Chapter Six

112 55 0
                                        

Kinaumagahan, maaga na naman akong ginising ni Nina. Kailangan ko na talagang maglock ng kwarto. Invader 'tong baby ko. Ang bango-bango niya tapos ako ni hindi ko alam kung anong amoy ng hininga ko.

Nagkita-kita kami ng PAC o Paranormal Activity Club group sa bahay ni Neil. Gusto rin daw niyang sumama para raw ma-experience niya kung papano namin ireresolve ang assignment na 'to.

"San tayo maguumpisa?" tanong ni Zoe.

"Oo nga, hindi naman natin alam kung 'san nakatira 'yong babae na nasa dingding." sabi ni Neo.

"Hindi rin natin alam kung sinu-sino ang mga kamag-anak niya." sabi ni Jem. Napaisip ako.

"Ace, 'yong lalagyang lata na may manika?" tanong ko.

"Andito, sandali." sabi niya sabay kuha ng lalagyang lata sa bag niya.

Iniabot niya sa 'kin. Kinuha ko 'to at tinignan ang likod. Medyo kinakalawang na kaya medyo burado na ang nakasulat. Pinadaan ko ang daliri ko sa buradong nakasulat. Napapikit ako. Nang biglang napunta ako sa ibang dimension. Isang store na bilihan ng mga iba't-ibang klase ng laruan.

Isang lalaki na medyo may edad na ang nagbabantay ng tindahan. Sa isang iglap bumalik ako sa realidad. Kunot noong nakatingin lahat sila sa 'kin. Alam ko, hindi magtatagal hindi ko na maililihim 'tong sikreto ko.

"Alam ko na kung 'san tayo mag-uumpisang maghanap." sabi ko sabay balik ng lalagyang lata kay Ace.

Nagdududa ang mga mata nilang nakatingin sa 'kin. Nagkibit balikat ako at nauna nang maglakad. Alam ko kahit na sumusunod sila sa 'kin nasa mukha nila ang pagaalinlangan at hindi paniniwala.

"Miles, sandali." sabi ni Nina at sumabay sa 'kin. Ikinawit pa ang isang kamay sa braso ko.

"May hindi ka sinasabi sa 'kin?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin.

"Malalaman mo rin." sabi ko sabay iwas ng tingin.

Nakarating kami sa tindahan ng mga laruan. Unang pumasok si Ace, tumunog ang door chime na nasa taas ng pintuan. Sunod-sunod na kaming pumasok lahat. May lumabas na lalaki mula sa isang kwarto. Ang lalaki sa premonition ko.

"Good morning po." sabay-sabay na bati namin.

"Good morning. Anong maipaglilingkod ko sa mga kabataang tulad niyo?" tanong ng lalaki.

"Ahm, Hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa. Isa po kaming grupo ng Paranormal Activity Club sa school. Ako si Ace, eto naman sina Zoe, Miles, Nina, Neo, Jem at si Neil." sabi niyang pagpapakilala sa aming lahat.

"Ako naman si Benjamin. Tawagin niyo na lang akong tatay Ben." nakangiting sabi ng lalaki.

"Ganito po kasi 'yon, tatay Ben. Bagong lipat si Neil sa inuupahang bahay niya. Tapos may isang imahe ng babae sa dingding niya. Na kahit anong linis niya hindi maalis. Kaya hihingi po sana kami nang tulong sa inyo." sabi ni Neo.

Napalis ang ngiti ni tatay Ben. "Anong maitutulong ko 'don?" kunot noong tanong niya na ikinawala ng mga ngiti niya.

"Tungkol po dito." sabi ni Ace sabay abot ng latang lalagyan.

Nanlalaki ang mga matang kinuha ito ni tatay Ben. Binuksan niya 'to at maiyak-iyak siya sa nakita. Sa mga nanginginig na kamay masuyong kinuha ang manika. At dinala sa dibdib. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya.

"Ang tagal-tagal ko nang hinahanap ang manikang 'to. Dahil ito na lang ang alalang naiwan ni Lorraine." umiiyak na sabi ni tatay Ben.

"S-Sino po si Lorraine?" tanong ni Nina.

"Ang una at huling babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang may-ari ng manikang 'to." sabi ni tatay Ben. Napatingin ako kay Nina. Siniko naman ako ni Zoe. Tinignan ko siya ng masama. Parang baliw lang siyang ngumiti.

"N-nasaan po siya?" tanong ni Jem.

"Matagal na siyang wala. Sampung taong na siyang patay." sabi ni tatay Ben. Nagkatinginan kaming lahat.

"Ahm tatay Ben. May picture po ba kayo ni Nanay Lorraine?" tanong ni Ace.

"Oo, sandali at kukunin ko." sabi ni tatay Ben.

Pumasok siya sa nilabasang kwarto kanina paglabas dala-dala niya ang isang lumang wallet. Bumalik sa amin at binuklat 'to. Nanlaki ang mga mata naming lahat. Ang babae sa wallet ni tatay Ben at ang imahe ng babae sa dingding ng bahay ni Neil ay iisa. Ito rin ang babae sa premonition ko.

"Ahm, tatay Ben. Siya ang babaeng tinutukoy namin. Pwede niyo po ba kaming samahan sa bahay niya? Sa mga kamag-anak niya?" tanong ni Ace.

"Wala akong alam na ibang kamag-anak si Lorraine. Dayo lamang silang dalawa ng nanay niya nang mapadpad dito. Wala ring nakakaalam kung 'san sila nanggaling. Pero alam ko kung 'san sila dating nakatira. Masasamahan ko kayo 'don." sabi ni tatay Ben.

"Naku salamat, tatay Ben." sabi ni Zoe.

"Malaking tulong na po 'yon sa 'min." sabi ni Nina. Na hindi ko ulit naiwasang titigan.

"Sige, hintayin niyo ako sandali at mag-aayos lang ako." nakangiting sabi ni tatay Ben. Bumalik siya sa kwarto.

Nagtingin-tingin naman kami sa loob ng tindahan niya. Luma na ang tindahan niya kaya luma na rin ang mga laruan. Pero, napapanatili niya ang kalinisan ng mga 'to.

"Tayo na mga anak." pagkuwa'y sabi ni tatay Ben. Nagsitanguan kaming lahat.

Lumabas na kami. Nahuli siya kasi ikinandado pa niya ang tindahan. Pero nauna siyang naglakad, dahil siya ang nakakaalam ng pupuntahan namin.

Malayo-layo na rin ang nalalakad namin nang makarating kami sa isang medyo liblib na lugar. Malalayo ang agwat ng bawat bahay. Halatang mahihirap lamang sila dahil gawa sa kubo ang mga bahay.

Bumigat ang pakiramdam ko nang bumungad sa amin ang isang napakalumang bahay kubo. Agad kong tinabihan si Nina nang papasok na kami sa loob ng bahay.

"Tatay Ben, pwede niyo po bang ikwento kung 'pano niyo nakilala si nanay Lorraine?" tanong ni Ace.

Habang inilalabas ang ouija board at ang planchette. Inilapag niya ang mga 'to sa maalikabok at luma ng mesa na 'andon. 'Yon lamang ang tanging gamit na 'andon. Sira-sira na rin ang mga built in kabinet.

Maging ang bubungan na kahit na mahinang ulan lang siguro, siguradong mababasa kami sa loob. Ang tanging maayos-ayos na lamang ay ang mga dingding at ang sahig na kahoy.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon