Nang gabing 'yon. Sinimulan namin ng PAC group ang mag-imbestiga. Kung saan-saan kami nakarating para hanapin kung saang novelty shop o personalized shop nanggaling ang itim na malaking box, itim na card at ang itim na mga nakakakilabot na bagay.
Pero bigo kami, wala kaming nahanap. Lahat kami nanlulumo. Lahat kami, pakiramdam namin wala kaming silbi. Napadpad kaming lahat sa isang bar.
Nagkainuman, nagkasayawan, nagkasayahan. Panandalian naming nakalimutan ang tungkol sa bago naming assignment. Panandalian kong nakalimutan ang sakit, pero hindi si Nina.
Kahit saan ako tumingin... Kahit saan ako magpunta... Kahit anong gawin ko... Mukha niya ang nakikita ko. At gusto ko siyang maka-usap ngayon na...
Agad akong umalis ng bar na hindi ko na naalalang magpaalam sa grupo. Mabilis kong pinatakbo ang motorbike ko pauwi ng bahay. At nag-aalalang mukha ni Mama ang bumungad sa 'kin pagdating ko ng bahay.
"Miles, alas-tres na ng madaling araw. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa 'yo!" malakas na sabi ni Mama.
"Ma, please. Mamaya na tayo mag-usap." sabi ko sabay patakbong inakyat ang hagdan papunta sa second floor ng bahay.
"Miles..." tawag ni Mama, agad siyang sumunod sa 'kin.
"Nina!" tawag ko kay Nina sabay katok nang malalakas sa pinto ng kwarto niya para magising siya agad.
"Miles..." sabi ni Mama sabay lapit sa 'kin.
"Mama, please. Gusto ko lang kausapin si Nina." nagmamakaawang sabi ko. Handa nang bumagsak ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.
"Miles, anak... W-wala na si Nina." umiiyak nang sabi ni Mama. Umiling ako.
"You're joking, right. It's a joke, Ma." sabi ko sabay bagsak ng mga luha na hindi ko na mapigilan. Umiling si Mama at napahagulgol na nang iyak.
"No, Miles. Umalis na sila kagabi. Ten pm ang flight nila ng Tita mo." umiiyak na sabi ni Mama.
"I don't believe you!" malakas na sabi ko sabay bukas sa pintuan ng kwarto ni Nina.
Napakurap-kurap ako, malinis ang kwarto, nasa ayos ang lahat. Dahan-dahan akong lumapit sa built-in cabinet, nanginginig ang mga kamay na binuksan ko.
Saka ako parang kandilang naupos, pasalampak akong bumagsak sa sahig. Saka ko pinakawalan ang isang sigaw. Agad na lumapit si Mama at niyakap ako nang mahigpit.
"Sige, anak. Ilabas mo lahat. Nandito lang ang Mama." sabi ni Mama.
Sumigaw ako nang sumigaw, humagulgol nang humagulgol. Ngayon talagang bumagsak ang mundo sa 'kin. Wala na, wala nang buhay ko.
Hindi ko man lang siya nakausap. Hindi ko man lang naamin sa huling pagkakataon ang nararamdaman ko sa kanya. At ang masakit hindi ko siya naipaglaban katulad ng pangako ko sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa 'ganong ayos. Basta ang alam ko tumayo ako, naglakad, diretso kwarto ko at padapang nahiga. Hanggang makatulugan ko ang pag-iyak.
Pero tuloy ang buhay. Kinaumagahan. Nagising, bumangon, naligo at pumasok ako sa school. Daig ko pa ang baliw, sa sobrang wala sa sarili. Sunod lang sa agos ng buhay.
Pauwi, pero napadaan sa PAC office. Pumasok at naupo sa sofa. Ramdam ko ang paninitig ng bawat isa sa grupo. Alam ko naghihintay sila...
"Wala na si Nina." mahinang sabi ko. Alam ko nagkatinginan sila.
"'San nagpun..." tanong ni Neo.
"SSSSSHHH....." malakas na saway sa kanya ni Jem.
"'San nagpunta? Bumalik na sa America." sabi ko.
"Miles..." naiiyak na sabi ni Zoe. Tumabi sa akin at hinimas ang likod ko.
"MU kami, masaya. Akala ko pang-habang buhay. Nalaman ng Mama ko. Tinawagan ang Mommy niya. Umuwi dito. Kinuha si Nina." sabi ko.
"Miles..." naiiyak na sabi ni Jem. Tumabi sa akin at hinimas ang likod ko.
"Napakalaking PAGKAKAMALI... dahil... Napakalaking BAWAL... dahil... Napakalaking KASALANAN... dahil... Napakalaking INCEST!" mariin at tiim bagang sabi ko.
"Bro..." sabay na sabi ni Ace at Neo.
"Hindi ko kailangan ang awa niyo..." mahinang sabi ko.
"HINDI KAMI NAAAWA SA 'YO. UMIIYAK KAMI KASI ANG SAD NG LOVE STORY MO!" umiiyak na sigaw ni Zoe.
Napangiti ako. Tinignan ko si Ace, ngumiti siya at tumango. Tinignan ko si Neo, ngumiti siya at nag-salute. Binalingan ko si Zoe, ngumiti siya at niyakap ako. Binalingan ko si Jem, Ngumiti siya at hinaplos ang braso ko.
"This is the best for us." sabi ko.
"It is really the best, bro." sabi ni Ace. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Atleast, hindi na siya magagambala 'nong nagpapadala sa kanya ng mga nakakatakot na bagay." pagpapatuloy ni Ace.
"Yeah, atleast. But, i have to go through hell again." mahinang sabi ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nina Villaverde
It's been a month, buhat nang bumalik kami dito sa America. And my life changed differently. I am not the same Nina as before. And i don't go to school.
No happy Nina. No bubbly Nina. No smiling Nina. No talkative Nina. It seems the world turn its back on me. At ngayon may sariling akong mundong tinatawag.
Mundo, na tanging iisang tao ang bida. Mundo, na tanging iisang tao ang gumagalaw. Mundo, na tanging ako lang ang nakakakita at nanonood. Ang mundo ni Miles.
Akala ko sa pelikulang 'Twilight' lang makikita. Si Bella na 'nong mabroken-hearted, nakaupo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Ilang araw, linggo, buwan o taon.
Kaya ko rin palang gawin 'yon. Nang walang ka-effort effort. Walang pakialam sa paligid o sa mga nangyayari sa paligid. At lalong walang pakialam sa tao.
Ang kaibahan nga lang. Ako, may nakasaksak na dextrose sa kamay. Reality check... Walang ganang kumain, walang ganang matulog dahil walang ganang mabuhay.
I have gone through different doctors and psychiarist. Wala naman silang makitang sakit. Just a plain and dumb Nina.
Alam ko sobra nang nag-aalala si Mommy at Uncle Nigel. Araw-araw, naririnig kong umiiyak si Mommy. 'Pano, her only precious daughter, just going through hell.
Well, that's life. Sucked life. Fucked life. Fucked INCEST!
'Who invented that word anyway. Fucked him!'
"MILES!"
The only word i know. The only word i care. The only word that keeps me from dreaming. The only word that keeps me from believing. The only word that keeps me from breathing.
The only word that hurts me that much. To the extends that i can't bare the pain. The only word that will kill me.
![](https://img.wattpad.com/cover/91566542-288-k733343.jpg)
BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Misterio / SuspensoKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.