"Galit ka sa 'kin." umiiyak sabi ni Nina. Hindi ako nakaimik.
"Nagalit ako dahil nasaktan ako. Akala ko hindi mo na ako mahal kaya natiis mo 'ko at nagtagal ka sa America. Hindi ko alam na nagkasakit ka. Patawarin mo 'ko." umiiyak na sabi ng peke. Pati ako halos mapaniwalang siya ako.
"Ikaw? Ipaliwanag mong sarili mo?" sabi ni Ace sa 'kin.
"Dahil sa kanya..." sabi ko sabay turo sa peke pero kay Nina ko itinuon ang titig ko.
Maang siyang napatingin sa 'kin. Napatingin din ang grupo sa 'kin. Napatingin ang peke sa 'kin. Pero sa gilid ng mata ko nakita ko si Ace na inilalabas sa kanyang bagpack ang ouija board at planchette.
"Nagalit ako dahil nasasaktan ako. Masakit na wala akong magawa para protektahan ka. Pero hindi ako galit sa 'yo. Mas nanaig sa 'kin na lutasin muna ang problemang 'to. Kasi alam ko buhay mo ang nakataya. Hindi ko inaasahang babalik ka agad. Dahil wala pa akong ideya kung sino ang nagpapadala sa 'yo ng mga nakakakilabot na bagay. Naipit ako, hindi ko alam ang gagawin ko kaya naging 'ganon ang pakikitungo ko sa 'yo. Pero, maniwala ka masayang-masaya ako na bumalik ka." umiiyak din na sabi ko.
"Bakit mo ako mahal?" tanong ni Nina pero nananatiling nasa 'kin ang mga titig niya.
"Mahal kita dahil ikaw ang lahat sa akin. Mahal kita dahil ikaw ang nagbigay ng buhay ko. Mahal kita at ipinapangako ko, ibibigay ko sa iyo ang lahat." sabi ng peke.
"Eh, ikaw?" asik ni Neo sa 'kin.
"Hindi ko alam." sabi ko.
"Hindi mo alam?" sabay-sabay na tanong ng grupo.
"Hindi ko alam." muling sabi ko.
"H-hindi mo alam?" tanong ni Nina.
"Hindi ko alam. Bakit kailangan bang may rason o dahilan para mahalin mo ang isang tao? Basta mo na lang mararamdaman 'yon ng walang dahilan. Hindi ko alam, kasi... It just hit me. I didn't even believe in forever, Baby. But, i think i found my forever in you." umiiyak na sabi ko.
"Miles..." umiiyak na sabi ni Nina sa 'kin. Mabilis akong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit.
"HIIIIINNDDIII!" malakas na sigaw ng peke.
Nanlaki ang mga mata naming lahat, dahil nagpalit o nagbalik sa tunay na anyo ang pekeng ako. Kilala ko siya, siya ang lalaking kumuha sa bangkay ng mataba at ma-pimple na babae. Ang lalaking puno ng peklat ang mukha.
"Neo, ngayon na..." biglang sigaw ni Ace. Agad na pumunta si Neo sa harap ng peke at mabilis itong sinabuyan ng holy water.
"Aaaaahhh..." sigaw ng peke.
"Bro, huwag mong bibitawan si Nina!" sigaw ni Neo sa 'kin. Mabilis naman akong tumango.
"I curse out every evil!" sabay na sigaw nina Zoe at Jem.
"I reject sin to live in the freedom of God." sabay na sigaw ni Ace at Neo. Patuloy pa rin ang pagsaboy ni Neo sa peke ng holy water.
"Aaaaahhh..." patuloy na pagsigaw ng peke.
"I reject evil!" malakas na sigaw ni Nina. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin. Nagtanguan kami.
"I reject satan and all his works and all his empty promises!" malakas na sigaw ko.
"AAAAAHHH!" mas malakas na sigaw ng peke hanggang maging isa itong maitim at makapal na usok.
"Ace, 'ayan na!" sigaw ni Neo na patuloy ang pagsaboy ng holy water sa usok.
Nagpaikot-ikot ito sa ulunan namin ni Nina. Lalo kong hinigpitan ang yakap kay Nina. Hanggang pumunta sa direction ni Ace. Mabilis na lumapit si Zoe at Jem para humawak rin sa ouija board. Mabilis na bumulusok ang usok papasok sa pinakagitna ng ouija board.

BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Mister / ThrillerKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.