Chapter Two

191 62 0
                                        

Miles Villaverde

Ang saya ko lang. Dahil isa ako sa mga nakapasa dito sa Aviation school. Nakapasa ako para sa second year college. Kumukuha ako ng kursong Aeronautical Engineering.

Ewan ko ba sa  paaralang 'to. Taon-taon nagpapa-exam. At kapag wala ang pangalan sa listahan. Bagsak!

Ako si Miles Villaverde. Gwapo, matalino, gwapo, maginoo, gwapo, ipagtatanggol ka kahit kanino, gwapo, pangako isa lang mahahahalin ko, gwapo.....pero may kakaibang talento?!

May third eye ako!

Nakakakita at nakakakausap ako ng mga kaluluwa. Walang nakakaalam nito kundi ako lang. Pero sa totoo lang ayaw ko nito. Ayaw kong layuan ako ng mga tao kaya inililihim ko 'to.

Ayaw kong mabansagang 'crazy', 'creepy', 'lunatic', 'insane' o taong wala sa tamang pag-iisip. Kaya nga pati sa mama ko hindi ko sinasabi ang mga nakikita ko.

Hindi ko alam kung saan ko 'to nakuha. Wala namang ganito si mama. Hindi ko lang alam sa papa ko. Baby pa lang daw ako nang mamatay siya sa isang car accident.

Katulad na lang kanina habang papunta ako dito sa campus. Patawid na ako sa pedestrian lane. Isang nakatalikod na batang babae ang nasa gitna ng kalsada. Nakagirls scout uniform pa ito. Tatawagin ko na sana kaso biglang humarap.

Nagulat pa 'ko. Papano ba naman puro dugo ang mukha at damit. Hindi na maaninag ang mukha dahil naaagnas na 'to. Nakalawit pa ang isang mata at ang dila. Napapikit na lang ako at umatras.

Sa araw-araw na lumilipas, isa o dalawa ang nakikita ko. Sanayan lang. Ayaw kong itatak sa isip ko ang mga nakikita ko dahil baka mabaliw ako. Sayang, gwapo ko pa naman.

Nagsimula na ang klase. Parang wala lang dahil first day. Pero hindi sa sumunod na subject namin. Dahil ang kilalang strikto, masungit at matapang na si Mr. Ricaforte ang teacher namin.

First day na first day. Ginulat kaming lahat. Papaano ba naman kasi. Report agad ang pinagagawa sa amin. Anak ka ng tatay mo! 'Taena! Siya na! Tapos ipapasa agad bukas.

Paglabas niya ng classroom. Lahat kami nakahinga ng maluwag. Nagtinginan kaming magkakaklase at nagsiilingan. Grabe, ang intense kapag si Mr. Ricaforte ang teacher. Sumisikip ang mundo namin.

Lunchbreak.....

At dahil wala naman akong barkada. Mag-isa akong kumakain dito sa cafeteria o canteen. Gwapo ako pero loner. Ayaw ko rin namang matakot sa 'kin ang ibang tao. Isa pa baka maikalat ang itinatago kong lihim.

Patapos na ako ng isang babae ang dumaan sa harap ko. Napatunganga ako. Napanganga pa nga. Palabas na siya ng canteen. Nanlaki ang mga mata ko.

Agad akong tumayo. Bitbit ang tray nang pinagkainan ko. Halos magkandabunggo-bunggo ako sa mga estudyante habang nagmamadali. Inilagay ko ang tray sa dapat paglagyan pagkatapos kumain.

"Ooopps! Sorry!" sabi ko sa bawat mabunggo ko.

At patakbong lumabas ng canteen. Nagpalinga-linga ako. Ayun siya! Napahinto ako. Kahit nakatalikod siya, kilalang-kilala ko siya. Ang mahaba niyang buhok.

Ang tindig niyang parang super model kahit simpleng t-shirt, maong pants at ang favorite niyang high cut converse lang ang suot niya. May backpack din siyang dala.

Gusto kong dukutin ang mga mata ng mga lalaking napapatingin sa kanya. Gusto kong burahin ang mga pagmumukha nila. Na hindi dapat. 'Taena!'

"NINA!" malakas kong sigaw.

Dahan-dahan siyang lumingon. Napangiti at tuluyan nang humarap. Napangiti ako at dahan-dahan ding lumapit sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Na hindi ulit dapat!

"Miles!" nakangiting sabi niya sabay yakap sa 'kin. 'Goodness, how i miss this girl.'

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay masuyong kalas mula sa pagkakayakap niya. 'You made your point, Nina. Hindi mo alam ang nararamdaman ko.'

"Obvious ba. Dito na ako mag-aaral." nakangiti pa ring sabi niya.

Gusto niyang maging isang flight stewardess. Matalino siya kaya na-accelerate siya ng isang taon sa elementary. Kaya kahit mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. First year siya at second year naman ako.

"P-pinayagan ka?" tanong ko.

"Miles, 'kung hindi ako pinayagan e di wala sana ako sa harap mo at hindi mo 'ko kausap." nanghahaba ang ngusong sabi niya.

Napalunok ako ng laway. At nag-iwas nang tingin. 'How i long to kiss those pretty lips.' Na muli ay hindi dapat. Nagiging makasalanan na 'ko.

"Eh, kelan ka dumating?" tanong ko.

"Kanina. Ok lang ako, wala akong jetlag. Excited kasi ako. Kanina pa kita hinahanap. Hindi mo ba nakita ang pangalan ko sa bulletin board?" sabi niya. Napailing ako. Pangalan ko lang ang hinanap ko. Hindi ko naman alam na nag-exam siya.

"Papano ka nakapag-exam?" kunot noong tanong ko.

"Hay, Miles. 'Yan ang nagagawa ng pagiging loner mo. Haven't you heard of online examination. Nagbibigay ang school na 'to." sabi niya.

"Ahm, ok. Pero sana sinabi mo na uuwi ka na para nasundo kita." sabi ko sabay ngiti.

"Ok lang 'yon. Surprise nga diba. Nasurprise ka ba?" sabi niya sabay kawit ng kamay sa braso ko. I feel electricity. Na hindi ulit dapat. Ngumiti na lang ako.

"Miles, anong sasalihan nating club?" tanong niya.

Nakaharap kami sa isang bulletin board. Kung saan nakalagay lahat ng club na pwedeng salihan. Isa pa sa mga requisite ng paaralang 'to. Bawat estudyante dapat may club na sasalihan. Last year, sa journalism ako sumali. At wala pa akong plano kung anong sasalihan ko this year.

"Gusto ko dito." sabi niya sabay turo sa isang papel.

Parang nabulag 'ata ako. Napapikit-pikit ako. Inilapit ko pa, idinikit ko pa ang mukha ko sa papel. Para masigurong hindi ako nagkamali sa pagbasa. 'Anak ka ng tatay mo.'

"PARANORMAL ACTIVITY CLUB"

Nakasulat sa papel. Hindi malabo ang mga mata ko. 'Yan talaga ang nabasa ko. Sa lahat naman ng ayaw kong salihan. Ni 'tignan nga, ayaw kong 'tignan. 'Yan pa ang sasalihan niya.

"S-sisigurado k-ka?" nauutal kong tanong.

"Oo! 'Tignan mo apat lang silang member." wala sa loob na sabi niya sabay turo sa pangalan ng mga miyembro.

'May ghad! I hate drugs!' Naman, Nina. Obvious ba? Syempre wala ngang ibang gustong sumali. Isa pa, walang naniniwala sa ganyan. Gusto kong sabihin sa kanya. Pero sa isip ko lang nasabi.

"Kapag sumali tayong dalawa magiging anim na." nakangiti pang sabi niya. Halos mahimatay ako sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to. Idadamay pa 'ko sa kalokohan niya.

"Sige na, Miles. Dito na tayo sumali, please." sabi niya sabay harap sa 'kin. Bakit kasi hindi ko siya mapahindian. Pilit ang ngiti kong napatango sa kanya.

"Yey, isulat ko na pangalan natin ha." sabi niya sabay sulat nga ng pangalan naming dalawa.

PARANORMAL ACTIVITY CLUB
1. Ace
2. Zoe
3. Neo
4. Jem
5. Miles
6. Nina

UNFORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon