Chapter Five

122 56 0
                                        

Pinuntahan nga namin ang bahay na inuupahan ni Neil. Pagpasok pa lang mabigat na ang pakiramdam ko. Agad naming nilapitan ang dingding na sinasabi niya. Mas clear ang mukha ng babae dito.

Pero hindi ko alam kung bakit nananatiling nakakunot-noo ang iba. Maliban kay Neil. Ipinapaling-paling pa nila ang mga ulo para matignang mabuti ang imahe. Napailing na lang ako.

"Ok, umpisahan na natin." sabi ni Ace sabay labas ng isang 'ouija board o spirit board'. Nilinis naman ni Neil ang mesitang 'andon. Nilapag ni Ace ang ouija board at ang planchette.

"Umupo tayo ng pabilog tapos ilagay ang pointer finger sa planchette." sabi ni Ace.

Huli na, hindi ako nakatabi kay Nina. Nagsiksikan kasi lahat nang maupo. Nasa harap ko siya. Atleast napapagitnaan siya nina Zoe at Jem. Sinunod namin ang sinabi ni Ace. Leader eh, feeling. Natahimik ang lahat.

"Spirit, are you here?" tanong niya. Walang umimik, nagpakiramdaman lahat.

"Spirit, are you here? Give us a sign." tanong niyang muli. Pero walang nagparamdam. Wala rin akong nararamdaman bukod sa bigat ng pakiramdam.

"B-baka hindi siya lumalabas sa araw." sabi ni Neo. Napatingin lahat sa kanya.

"May punto ka. Babalik tayo mamayang gabi." sabi ni Ace habang habang itinatago ang ouija board at planchette.

Umalis nga kami at iniwan si Neil. Bumalik kaming anim sa school. At pinagpatuloy ang klase. Nagtext ako kay mama na baka malate kaming uuwi. May gagawin sa school ang nirason ko. Pasalamat ako at hindi na siya nagtanong pa.

Six ng gabi, umalis kami sa school at pumunta ulit sa bahay ni Neil. Agad naman niya kaming pinapasok. Mas bumigat ang pakiramdam ko. Palagay ko may mangyayaring hindi maganda.

Nilatag na ni Ace ang ouija board at planchette. Tatabi na sana ako kay Nina. Pero nahila ako ni Neo paupo. Nagtatagis ang bagang ko pero wala akong magawa. Nilagay na namin ang daliri sa planchette.

"Spirit, are you here?" tanong ni Ace.

"Give us a sign." muling sabi ni Ace. Napasigaw kaming lahat ng bumukas ang pinto at pumasok ang hangin.

"S-sorry, hindi ko naisara kanina." sabi ni Neo. Masama lahat ang tingin sa kanya.

"Break muna tayo. Niel, may juice ka ba?" tanong ni Zoe.

"Sa kusina, feel at home na lang kayo." sabi niya. May kinakalkal siya sa mga gamit. Ako na ang tumayo at pumunta sa kusina. Pagbukas ko ng ref...

"May gusto ka sa kanya ano?" boses lalaki na sabi ni Zoe. Napasigaw ako nang mahina sabay napaupo. Parang bakla.

"A-ano?" tanong ko.

"Halata ka masyado, dude. May gusto ka kay Nina 'no?" sabi niya ulit.

"Pinsan ko si Nina." tiimbagang sabi ko sabay sara sa pinto ng ref. Niyakap ko ang mga tuhod ko at mabigat na bumuntong hininga.

"Aaaww. Sorry naman. Pero kung hindi kayo magpinsan, bagay kayo." sabi niya sabay siko sa 'kin.

Mapait akong napangiti at napailing. Matagal ko nang iniisip 'yan. Kaya siguro, pinaparusahan akong makakita ng mga multo dahil sa pagkagusto ko sa pinsan ko.

"Hoy, tayo na. Ulitin daw." biglang sabi ni Neo. Tumayo kami at pumunta sa grupo.

"Eto o, nakita ko 'to dito 'nong lumipat ako." sabi ni Neil.

Sabay abot ng isang square na latang lalagyan. Kinuha ni Ace at binuksan. Isang luma at maliit na manika ang laman. Pinagpasa-pasahan nila 'to. Hanggang mahawakan ko.

Bigla napunta ako sa ibang dimension. May isang babae na may kandong na sanggol. Inilalaro niya sa baby ang manika. Bago pa ang manika. Hindi ko makita ang baby dahil nakatalikod ang babae sa 'kin. Pagpasok ko sa isang kwarto, nanlaki ang mga mata ko.

Ang babae nakabitin sa kisame. Nagbigti o binigti, hindi ko alam. Pagharap ko, ang babae. Nakatayo, may dalang isang malaking patalim. Itinaas niya ito kasabay ng pagtingin sa 'kin. Napaupo ako dahil puro dugo ang mukha at damit nito.

Papalapit siya sa 'kin. Napasigaw ako. Bigla nabalik ako sa realidad at nasa harap ko ang grupo. Kunot noong nakatingin silang lahat sa 'kin.

"Miles, bakit?" nag-aalalang tanong ni Nina.

"W-wala, wala." umiiling sabi ko sabay abot kay Ace ng manika.

"Sige, ulitin natin." sabi ni Ace. Bumalik lahat sa dating pwesto.

"Spirit, are you here?" tanong niya.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Alam ko 'andito siya. Nang biglang gumalaw ang planchette at napunta sa 'YES'. Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kaming lahat.

"Give us a sign?" tanong muli ni Ace.

Dobleng panlalaki ng mata ko dahil sa likod ni Nina. May isang anino akong naaninag. Papalapit ito kay Nina. Agad kong hinawakan ang kamay ni Nina. Kunot noong napatingin siya sa 'kin.

Kasabay nang pagtayo ko. Sumigaw si Neo. Napasigaw kaming lahat. Kaya naman mabilis kong hinila palabas ng bahay si Nina. Kasunod namin ang lahat. Nakita rin ba niya ang nakita ko?

"Ano?" hinihingal na tanong ni Zoe kay Neo. Nasa labas kaming lahat ng pintuan.

"Umuwi na tayo!" sabi ni Neo.

Kasabay nang malakas niyang pag-utot ang pagrumble ng tyan niya. Napahawak siya sa tyan. Napatakip naman kaming lahat sa ilong namin.

"Kadiri ka!" sabay-sabay naming sabi.

"Sorry, guys. Ang sakit ng tyan ko eh. I cannot control it anymore." maarteng sabi niya. Bumalik kami sa loob para kunin ang mga bag namin. Wala na ang presensiya ng babae.

"Sige, uuwi na tayo. Neil, ako munang hahawak nito." sabi ni Ace na ang tinutukoy ay ang latang lalagyan.

"Sige, ok lang." sabi ni Neil.

"Pero bukas, hahanapin natin kung sinong may-ari nito." sabi ni Ace.

Nilagay na niya sa bag niya ang ouija board, planchette at ang latang lalagyan. Wala na kaming nagawa. Umuwi na kaming lahat maliban kay Neil na naiwan sa kanyang inuupahang bahay.

"Nina." tawag ko sa kanya bago kami pumasok sa bahay.

"Bakit?" tanong niya.

"Huwag mong sasabihin kay mama ang mga ginagawa natin." sabi ko.

"Eh 'pano kung magtanong si tita?" tanong niya.

"Ako na ang bahalang sumagot. Basta huwag kang magkukwento sa kanya. Baka patigilin tayo, ikaw rin." sabi ko.

"Ok!" nakangiting sabi niya.

Napatitig ako sa magandang mukha niya. 'Kaya ba ako, nasali sa paranormal activity club na 'to para protektahan ka. At alam ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat masigurong ligtas ka lang'. Saklap ng life.

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon