FAITH AND HOPE (Twins)
Isang iyak ng sanggol ang gumising sa amin ng kambal ko. Nagkatinginan kami. Agad na bumangon sa kama at mabilis na lumabas ng kuwarto. Nasalubong namin sa pasilyo sina mama at papa.
Na pareho ring naguguluhan dahil patuloy ang pag-iyak ng sanggol na naririnig namin. Halos magkakasunod kaming bumaba ng hagdan. Pumunta sa main door si papa at binuksan ang pintuan.
Napanganga kami at nanlaki ang mga mata. Dahil sa harapan namin ay isang kahon. Kahon na naglalaman ng isang sanggol. Sanggol na walang humpay sa pag-iyak.
Agad na binuhat ni papa ang sanggol at ibinigay kay mama. Lumabas siya ng bahay. Siguro para hanapin kung sino ang walang kwentang magulang na nag-iwan ng anak niya sa pinto ng bahay namin.
Ipinaghele ni mama ang sanggol. Tumahimik naman ito. Dahil siguro sa naramdamang init at pagmamahal. Naramdaman siguro ng sanggol na ligtas ito dahil sa pagkakayakap ni mama.
"Wala akong makitang tao." humihingal pang sabi ni papa. Dinampot niya ang kahon nang pumasok siya sa loob ng bahay at isara ang main door.
"Sino naman kaya ang nag-iwan ng baby na ito?" tanong naman ni mama.
"Bukas na bukas din dadalhin natin siya sa barangay hall." sabi ni papa.
Habang inilalabas niya mula sa kahon ang ilang piraso ng baby clothes, dalawang baby diaper, isang maliit na karton ng baby milk at dalawang baby feeding bottles na may natimpla ng gatas.
"Mike, kung walang babawi sa kanya. Pwede natin siyang ampunin." sabi ni mama kay papa.
"Sige na po, papa." sabay na sabi namin ng kambal ko.
"Kung walang babawi sa kanya." nakangiting sabi ni papa.
Ako si Faith. Hope naman ang pangalan ng kambal ko. Pareho kaming nasa edad thirteen. Sabik kami sa kapatid. Dahil dalawa lang kaming anak. At hindi na magkaka-anak si mama. Dahil sensitive siyang nagbubuntis. Ilang beses na siyang nakunan kaya delikado na para sa kanya ang magbuntis muli.
May kaya ang pamilya namin. May business kami sa America at dito sa Pilipinas. Pero mas gusto ng magulang namin dito sa Pilipinas. At kada six months nagpupunta sila sa America para bisitahin ang business doon.
Maaga pa lang ay nagpunta na sina mama at papa sa barangay hall, dala ang sanggol. Lalaki ito, nakita namin nang palitan ni mama ng diaper. Kaya lalo kaming natuwa ng kambal ko. Dasal namin na sana walang bumawi sa kanya.
Pansamantalang kinuha ng DSWD ang sanggol. Habang hinihintay na may bumawi dito. Araw-araw naman namin itong dinadalaw. Dinadalhan ng mga kailangan nito.
Lumipas ang dalawang linggo na walang bumawi sa sanggol. Sabi ni Kapitan, marahil hindi galing sa barangay namin ang pamilya nito. Kaya inireport ang naiwang sanggol sa lahat ng kalapit na barangay namin.
Muli lumipas ang dalawang linggo na wala pa ring bumabawi sa sanggol. Abandoned ang case nito. Kaya walang sinayang na oras sina mama at papa. Nag-file sila ng adoption para sa sanggol.
At dahil may kaya naman kami. At walang bumawi sa sanggol. Na-ampon namin ito. Pinagawahan ng birth certificate at pina-valid. Pinabinyagan din namin siya.
Lumipas ang dalawang taon. Fifteen na kami ng kambal ko. Maayos naman ang lahat. Lalong nag-enjoy at masaya ang lahat magmula ng dumating sa buhay namin ang sanggol na lalaki.
Second birthday niya ngayon. Ang ibinigay ng magulang namin na birthdate niya ay noong makita namin siya sa labas ng pintuan. Masaya ang party at sobrang nag-enjoy ang bata.

BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Mystery / ThrillerKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.