Ipinasya kong umuwi na lang. Para hindi na nila ako makulit sa bagay na ipinipilit nila. Siguro nga lasing ako kagabi kaya wala akong matandaan sa mga pinagsasabi ko. At ayaw ko talaga kahit anong gawin nila.
Naglalakad ako nang mapadaan ako sa isang restaurant. Nakaramdam ako ng gutom at uhaw dahil sa pagtakbo. Pumasok ako at nag-order, nang makuha ko ang inorder ko. Lumabas ako para 'don kumain dahil mahangin.
Habang kumakain ako, may isang walanghiya ang tumabi sa 'kin at naki-inom sa coke ko. Pagtingin ko, napailing na lang ako. 'Ang gandang babae neto pero kung makangiti parang baliw.'
"Makikiinom lang. Napagod ako eh." sabi ni Zoe.
Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Walang anu-ano'y bigla siyang kumanta nang malakas. Hindi ko alam ang pamagat, wala na sa tono ang kanta pati ba naman boses niya.
"🎼Kaibigang tunay, walang iwanan. Kaibigang tunay, laging maaasahan🎵🎶." kanta niya sabay kumpas pa ng mga kamay.
Ibinaba ko ang kutsara at tinidor. Humalukipkip ako at matalim ang tinging ipinukol sa kanya. Alam ko gawa-gawa lang niya ang kanta para matamaan ako. Pero parang wala lang sa kanya ang matalim na titig ko. Lalo pang inilakas ang boses at pumikit pa.
"🎼Kaibigang tunay, walang iwanan. Kaibigang tunay, laging maaasahan🎵🎶." kanta niya sabay kumpas pa ng mga kamay.
Nang may marinig kaming pumapalakpak. Pag-angat ko ng mukha, nakita ko si Nina. Nakangiti habang papalit-palit ang tingin sa 'ming dalawa ni Zoe. Na tumigil naman sa pagkanta at kumindat pa sa 'kin.
"Nina!" sabi ni Zoe na kunwari ay nagulat.
"Andito pala kayong dalawa." nag-aalanganing sabi ni Zoe.
"Ahm, ako nauna dito. Bigla lang siyang sumulpot at kumanta." paliwanag ko kay Nina.
Hindi ko gusto na mag-isip siya ng iba tungkol sa amin ni Zoe. Dahil wala naman talaga akong gusto kay Zoe. Pero 'pano ko naman sasabihin sa kanyang may gusto ako sa kanya?
"Upo ka, Nina." sabi ni Zoe. Agad ko namang kinuha 'yong bag ko sa upuan para 'don umupo si Nina. Napagitnaan nila akong dalawa.
"Ano 'yong kinakanta mo. Bago? Ngayon ko lang narinig 'yon ah." tanong ni Nina kay Zoe habang umuupo.
"A-ah, hahaha... Ngayon mo lang talaga narinig 'yon kasi... kasi compose ko 'yon, hahaha..." sabi ni Zoe.
Napatingin ako sa kanya sabay iling. Iba na 'to. Maluwag na turnilyo sa utak ng babaeng 'to. Sayang ang ganda neto. Bagay pa naman sila ni Ace. Napabuntong hininga ako sa naisip. Napatingin ako kay Nina, nakatingin din siya sa 'kin.
"Ahm, pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Nina.
"Anong pag-uusapan natin?" sabi ko kahit na alam ko na kung tungkol saan.
"Sige, usap lang kayo. Huwag niyo akong intindihin. Kunwari wala ako dito." sabi ni Zoe at 'yong ngiti niyang parang baliw.
"Miles, 'yong tungkol kay Mr. Ricaforte..." sabi ni Nina.
"Huwag ka nang makialam 'don. H-hindi ko gagawin." putol ko sa sasabihin niya.
"P-pero, you gave your word to Mr. Ricaforte. Miles!" sabi ni Nina.
"Wala akong alam. Wala akong maalala." sabi ko.
"Pero patunay kami, ang grupo. Saksi kami na nangyari 'yon, na sinabi mo 'yon. Maski si Mr. Ricaforte, Miles. Umaasa na matutulungan mo siya." sabi ni Nina.
"Nina, please..." sabi ko.
"Miles..." sabi ni Nina.
"Hindi ko gagawin!" mariing sabi ko.
"Pero..." sabi ni Nina.
"Wala ng pero pero. Hindi ko gagawin. Tapos!" mariin kong sabi.
Bigla akong tumayo, tumalikod. Pero, nanlaki ang mga mata ko dahil sa loob ng restaurant sa salaming pintuan. May isang lalaking nakabalot ng itim ang nakatingin kay Nina.
Bumigat ang pakiramdam ko, nanlalaki ang ulo ko at nagsipagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Parang wala ako 'don sa harap niya, maging si Zoe hindi niya nakikita. Si Nina lang ang tanging nakikita niya.
At ang mas nakakakilabot... Ang mukha niya, parang nakita ko na ang mukha niya. Tadtad ng peklat... Oo, ang panaginip ko kung 'san magkasama sila ng matabang babae na puno naman ng pimple ang mukha.
"Miles..." tawag sa 'kin ni Nina.
Hindi ko alam kung 'gano ako katagal na tumayo at tumitig sa lalaking nakaitim. Nilingon ko si Nina, kunot-noo siyang nakatingin sa 'kin. Ibinalik ko ang tingin sa pintuan at laking gulat ko ng wala na ang nilalang na 'yon.
Dahan-dahan akong humarap sa kanila at umupo. Parang nawala ako sa sarili. Nang walang anu-ano'y isang batang gusgusin ang lumapit sa 'min. May dalang itim na kahon na sinlaki ng cake box.
"Ate, sino po si Nina?" tanong nito kina Zoe at Nina.
"A-ako, bakit?" sagot naman agad ni Nina. Sabay-sabay kaming napatingin sa ipinatong niyang black box sa mesa.
"May nagpapabigay po neto sa inyo." sabi ng bata sabay takbo palayo sa 'min.
"Sinong... Hoy bata, sinong nagbigay neto!" malakas na sigaw ko sa bata pero ni hindi na niya kami nilingon.
"M-miles." bakas sa takot ang boses ni Nina. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa box, puno ng takot ang mga mata niya.
"Miles, hindi kaya ang nagbigay neto at ang nagpadala ng black roses ay iisa." takot rin na sabi ni Zoe.
Napatiimbagang ako. May punto siya dahil parehong itim ang mga boxes, isa pa parehong kulay violet ang mga ribbon. Nangangalit ang bagang na hinablot ko ang ribbon. Dahil sa gulat napatayo pareho sina Nina at Zoe.
Napalunok ako at napatingin sa kanila. Mabigat din ang paghinga ko. May takot din akong nararamdaman. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa takip. Mabilis namang lumapit si Zoe kay Nina at nagyakap sila.
Pag-angat ko ng takip sabay sigaw nina Nina at Zoe. Napamura ako nang malakas. Gusto kong pumatay... Ang laman ng kahon, isang malaking puso ng katulad sa tao. Pusong gawa sa chocolate. Dark Chocolate o.....
'Black heart.'
"May card!" sigaw ni Zoe sabay kuha sa itim na card at binasa. Naitakip niya ang isang kamay sa bibig at hindi niya mapigilan ang lumuha. Iniabot niya kay Nina ang card pero mabilis ko 'tong hinablot.
"To the most beautiful girl. NINA! With all my love."
Muli akong napamura nang malakas. Nilamukos ko ang card, ibinato sa loob ng box. Dinampot ko ang box at ibinasura sa basurahan ng restaurant. Agad kong hinawakan ang kamay ni Nina na natulala sa bilis ng mga pangyayari at mabilis siyang hinila palayo sa lugar na 'yon. Nakasunod naman sa amin si Zoe.
BINABASA MO ANG
UNFORBIDDEN LOVE
Misteri / ThrillerKailan tama ang mali? Kailan mali ang tama? Mali ba kung ang nararamdaman mo ay tama? Tama ba kung ang nararamdaman mo ay mali? Ang gulo diba? Para maliwanagan ka... Samahan si Miles at Nina. Para malaman kung ano ang tama sa mali o mali sa tama.