO!" sabi ko sabay hila sa bag ko at patakbong lumayo sa kanya.

"MILES!" malakas na sigaw ni Jem.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon