Chapter Twenty-five

34 9 0
                                    

Kinaumagahan.....

Nakarating na si Tita mula America. Bumaba ako para pumunta sa kusina, pero nakita ko silang nag-uusap ni Mama sa salas. Magmula kaninang madaling araw na dumating si Tita hanggang ngayon nag-uusap pa rin sila.

At alam ko tungkol sa amin ni Nina ang pinag-uusapan nila. Dahil tumigil sila nang mapansin nila akong nakatayo sa harap nila. Tumayo si Tita at niyakap ako sabay hagulgol. Humagulgol din si Mama.

"I miss you, my Miles." sabi niya.

Matagal din kami sa 'ganong posisyon bago niya ako hinarap. Ikinulong niya sa dalawang palad niya ang mukha ko. At nakangiting tinitigan niya ako sa mukha. Hindi ko napigilan na kusang tumulo ang mga luha ko.

"Ssssshhh... I'm not mad. Your Mama is not mad. Naiintindihan mo naman kung bakit naging 'ganon ang reaction niya, diba. We understand everything. But, you and Nina must also understand na gagawin namin 'to para sa inyong dalawa. Mahal na mahal naming kayong dalawa. And this is best for the both of you." umiiyak na sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha kong ayaw nang tumigil.

"I'm sorry, Tita." sabi ko at para akong batang umiiyak sabay yakap sa kanya. Niyakap rin ako ni Tita nang mahigpit. Tumayo si Mama at nakiyakap sa amin.

"Mommy." rinig naming sabi ni Nina. Sabay-sabay kaming lumingon sa hagdan. Kagigising lang niya dahil nakadamit pantulog at magulo pa ang buhok niya. Pero luhaang mukha ni Nina ang sumalubong sa 'min. At galit niyang mga mata ang tumitig sa 'kin.

"Nina." mahina at paos na sabi ko.

"Baby." sabay na sabi ni Tita at Mama.

Kumalas si Tita sa pagkakayakap sa 'kin. Lumapit siya kay Nina at niyakap ito. Pero nanatiling nakatutok ang tingin ni Nina sa 'kin. Sunod-sunod ang bagsak ng mga luhang hindi mapigilan. Napalunok ako ng laway.

"Hey..." pang-aagaw nang pansin ni Tita. Nabaling ang tingin ni Nina sa kanya. At umiyak na niyakap ang ina.

"Mommy, it hurts. It hurts so much." parang batang umiiyak si Nina nang sabihin 'yon. At patalim ang mga salitang 'yon na tumagos sa puso ko.

"Ssssshhh... It's okay, baby. Just let it go, everything will gonna be fine." umiiyak na sabi ni Tita. Napayuko ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakikita na ganito si Nina.

"'Don kayo sa taas mag-usap." mahinang sabi ni Mama.

Tumango si Tita at inakay paakyat ng hagdan si Nina. Napalingon ako sa kanila at ang namumugto't lumuluhang mata ni Nina ang nakita ko. Dahil lumingon pa siya sa 'kin. Para akong pinapatay sa mga titig niya.

Pumunta ako ng kusina at uminom ng tubig. Para lumuwag naman ang sikip-sikip ko ng mundo. Para akong patay na buhay. Wala nang pakiramdam, wala nang gustong patunguhan.

"Miles, anak..." rinig kong sabi ni Mama sa likuran ko. Sinundan niya ako.

"Please, Ma. Huwag muna ngayon." sabi ko sabay punas ng mga luha ko.

"I'm so sorry, anak. Pero, alam kong naiintindihan mo ang mga ginagawa namin para sa inyo. Mahal na mahal namin kayo ni Nina..." umiiyak na sabi ni Mama.

"And this is the best for us... The best for all of us... Alam ko, Ma. Just give me space. Hindi madali para sa 'kin 'to. I'm going through hell... again." naiiyak na sabi ko pero pinigilan ko.

Diretso akong lumabas ng kusina pataas sa kwarto ko. Pagdaan ko sa nakasaradong kwarto ni Nina. Kusang tumigil ang mga paa ko. Napatingin ako sa pintuan.

Gusto kong buksan at yakapin si Nina. Paliguan siya ng mga halik para mawala ang sakit na nararamdaman niya. Pero wala akong lakas na gawin 'yon.

Napapikit ako, bumuntong-hininga, napailing at pinilit kong maglakad palayo sa pintuan. Palayo sa babaeng minahal ko ng mas higit pa sa sarili ko.

Naligo ako, nagbihis at pumasok sa school. Dumaan ang maghapon na lutang ako. Napadaan ako sa PAC office. Wala sa sariling pumasok ako sa loob at naupo sa sofa.

"Hey, bro." bati ni Ace sa 'kin. Hindi ako kumibo.

"'San si Nina? Maghapon ko siyang hindi nakita ah." sabi ni Zoe. Hindi ko siya pinansin.

"Oo nga." sabi naman ni Jem. Hindi ko rin siya pinansin.

"Guys!" sigaw ni Neo sabay hangos na pumasok.

Napatingin kami sa kanya. May dala siyang malaking itim na kahon. Nanlaki ang mga mata ko. Kulay at tatak pa lang ng kahon, alam ko na. Agad akong kinabahan.

"Ano 'yan." malakas na sabi ni Jem.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang sa labas. Baka regalo ni Mr. Ricaforte sa 'tin dahil sa pagtulong natin sa kanila ng anak niya." nakangiti pang sabi ni Neo.

"Itapon mo 'yan." malakas na sigaw ni Zoe.

Gulat na napatingin si Jem at Ace sa kanya. Lalo na si Neo na akmang ibababa na sana ang hawak na kahon. Dahil sa malaki ito nahihirapan si Neo na buhatin 'to.

"Zoe, bakit?" nag-aalalang tanong ni Ace.

"Para kay Nina na naman 'yan... Pustahan tayo." nanginginig na sabi ni Zoe.

Nagkatinginan kaming dalawa. 'Oo nga pala, kasama namin siya ni Nina 'nong matanggap namin ang pangalawang regalo.

"Oo nga, naaalala ko na, 'yong unang ganyan. Parehong malaking black box at ang laman black roses. Para kay Nina nga 'yon." sabi ni Jem.

"At ito ang pangalawa..." sabi ni Ace.

"No! Pangatlo na 'to..." sabi ni Zoe.

"Pangatlo? 'Asan at kailan niyo nakuha 'yong pangalawa?"gulat at nanlalaki ang mga matang tanong muli ni Ace.

"Hindi ko na maalala kung kailan 'yon. Pero, nasa isang restaurant kaming tatlo ako, si Nina at si Miles. Tapos, may isang bata na nagbigay. Ganyan din, malaking black box pero ang laman isang itim o dark chocolate..." sabi ni Nina na pinutol ni Neo.

"DARK CHOCOLATE... 'ASAN? Anong nakakatakot 'don." malakas na sabi ni Neo. Malakas naman siyang hinampas ni Jem sa braso. Dahilan para mabitiwan niya ang kahon. Bumagsak ito sa sahig.

"Tumigil ka nga." sabi ni Jem kay Neo.

"ARAY! Ikaw ang tumigil. Si Nina lang pinapayagan kong manghampas sa 'kin. Ang sakit ha!" malakas na sabi ni Neo kay Jem sabay himas sa braso.

"Tumigil kayo." saway ni Ace sa kanilang dalawa.

Saka lumapit si Ace sa nahulog na kahon. Sumunod ako kay Ace. Napalunok ako ng laway... 'Ano naman ngayon?' Hinawakan niya ang puting tela na lumabas sa kahon nang mahulog. Nagpalit-palitan kaming lahat nang tingin.

"Zoe, ano 'yong pangalawang natanggap ni Nina?" tanong ni Ace. Dahan-dahan niyang iniaangat ang takip ng kahon.

"Black heart." sabi ni Zoe. Sabay takip ng kamay sa bibig. Ginaya naman siya ni Jem.

Pare-parehong kaming napamura nang malalakas nang tuluyan nang maalis ni Ace ang takip at tumambad sa 'min ang laman ng kahon.

Ang puting tela na hinawakan ni Ace ay isang belo. Belo ng isang malaking manika. Nakadamit pangkasal, pero isang black gown o itim na pangkasal. At ang nakakakilabot nito. Ang mukha ng...

'Black bride doll.'

Kamukha ni Nina.

Marahas kong kinuha ang black card at binasa...

"To the most beautiful girl. NINA! With all my love."

Nilamukos ko 'to at malakas na ibinato. At muli napamura ako, na ako mismo hindi ko na mabilang.

"Iisa ang nagpapadala ng mga nakakakilabot na bagay na 'to. Kailangan nating alamin kung sino. At ano ang pakay niya kay Nina." tiimbaga at mariing sabi ko. Napatango silang lahat.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon